Interview

Interview With Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque by Anthony Taberna and Gerry Baja Over Dos Por Dos,DZRH


TABERNA: Secretary Roque, magandang hapon po sa inyo!

 

SEC. ROQUE: Magandang hapon, Anthony at… Hello?

 

TABERNA: Gerry po.

 

SEC. ROQUE: Gerry at Anthony, magandang hapon!

 

Kakaboto ko lang po ano pero tina-tally pa po ngayon ang boto. Kauna-unahan po na nangyari ito na hindi lang nagkaroon ng decision of the house sa IATF kung hindi nagkaroon pa ng secret balloting. [laughs]

 

TABERNA: Ilan po ba iyong mga botante diyan, Secretary?

 

SEC. ROQUE: Lahat po ng Kalihim pero times two ang boto ng DND kasi pati iyong chief-of-staff ng AFP ay may sariling boto at saka ang DILG times two rin ang boto nila kasi ang chief ng PNP ay isang boto rin. Pero—

 

BAJA: May representative po ba ang Comelec diyan, Secretary? [laughs]

 

SEC. ROQUE: Wala po. [laughs] Wala naman sigurong kinakailangan ng Comelec dito pero ito po ay napakahaba po. Napakahaba po ng diskusyon, nagsimula ang diskusyon 2:30, ngayon lang po kami nagbotohan at secret balloting pa at—ang mga argumento po naman kasi ay parehong malakas sa parehong panig.

 

Iyong mga nais na ipagpatuloy ang ECQ sinasabi na hindi pa bumababa ang numero at medyo tumataas ang number of deaths at iyong mga tumututol naman at nais na sa MECQ ay talaga namang kahit anong gawin natin – unang-una – lumalabas na parang hindi na gumagana ang ECQ sa ating mga kababayan siguro dahil pagod na pagod na sila at magugulat ka mga dalubhasa nagsabi na iyon nga po ang posisyon nila na mukhang hindi na gumagana ang ECQ for whatever reason dahil nga naman halos magdadalawang taon na tayo, siguro dapat baguhin ang taktika ‘no.

 

At napakamahal kasi ng ECQ kasi magbibigay ka ng ayuda pero hindi nakakamit naman iyong ating objective na mapababa. Ang aking paningin naman diyan ay talaga namang kung titingnan mo iyong past records natin na pangatlo na itong ECQ, hindi naman bumababa on the fourteenth day eh, kasi two-week cycle iyan eh. In fact, bababa iyan on the 20th or the 21st day na in-imposed ang ECQ at inevitably bumababa naman iyan. Pero kung ang hinahanap natin ngayon ay resulta eh bukas pa lang ang [garbled] mangyayari.

 

BAJA: Pero ano ho ang boto ninyo, Secretary?

 

TABERNA: Ang pinagbobotohan: To extend ECQ or palitan ng MECQ, ganoon?

 

SEC. ROQUE: Or palitan ng MECQ. Nagka-canvass pa po sila ng boto, so, wala pa pong boto. Pero hind ko rin maaanunsyo po kaagad kung ano iyan dahil [unclear] ang Pangulo kung siya po ay approve o disapprove sa naging desisyon.

 

BAJA: Puwede ba naming malaman, Secretary, iyong boto ninyo?

 

SEC. ROQUE:  [laughs] [unclear] isapubliko ko sa—alam mong secret balloting [unclear]

 

TABERNA: Secret balloting eh.

 

BAJA: Secret balloting nga pala.

 

SEC. ROQUE: Hindi ko ano eh…hindi ko maisumite in secret balloting kasi for some reason hindi gumagana iyong aking chat ‘no. Sabi nila i-Viber ko daw, eh wala naman ako, parang hindi ako kasama doon sa Viber group ng IATF principals; so, ako po vinerbalize ko, narinig ng lahat iyong boto ko.

 

TABERNA: Narinig naman pala eh, baka puwede ninyo ng sabihin sa amin kung anong boto ninyo?

