DAZA: Please welcome, Secretary Salvador Panelo, Presidential Spokesperson. Magandang hapon po, Sec. Sal!
BUENAFE: Good afternoon, sir!
SEC. PANELO: Good afternoon sa inyong dalawa.
DAZA: Sec, laman ka na naman ng balita! Ano po ‘tong nabalita ni Danny Buenafe na mayroon daw kayong plano i—
BUENAFE: ‘Yung libel. Hindi, I was just listening kanina sa presscon n’yo ‘di ba?
SEC. PANELO: Oo nga kasi alam mo, masyadong klaro ‘yung mga dokumento rito sa opisina, they speak for themselves. Sabi nga sa batas, res ipsa liquitor – the thing speak for itself. Klarong-klaro na nung dumating ‘yung letter na tungkol sa application for clemency, eh sinagot ko ‘yun at ni-refer ko sa Bureau of Pardons and Parole. Tapos nung sinagot ako ng Bureau na na-deny nila, sinagot ko rin na – in-acknowledge ko – tapos pinadala ko rin ‘yung… ‘yung sulat nila sa akin doon sa sumulat sa akin.
DAZA: Okay. Secretary, Sal—for clarification. ‘Pag humingi ng executive clemency, anong ibig sabihin po ho nun?
SEC. PANELO: Alam mo, dito sa opisina ganito ‘yun. Lahat ng mga letters dito, lahat ng uri ng letters – humihingi ng tulong, nagrereklamo sa ahensya ng gobyerno o sa tao, humihingi ng tulong sa mga lupa nila, kahit na anong letter, ang instruction ni Presidente doon kailangan sagutin natin lahat ng mga kahilingan o reklamo ng mga mamamayan. Policy ‘yan, personal at wala pang gumagawang administrasyon niyan. Palaging ito lang… ito lang talagang Office of the President lahat sinasagot namin kahit na ano.
Nire-refer namin doon sa appropriate authority or agency na mayroong authority na mag-respond sa kanilang concern—
DAZA: Secretary—
SEC. PANELO: —kaya ‘pag may dumarating, like ‘yung request, nire-refer kaagad namin sa Bureau of Pardons and Parole and we receive many similar letters. And alam mo, Pat and Danny, ang letter namin standard, pare-pareho ang kaibahan lang—
DAZA: May istilo na,
SEC. PANELO: ‘Yung pangalan at saka ‘yung date—
BUENAFE: Regardless kung sinong source.
SEC. PANELO: Kumbaga mechanical ‘yung pag-refer namin. Bahala na sila, kasi wala naman kaming authority roon. Wala naman kaming paki-alam doon.
DAZA: Secretary Sal—Oo, yes. But we just want to focus on this case, ‘yung kay Sanchez. Kasi the family apparently wrote to you requesting for clemency. So, my question is ano po ang clemency? Kung na-grant po ito, what would that mean for Mayor Sanchez po?
SEC. PANELO: Hindi. Ang pag—ang application for clemency, ang Presidente ang may kapangyarihan na mag-grant ng clemency.
BUENAFE: Oo, siya lang.
SEC. PANELO: Siya lang.
DAZA: Oo. And what—
SEC. PANELO: Pero ang mag… ang magpro-process nun, ang Bureau of Pardons and Parole. Kailangan tingnan nila kung qualified. Marami silang tinitingnan doon eh. Kaya nire-refer ng opisina namin, lahat-lahat, marami. Siguro mahigit na isangdaan na puro ganun ang hinihingi sa amin.
BUENAFE: Kaya siguro nagkaroon ng kulay kasi dito, ano sir, kasi dahil nga kayo ‘yung dating abogado ni Mayor Sanchez. So, parang ang feeling ng publiko eh baka you had a hand in, you know, somehow, dumating kasi ito sa issue ng GCTA. ‘Yun ang parang—
SEC. PANELO: Unang-una, hindi lang ako abogado roon. Pito kaming abogado nun, hindi nga ak0 lead counsel doon. Pangalawa, ‘yung letter na ‘yun walang kaugnayan doon sa Republic Act 10592. Ano ‘yun eh tungkol sa letter—‘yun nga tungkol sa kanilang application sa clemency. Kaya—kasi nga lahat ‘yan nire-refer namin kung anong agency ang dapat na umaksiyon.
