Interview

Interview with Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque by Deo Macalma (DZRH – Damdaming Bayan)


Event Media Interview

MACALMA:  Secretary Harry Roque, sir, magandang umaga po sa inyo Secretary.

SEC. ROQUE:  Magandang umaga. Deo. At magandang umaga sa lahat ng nakikinig.

MACALMA:  Secretary, so paano ito, may order na ang IATF, Malacañang, DTI, pero ang mga Metro Manila mayors eh parang tumututol po sa pagbubukas ng mga sinehan, Secretary Harry Roque, sir. Ano po ang masusunod?

SEC. ROQUE:  Opo. Kung makikita po ninyo iyong resolution, hindi naman namin ito kumbaga ay pinipilit ang mga mayor. Iyong pagbubukas po ay subject sa guidelines na sila mismo ang bubuo ‘no, kasi importante na malaman kung ano ang seating capacity at ano pa iyong mga ibang requirements ng local government units ‘no. So, talagang hindi po binabalewala ang mga LGUs bagama’t mayroon po tayong panahon na dapat mapatupad ito, eh kung hindi naman lalabas ang guidelines eh wala rin po talagang mangyayari.

So ngayon po para nga po ma-facilitate ang mas thorough consultation at pag-uusap at para mabigyan ng sapat na panahon naman na mapatupad ang kanilang mga guidelines o bubuo ng guidelines eh nagkasundo naman po ang IATF at saka ang mga mayor na hindi ipapatupad itong mga sinehan hanggang Mayo a-uno at ito nga po ay para makapagkonsulta pa at para makabuo nga po ng mga guidelines na sinasabi.

Pero sa mula’t-mula po, nasa resolution po iyan na ito po ay subject to guidelines to be issued by the LGUs.

MACALMA:  Ito, Secretary, sir, ay sa mga sinehan lang. Paano po iyong mga simbahan, iyong mga religious organizations, religious groups?

SEC. ROQUE:  Tuluy-tuloy po talaga iyong pagbukas na po niyan, lalo na iyong 50% capacity; iyan po ay epektibo ng 15th of February.

MACALMA:  At iyon pong mga entertainment, iyong mga museum, mga entertainment establishment tuloy po ba, except sa sinehan, Secretary?

SEC. ROQUE:  Opo, tuloy naman po iyan. Naintindihan naman po namin ang sentimiyento po talaga ng mga lahat. Pero ang sa IATF naman ho eh halos isang taon na rin tayong naka-lockdown at saka isang taon na wala ring halos trabaho iyang mga … lalung-lalo na iyong mga nasa sinehan ‘no, so tingin ko kapag mayroon naman pong guidelines, alam na rin ng Pilipino ang minimum health standards.

Ang sinasabi natin, nagbubukas tayo ng ekonomiya pero hindi po tayo nagluluwag minimum health standards. Pareho pa rin ang mga minimum health standards – mask, hugas at iwas.

MACALMA:  Paano, Secretary, iyong mga entertainment establishment, katulad ng Time Zone usually mga bata po diyan ang nagpupunta, Secretary, sir? So paano po, luluwagan ba ang mga bata na puwedeng pumasok sa mga ganitong establishments?

SEC. ROQUE: Deo, maski bukas naman ang Time Zone eh hindi pa rin naman pupuwede iyong mga bata ‘di ba. So mga matatanda ang maglalaro diyan ‘no at hindi rin naman unusual na may mga matatanda diyan. Pero tingnan po natin kung ilan pa iyong mga magbubukas sa Time Zone, kasi nga po sa tagal nilang naisara, hindi ko nga po alam kung mayroon pang matitirang magbubukas.   

MACALMA:  Anyway, Secretary, sir, iyong face to face classes naman, ano ba talaga ang vision ng IATF dito?

SEC. ROQUE:  Wala pa pong desisyon iyan dahil ang Presidente nga ang nagdesisyon na hindi pa puwedeng mag-face to face. Bagama’t naiintindihan ko na ang DepEd ay naghahanda ng mga datos dahil nais nilang matuloy iyong dati pang plano na pilot, ipa-pilot nila ‘no. Pero sa ngayon po, wala pa po iyan.

MACALMA:  Secretary, isa na lang po. Si Pangulong Digong, aba’y final answer na ba ito, Secretary, magpapaturok na daw in public ang Presidente kung may go signal ang kanyang mga doctor?

SEC. ROQUE:  Opo, totoo na po iyan. Sabi ko naman po, alam ko na ang desisyon ng Presidente at magpapaturok na po siya sa publiko dahil mukhang iyan po ang kinakailangan para magkaroon tayo ng tinatawag na vaccine confidence.

MACALMA:  Sabay ba sila ni Vice President Leni Robredo na magpapaturok in public kaya?

SEC. ROQUE:  Hindi ko po alam.

MACALMA:  Eh kayo, Secretary, ready na rin bang magpaturok?

SEC. ROQUE:  Reding-ready na ano, kaya nga ako nakipaglaban talaga ako sa—hindi naman laban kung hindi talagang nanindigan ako na noong binubuo iyong guidelines sa priority, kinakailangan kasama iyong mga mayroong comorbidities. Kasi ako ay diabetic, may sakit sa puso, may hika, so kasama po tayo ngayon sa mga mabibigyan ng prayoridad.

MACALMA:  At kung ang Presidente magpapaturok in public, Secretary, para siguro magkaroon ng kumpiyansa, lahat ba ng mga Cabinet Secretaries ay sabay din na magpapaturok kay Presidente?

SEC. ROQUE:  Well, hindi tayo sigurado diyan, Deo, kasi ang problema naman, gustuhin man natin na magkaroon ng vaccine confidence baka batuhin naman tayo VIP treatment. So siguro ilan-ilan na lang siguro lalo na iyong mga mayroong priority ‘no. Kasi si Presidente elderly naman po talaga si Presidente so nasa list of priority siya; ako, mayroong comorbidities ‘no. So babalansehin po natin iyong vaccine c0nfidence at saka iyong dapat magkaroon din ng priority list.

MACALMA:  Secretary Harry Roque, sir, maraming salamat. Good morning, Secretary. Thank you.

SEC. ROQUE:  Good morning, Deo. Magandang umaga po.

 

###

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)