 

SEC. ROQUE: Eh, ang hirap ho ako rin ang tagapagsalita ng IATF eh. [laughs]

 

TABERNA: Oo, dahil sa—

 

SEC. ROQUE: Mabuti sana kung pareho ang nanalong boto sa aking boto ‘no pero dapat hintayin ko muna at gaya ng aking sinabi—

 

BAJA: So, bilangan po ngayon?

 

SEC. ROQUE: Bilangan at saka dahil nga po siguro malapit ang boto nito, kinakailangan talagang konsultahin si Presidente in the end.

 

TABERNA: So, ang desisyon ay lalabas ngayon din?

 

SEC. ROQUE: Kailangan lumabas po ngayong araw dahil tapos na ang classification bukas, a-bente ‘no. So we have until tomorrow naman po dahil last day tomorrow.

 

BAJA: Pero anu’t-ano man ang maging desisyon ho ng IATF, nasa desisyon pa rin ho ba iyan, Secretary, ng Pangulo? Halimbawa eh ito ang desisyon, i-extend pero ang sasabihin ng Pangulo eh, hindi, MECQ na lang tayo?

 

SEC. ROQUE: Well, hindi naman po nangyayari na pagdating sa classification ay binabago ng Presidente. Pero naaalala ninyo mga desisyon gaya ng one meter apart na naging one seat apart, hindi pumayag ang Presidente ‘no, naging one meter apart pa rin ‘no. So, may mga ganoon po, tapos iyong pilot face-to-face, hindi rin pumayag ang Presidente.

 

Pero pagdating po sa classification, hindi naman niya ever nabago iyong desisyon ng IATF pero siyempre, pag-respeto na lahat naman po kami ay representante lang ng Presidente eh kinakailangan siya pa rin ang mag-a-approve ng mga—lalo na kapag hotly debated at hindi po unanimous ang decision sa classification.

 

TABERNA: katulad ngayon, kumbatsero, kung 2:30 sila nag-umpisa halos tatlong oras iyong debate na ito bago ang botohan, matinding labanan ito, napaka-init na debate. So, nakikita ninyo po ba dito iyong parang split decision na hating-hati, parang ganoon?

 

SEC. ROQUE: Hindi ko po malaman kasi ako lang yata ang bumoto na isinapubliko ko ang aking boto kasi ewan ko ba parang ‘jurassic’ ako sa teknolohiya, hindi ko ma-register-register iyong boto ko, so, isinigaw ko na lang kung ano iyong boto ko na narinig ng lahat. Pero ako lang po ang nag-verbalize ng boto ko, everyone else, secret ballot.

 

TABERNA: Opo. Kung sakali, may pera pa ho ba tayo kung sakali lang, worst case scenario, kung magkaroon uli ng extension sa ECQ, mayroon pa ba kayong ilalabas diyan ang ating pamahalaan para sa ayuda?

 

SEC. ROQUE: Siguro sagutin na lang natin sa ganitong paraan. Hindi naka-budget pero kung talagang bumoto ng ECQ, hahanapan, okay? Kung kinakailangan pangungutang pero sabihin na lang natin wala sa regular budget po iyan at saka iyong nauna na nating ECQ wala rin sa regular budget dahil hindi naman natin inaasahan na magti-third ECQ tayo ‘no pero hinanapan po iyon; medyo mahirap ang paghahanap pero kung kinakailangan, maghahanap.

 

TABERNA: Talagang walang choice, kumbatsero. Hindi mo hahayaang magutom na lang, kumbaga mamatay sa gutom, mamatay nang dilat iyong ating mga kababayan, Secretary?

 

SEC. ROQUE: Opo, hindi po talaga pupuwede at ang sabi ng Presidente, kung boboto kayo ng ECQ kinakailangan talaga mayroon at mayroong ayuda, hindi pupuwedeng wala.

 

BAJA: Ang naririnig ho namin, kung hindi man i-extend ang ECQ ay MECQ na mas… may iba na namang mga—mas mahigpit kaysa sa dating MECQ?