DAZA: Okay. Secretary Sal—
SEC. PANELO: Ngayon…ngayon… Unang-una, twenty-seven years ago pa ‘yun. That’s too much. Walang—kumbaga ni wala pa yata akong—ang anak ko noon eh baka dos anyos lang. Sa madali’t sabi, wala akong komunikasyon na kay Sanchez mula’t-sapul except for one or twice na binisita ko siya dahil I was prosecuting the Espinosa Murder Case at doon ako naghi-hearing sa Muntinlupa Regional Trial Court. Since nandoon naman ako, kinumusta ko naman. Iyon lang after that, wala na. That was twenty-five years ago.
DAZA: Secretary Sal, ito lang. Medyo bubusisiin ko lang ng kaunti. Sabi n’yo nga, sumulat ‘yung pamilya humingi ng clemency tapos na-deny. Sabi ng Parole na hindi po qualified si Mayor Sanchez ergo, doesn’t it not also mean he’s not also qualified for the GCTA because he was not qualified for the—
BUENAFE: Dineny na earlier on.
DAZA: Earlier on or that has no bearing or they’re two different things altogether?
SEC. PANELO: Unang-una, kagaya nang sinabi ko, walang kaugnayan ‘yun. Now, if you’re asking me doon sa 10592, tinanong ako ng Presidente doon. Nag-issue nga ako ng statement. Ang opinyon ko doon, masyado kasing klaro naman ‘yung 10592 eh. Ang sinasabi doon na hindi operatibo, hindi covered ‘yung, isa, recidivist; pangalawa, habitual delinquent; number three, escapees; at saka ‘yung mga convicted ng heinous crimes. Klarong-klaro ‘yun, kaya sabi ko hindi pupuwede ‘yun.
Ang naging problema ay ‘yung implementing rules and regulations. Ikinover nila ‘yung mga heinous crime, iyon ang pagkakamali. Unang-una, kaya nga si Presidente kausap ko kahapon, he directed me to issue a statement regarding doon sa lamentation ni Mrs. Chiong kasi mukhang nakasama doon sa mga kinonsider na na-consider na ma-release ‘yung mga na-convict noon sa rape/murder case sa Cebu. Kaya ang sabi niya, kasi parang ang dating sa kaniya parang tinatanong daw ni Mrs. Chiong, “O, ano? Ganyan ba ang batas na sa panahon mo?”
Kaya sabi ni Presidente, ‘unang-una, sabihin mo sa kanila na wala akong kinalaman sa batas na iyan and for the public to know that 10592 was enacted in 2013 ng Kongreso noon na ang Senate President noon si Juan Ponce Enrile at saka Speaker si Sonny Belmonte na ito’y pinirmahan ni Presidente Aquino at ‘yung implementing rules and regulation na ‘yun ang pinagkaguluhan na kaya nagkaloko-loko ‘yung mga implementation – ang gumawa po niyan ay si De Lima – dating senador at dating Secretary of Justice.
When she was Secretary of Justice in 2013, gumawa siya ng IRR na isinama o kaya ‘yung mga tao naman niya sa Bureau ay ‘yun siguro ang sinunod nila without looking at the law itself, the principal. Because itong implementing rules and regulations, you cannot go over and beyond the law.
DAZA: So, Secretary sa—
SEC. PANELO: Kaya sabi ko kay Presidente, klarong-klaro na hindi kasama diyan ‘yung mga kagaya ni Sanchez.
DAZA: Should we do away with that IRR? Should that be erased?
SEC. PANELO: Hindi. Kagaya nga ng sinabi ni Secretary Guevarra sa Senate hearing, ang unang dapat gawin diyan, amyendahan n’yo.