 

SEC. ROQUE: Well, opo. Iko-confirm ko po ng may ganiyang proposal pero dapat muna naming malaman kung anong nanalo sa botohan, kung ECQ/MECQ. Kapag MECQ po iyan, pag-uusapan pa kung ano iyong pagbabago sa MECQ. Ang ilang narinig kong proposal, MECQ na wala talagang mass gathering at walang indoor dining. So—[ah, okay, ‘no] anyway, malalaman naman po natin.

 

TABERNA: Parang may kumakausap sa inyo diyan h. May nag-choo-choo na sa amin kung anong—

 

SEC. ROQUE: May nag-choo-choo na po sa akin, nagsabi na sa akin kung anong boto pero sabi ko nga po ‘no, hayaan muna nating isapinal at malalaman at malalaman din naman ng taumbayan at mayroon pa tayo hanggang bukas.

 

TABERNA: Iyon po bang ibinulong sa inyo na desisyon ay katulad din ng boto ninyo, Secretary?

 

SEC. ROQUE: Hindi mo naman narinig kung anong boto ko pero—

 

TABERNA: Opo.

 

SEC. ROQUE: —tama po, katulad ng boto ko.

 

TABERNA: So, no extension?

 

SEC. ROQUE: [laughs] Hindi ko nga alam.

 

TABERNA: Kasi ang boto—

 

SEC. ROQUE: Pero alam ninyo po, maingat po ako dito kasi kailangan—baka i-review ito ng Presidente dahil nga po nagkaroon ng secret balloting for the first time. So, lahat po kami ay extension lamang ng Presidente at kinakailangan ang pinal na desisyon ay gawin ng Presidente. So, iyan po talaga ang tamang gawin lalung-lalo na hindi po may consensus ang desisyon.

 

TABERNA: Secretary, puntahan ko lang ang napag-usapan natin kanina, iyong ayuda. Happy ba ang Pangulo doon sa bilis ng distribusyon ng ayuda sa pangatlong ECQ na ito?

 

SEC. ROQUE: Alam mo kasi mahirap hindi ka maging happy. Bakit? Eh, naka-ECQ kasi. Hindi mo talaga mapapabilis iyan na kumpol-kumpulan ‘no at naiintindihan naman namin kung bakit hesitant din iyong iba na gumamit noong electronic transfer dahil mayroon ding ibinabawas doon ‘no, so, parang mas mabuti pang matanggap ng tao iyong 4,000 kada family kasi para sa dalawang linggo iyan. Alam naman nating hindi sapat iyan, parang sayang kung mababawasan pa kung gagamitin ang electronic transfer. So, happy naman po ang Pangulo basta ang pakiusap niya sa lalong mabilis na panahon mai-distirbute iyan.

 

TABERNA: Pati sa Maynila, happy ba siya kay Isko?

 

SEC. ROQUE: Well, no reason po para hindi siya maging happy kasi hindi naman niya binanggit kung sino iyong ayaw niya sana magbigay ng ayuda. [laughs]

 

TABERNA: Opo. Okay—

 

SEC. ROQUE: At saka kayong dalawa dahil kaibigan ko na kayong matagal, kapag patutugtugin ninyo ang advertisement ni Leni Robredo nang libre, dapat kapag ako nagkaroon ng advertisement patutugtugin ninyo rin nang libre? [laughs]

 

TABERNA: Eh, akala ninyo lang libre, nagbayad sila.

 

BAJA: Bayad ho iyon.

 

TABERNA: Pakinggan ninyo, nandito iyong bayad na—

 

SEC. ROQUE: [unclear] bayad na iyan? Bayad na iyan?

 

TABERNA: Ito, bayad ito. Pakinggan ninyo, ito iyong bayad na commercial.

 

[AUDIO CLIP]

 

BAJA: Galing ah!

 

TABERNA: Ayan ang sinabi ko, bayad iyon. Bayad iyon!

 

SEC. ROQUE: Bayad iyan ha, hindi libre huh.

 

TABERNA: Wala, walang libre dito sa DZRH.  [laughs]

 

BAJA: [laughs] Kaya kayo, Secretary—

 

SEC. ROQUE: Pero ako naman kukuha ako nang libre kay Anthony at Gerry.

 

TABERNA: Ayun. Kita ninyo, libre iyong interview na ito, walang bayad.

 

Teka, Secretary—

 

BAJA: Heto na.

 

TABERNA: —Anong say ninyo, ito narinig ninyo naman si VP Leni Robredo noong mga nakaraang panahon nagagalit pa siya kapag mayroong namumulitika sa gitna ng pandemya tapos ngayon may commercial?

 

SEC. ROQUE: Eh, kailangan po magpakatotoo na. Hindi na natin made-deny kahit pa sasabihin pa nating ayaw mamulitika sa panahon ng pandemya eh nandiyan na po ang filing of candidacy sa Oktubre. Nandiyan na po ang eleksyon sa Mayo. Eh, hindi mo naman maililipat ang eleksyon nang hindi ka mag-aamyenda ng Saligang Batas. So, parang ready or not ready, elections will happen. So, magpakatotoo po tayong lahat.

 

TABERNA: Hindi, at saka okay lang ako. Natutuwa lang tayo dahil at least—

 

BAJA: So, tanggap ninyo na iyon, Secretary, ang katotohanan?

 

SEC. ROQUE: Opo, tanggap ko po ang katotohanan at ang mapait na katotohanan eh hindi lahat ay may pera sa advertisement nang ganitong kaaga. [laughs]

 

TABERNA: Iyon… Secretary, iyong tsansang—iyong probability na si Secretary Harry Roque tatakbong senador?

 

BAJA: Ayan. Kasi kanina nagulat ako, Secretary, doon sa may narinig ako kayo pala iyong nagtatalumpati na iyon, akala ko eh meeting de avance! Akala ko ay kampanya eh! Secretary?

 

SEC. ROQUE: Mabuti na lang po lokal iyon. Kasi alam ninyo talagang nag-init ang ulo ko noong malaman ko na diyan pala sa probinsiya ng Quezon eh wala silang budget noong nagkaroon ng COVID. Nagkaroon sila ng reenacted budget eh iyong budget na iyon wala pang COVID. So, noong dinapuan tayo ng COVID, ang budget na ginamit nila ay walang provision for COVID. Ang sabi ko, bakit naman ganiyan?

 

Eh, naalala ninyo naman dito sa nasyonal kung gaano ka-importante iyong pagpapasa ng budget, nagkakaroon ng palitan ng Speaker para masiguradong maipasa ang budget. Eh, bagamat ito’y local budget diyan sa probinsiya lamang eh dapat ganoon po talaga eh dahil kapag panahon ng pandemya, lahat ng ating kaban ng bayan dapat iginugugol natin dito sa pangangailangan sa pandemya.

 

Mantakin ninyo, magkaroon ka ng budget na walang provision for COVID? Napakahirap noon! Hindi ka makabili ng gamot para sa—hindi ka makabili ng bakuna, hindi ka makabili ng kahit anong gamot na Remdesivir, eh, saan kukuha iyong lokal na pamahalaan? Asa lang talaga sila sa pang-nasyonal na tulong samantalang alam naman natin na mayroon namang local autonomy ‘no. At ang nakakalungkot pa dahil walang pang-nasyonal na budget pati iyong mga ibinibigay na budget ng national government sa probinsiya, hindi nagastos dahil kinakailangan din ng local ordinance para diyan.

 

BAJA: Naku! Kaya pala—

 

SEC. ROQUE: Eh, noong marinig ko po iyon eh talagang nagdilim po ang aking pagtingin [unclear].Alam mo, hindi naman ako nakikialam talaga diyan sa mga lokal-lokal na iyan eh kasi—

 

BAJA: Sasabihin ko nga sana parang you got carried away, Secretary?

 

SEC. ROQUE: Na-carried away talaga kasi talagang unforgiveable po iyan, huwag po ganiyan. Ito po ay sa probinsiya ng Quezon ‘no. Alam ninyo po, sa naglalabanan diyan sa for governor pareho kong naging kasama sa Kongreso, sa 17th Congress.

 

TABERNA: Opo.