DAZA: Amend the amendments.
BUENAFE: Favor kayo dun? Favor kayo amyendahan?
SEC. PANELO: Hindi. Dapat tanggalin mo ‘yun kasi nga ‘yung batas, ‘yung implementing rules hindi tumutugma sa batas.
Ang batas sinasabi hindi kasama ‘yung may conviction ng heinous crime, sa implementing rules isinama mo. O, ‘di mali na kaagad. O, that’s first now. Ang tanong naman, anong dapat gawin sa 10592? Ayan ay nasa wisdom na ng mga lawmakers; nasa kanila kung anong gagawin nila diyan.
BUENAFE: Pero bigyan n’yo nga kami ng background lang kasi ‘di ba nag-file din nga kayo dito ng libel case against Rappler at saka Inquirer dahil ang sabi n’yo medyo may malice the way they—
DAZA: Slant.
BUENAFE: —wrote their story, ‘di ba?
SEC. PANELO: Oo. In fact nga ipinakita ko nga sa MPC kanina ‘yung inilabas nila sa internet, sa Facebook, sa Twitter na ni-recommend ko daw; at ‘yung isa naman, ‘yung Rappler naman, inindorse ko daw.
Alam mo, ‘pag sinabi mong endorse at ang spelling mo ay E-N-D-O-R-S-E-D, ibig sabihin noon inirekomenda. Ngayon, ‘pag sinabi mo lang I-N-D-O-R and E-D-I, ni-refer mo lang. Kaya ang layo ng—gaya nung sinasabi nung isang kongresista diyan, para daw intervention kasi I acted favorably, mali na naman iyon. I never… I never have to act favorably. Klarong-klaro naman ‘yung nakalagay doon sa sulat ko eh na ‘nire-refer namin kayo ang sulat na ito at gawin n’yo ang dapat mong gawin, na aayon sa batas kung anong gagawin mo diyan.’ Iyon lang.
DAZA: Sec, ang Bayan Muna rin po sinasabi po nila na dapat rin daw po kayong ipatawag sa Senado—
BUENAFE: Sa Thursday may hearing.
DAZA: —dahil nga daw—Oo, sa Thursday may hearing. Dapat nga—kasi nga dito sa sinulat n’yo po. Should you get an invitation from the Senate, are you willing po to go to the Senate?
SEC. PANELO: Of course, of course kasi gaya nga ng sinabi ko sa MPC, transparent lahat. ‘Yung record nandiyan, ipinakita ko sa kanila lahat. Ipinakita ko rin ‘yung lahat daan halos na mga pare-parehong letter, pare-parehong request. In fact, lahat ng letter na nere-respond namin, gaya ng sinabi ko, may template na kami doon. Nagbabago lang ang pangalan, i-refer namin ito sa’yo dahil ‘yung ngang policy ng Presidente na transparent tayo, saka nagre-respond tayo sa mga hinaing.
BUENAFE: Pero Sec. Sal, since ‘yung time na ‘yung letter na ‘yun na ipinadala n’yo nga ‘no, ‘yung ini-refer n’yo doon sa Board of Parole, you have never communicated with the Sanchez family?
SEC. PANELO: Ganito iyon ha. Ito iyung—
BUENAFE: ‘Yung timeline.
SEC. PANELO: Nung sinulatan ako—
BUENAFE: February.
SEC. PANELO: February 8, alright? Ang sumulat—akala ko nga asawa ito ‘yun pala anak niya. Nung sumulat siya, ito’y inabot ko noong February 26. February itong sulat eh tapos February 26 sinulatan ko si Director Bayang, ‘yun ngang binasa kanina ni ano… doon sa Senate hearing. At the same time, at the same date sinulatan ko rin siyempre ‘yung sumulat sa akin at sinasabi ko, ‘we acknowledge receipt of your letter dated February 8 regarding the application of your father, Mr. Antonio L. Sanchez for executive clemency. In order to ensure immediate and appropriate action on your concern, we referred your letter to the Executive Director of the Bureau of Pardons and Parole, Mr. Reynaldo Bayang. Very truly yours.’ So, ‘yun ang pangalawa.