 

SEC. ROQUE: Pero sa buong—tingin ko po sa buong Pilipinas diyan lang iyan nangyari dahil hindi nagkaroon ng budget sa panahon na mayroong pandemya. Iyong reenacted budget po, wala pang COVID. So, ni isang gamot para sa COVID, ni isang bakuna para sa COVID, ni isang bagong kama para sa COVID, walang probisyon po iyong budget ng probinsiya eh mayaman naman po iyang Quezon, hindi naman po mahirap iyan ‘no. So—

 

TABERNA: Ang Quezon maganda pati ang location pero ang daming kaso na ngayon diyan ng COVID.

 

SEC. ROQUE: Pero GCQ lang po sila huh, GCQ lang sila. So, more or less under control naman po. Maganda ang pagma-manage nila diyan dahil GCQ lang po sila ‘no pero iyon po—

 

TABERNA: Pero Senator Roque, ang tanong po namin eh, hindi kaya masyadong maaga ang talumpati ninyo? Baka kapag nakumbida kayo noong kalaban naman eh at narinig iyong other side of the story which is but natural sa panig ninyong abogado at national government official, pakikinggan mo iyong magkabilang panig. Kapag isa lang kasi ang napakinggan mo baka sabihin mo napakawalang-hiya talaga nitong kalaban nitong governor. Pero paano kung narinig ninyo iyong kabilang panig? Narinig ninyo na po ba pareho?

 

SEC. ROQUE: Hindi ko na po dapat marinig eh. Ang importante ko lang na narinig hindi sila nakapagpasa ng budget sa panahon na nagka-COVID. So, nagkaroon sila ng reenacted budget pero iyong budget na ini-reenact eh wala pang COVID. Sa akin, hindi po katanggap-tanggap iyon, that is criminal dahil mayroon naman po tayong pondo.

 

Mantakin mo, may pera naman hindi nailaan para sa COVID? Sa akin po talaga hindi katanggap-tanggap iyon. Siguro ang plano nila eh para walang proyekto iyong nakaupo at nang matalo sa susunod na eleksyon. Mantakin ninyo iyong ganoon?

 

Kasi alam mo, mas mabuti sanang istilo para manalo, gandahan mo, buhusan mo ng proyekto at sabihin ninyo nanggaling iyan sa Sanggunian at hindi naman iyan budget ng gobernador kung ayaw mo doon sa gobernador. Pero iyong parang ipagkait mo iyong nandiyan tapos—iyon po ang paglilinaw ko, narinig ko po iyong sinabi ninyo kanina ‘no. Pero ang paglilinaw ko po, iyong reenacted budget, wala pa pong COVID iyon. Hindi ba po ang COVID naman eh dinapuan tayo nang 2020 eh ang na-reenact po na budget eh iyong 2019 budget.

 

TABERNA: 2020 po yata, sir. 2020, iyong 2021 po sila walang budget, iyong 2020 eh mayroon.

 

SEC. ROQUE: Well, ang kasagsagan po ng COVID eh 2021 hindi ba? Eh ‘di konting-konti lang po iyong budget po natin doon.

 

BAJA: Nagsimula 2020.

 

TABERNA: May COVID na tayo noong—naglockdown na tayo noong March 2020 last year. Anyway—

 

SEC. ROQUE: Pero iyong lockdown po natin, wala nga silang budget noong panahon na iyon kasi 2019 budget iyong na-reenact.

 

TABERNA: Parang hindi po yata ganoon; ang wala po silang budget ay 2021, sir. Iyon po ang na-reen—

 

SEC. ROQUE: Hindi po, itong taon na ito.

 

TABERNA: Ang na-reenact po ay iyong 2020 budget, iyon po ang ginagamit ngayong 2021. So—

 

SEC. ROQUE: Pero ganoon pa man, kung pagbabasehan natin ang pang-nasyonal na budget halos dinoble po natin ang budget para sa COVID dahil hindi naman natin alam na talagang ganito katindi ito at ganito katagal itong COVID na ito. Kaya nga tingnan ninyo nga po ang ating mga bakuna ipinangungutang na natin lahat po iyan, ADB at saka World Bank ang nagbabayad. Eh, mga hundreds of billions na po iyan ‘no.