Ang sumunod na letter, March 19, sumagot ang Bureau of Pardons and Parole. Sabi niya, addressed sa akin, ‘this refers to your letter dated February 26, 2019, forwarding for appropriate action the request for executive clemency of Mrs. Antonelvie J. Sanchez in behalf of her father, person deprived for liberty, Antonio Sanchez, who is currently confined at New Bilibid Prison. In this connection, please be informed that in its meeting on February 27, 2019, the Board resolved to deny [unclear] filed by PDL Sanchez and reiterated in resolution number so and so of the Board dated December 10, denying his petition for executive clemency citing the gravity of offenses he has committed as the reason thereof. Very truly yours, Reynaldo Bayang.’ Nineteen ito, March 19.
BUENAFE: March, March?
SEC. PANELO: Sinagot ko naman. Sinagot ko kasi letter, siyempre marami dapat nadadaanan.
DAZA: Para may paper trail.
SEC. PANELO: Nung dumating sa akin, sinagot ko naman, April 11. ‘Dear Executive Director Bayang, we acknowledge the receipt of your letter dated March 19, 2019 regarding the subject above and appreciate your prompt response. Thank you I remain very truly yours.’ Pagkatapos, sinulatan ko rin naman ‘yung—
DAZA: Sanchez.
SEC. PANELO: Sumulat sa akin. Sabi ko, ‘eto na ‘yung response ng Bureau of Pardon.’ ‘Yun, ganun lang.
BUENAFE: So, sinabi n’yo na dineny? Sinabi n’yo na doon sa anak, ‘yung sumulat?
DAZA: Tinawagan—
SEC. PANELO: Kasi ina-attach ko na ‘yung ano eh—ito ‘yung aksyon.
BUENAFE: Okay. It was more of a letter, not—no calls whatsoever, no physical—
SEC. PANELO: Nothing.
DAZA: Nothing.
SEC. PANELO: Absolutely nothing.
DAZA: Okay. Pero Sec, we don’t have a lot of time. You mentioned na nakausap n’yo po ‘yung Presidente. What can the President say about the hearing yesterday and today? Is Faeldon—
SEC. PANELO: Pat, Pat, Pat. Wala pang hearing… wala pa. Nung makausap ko si Presidente kagabi nga. Pasado nine kagabi, tinanong ko siya about the—ang pinag-uusapan namin is si Faeldon. Sabi niya, ‘I will let the Senate investigation and I will wait for their recommendation. Mayroon akong sarili pero titingnan ko kung anong—kung matapos na iyong investigation.
BUENAFE: Eh, kayo ano ho ba personal take n’yo diyan?
DAZA: What’s your personal take?
BUENAFE: The way he… the way he’s answering the question—
DAZA: Tinanong namin si Senator Bato, sabi niya he feels that dapat mag-resign na kasi nakadalawa na. Take two na ‘to. Kayo po, personal?
SEC. PANELO: Pat and Danny, as I explained to the MPC my job as a Spokesperson is to echo the thoughts of the President. My personal opinion on any matter, not within government areas of concern or matters is irrelevant.
DAZA: Okay.
BUENAFE: Okay.
DAZA: O, sige. Thank you very much. Sec. Sal and hopefully the hearings—looking forward to see you in the Senate. That will be interesting.
BUENAFE: I hope Thursday, sir, you will be there to clarify about ‘yung sulat n’yo kasi iyun ang putok ng istorya ngayon eh.
DAZA: Oo tapos let’s see how it goes po ‘pag dinemanda n’yo po ang Inquirer at saka Rappler. Maraming salamat po, Secretary Sal Panelo.
SEC. PANELO: Thank you, thank you. Salamat.
###END###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)