 

Pero siyempre kinakailangan ipasok pa rin sa budget, ipangungutang dapat may probisyon iyan sa budget.

 

TABERNA: Tama po iyan. Actually—

 

SEC. ROQUE: So, sabihin na lang natin mayroon ng kaunting probisyon sa COVID iyong reenacted budget eh talagang ang katotohanan sa 2021 dapat mas malaki pa iyong budget na inilagay sa COVID. Hindi po [unclear]

 

TABERNA: Narinig ninyo po bang—kaya siguro—pero Secretary, kilala ko naman po kayo, baka nga nadadala pa rin kayo ng bugso ng damdamin ninyo, alam nating pareho na para malaman natin iyong buong katotohanan, kailangan marinig ninyo ang dalawang panig.

 

Kasi na-interview namin iyong isang board member diyan eh at ang sinasabi nilang isang dahilan kung bakit hindi naipasa, sapagkat ayaw i-detalye noong local chief executive iyong pagagastusan noong budget. Eh, aaprubahan po mo ba ang budget kung lump sum lang?

 

SEC. ROQUE: Ang pagkakaalam ko po, inisa-isa nila iyong item kaya napakatagal ng prosesong pagdinig. Iyan po ang kuwento sa akin [unclear]

 

TABERNA: Ayun nga kaya—exactly, Secretary! Kaya nga kung iyan ang kuwento sa inyo nung isang panig, it is but fair to listen to the other party para po maging parehas iyong pagtingin sa bagay.

 

But of course, ito po ay pareho tayong miron dito, Secretary eh ‘no. Medyo labas sa bakuran iyan eh hindi naman iyan ang araw-araw na naoobserahan.

 

SEC. ROQUE: Opo dahil ikaw naman’y taga-Nueva Ecija at ako naman ay taga-Bataan. [laughs]

 

TABERNA: Tama! Tama po, medyo taga-Central Luzon tayo pareho. Ngayon ho kasi eh Quezon Day eh kaya napadpad ito si Secretary doon sa lalawigan.

 

BAJA: Ay, kaya pala.

 

TABERNA: Kaya walang pasok ngayon sa Quezon at saka sa Quezon City.

 

SEC. ROQUE: Sa Quezon, sa Quezon City at saka sa Aurora. Pero alam mo, napansin ko, napakaganda noong Perez Park doon sa kapitolyo ng Quezon at napakaganda noong… iyong kumbaga iyong ginawa nilang pagpupugay kay Presidente Manuel Quezon. Iyon ang pinakamagandang nakita ko istraktura na binibigyan ng halaga si dating Presidenteng Manuel Quezon.

 

BAJA: Dapat! Dapat lang naman talaga.

 

SEC. ROQUE: World class iyong kaniyang istatwa doon at saka iyong memorial niya doon.

 

TABERNA: Ama ng Wikang Pambansa. Okay, last question. Si Secretary Duque po eh nagugulo na ang kaniyang utak. Hindi na niya yata nakakayanan ang mga pressure ngayon at kagulo-gulong mga bagay sa paggastos at deficiencies na natanaw po ng COA sa paggastos ng pondo ng DOH. Hindi pa rin po ba nagbabago ang pasya ng Pangulo to keep him in the Cabinet?

 

SEC. ROQUE: Well, ang Presidente naman po hindi siguro magbabago iyan ‘no. Hindi ko lang alam po kung nagbabago na iyong isipan din ni Secretary Duque dahil nasa sa kaniya naman po iyan ‘no. Pero mabuti na lang po maski naguguluhan ang isip niya eh maraming doktor na kasama si Secretary Duque sa Department of Health.

 

TABERNA: Maraming doktor na makakatulong sa kaniya.

 

SEC. ROQUE: Opo.

 

TABERNA: Secretary Harry Roque, sir! Maraming salamat po. Kumusta po kay Mylah. Thank you.

 

BAJA: Ayan, mabuti naman.

 

SEC. ROQUE: Okay po, maraming salamat po! Makakarating po ang inyong kumusta. Okay, thank you po.

 

BAJA: Thank you, Secretary Harry Roque.

 

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)