ORLY TRINIDAD: Nasa ating linya si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque. Secretary Roque, magandang tanghali po sa inyo! Orly Trinidad and Lala Roque po, iyong pamangkin po ninyo kasama natin.
SEC. ROQUE: Sasabihin ko pa naman pinsan, Orly. Pinsan na lang huwag namang pamangkin. Pinsan at saka Orly, magandang tanghali sa inyo!
LALA ROQUE: Naging magkamag-anak bigla.
ORLY TRINIDAD: Secretary, mayroon na ho bang itinakdang petsa o taning kung kailan po makikitaiyong IRR nito pong mga bagong bubuksan na mga pasyalan at puntahan ng ating pong mga kababayan batay po sa utos ng IATF?
SEC. ROQUE: Well, ang nakasulat po sa resolusyon, iyong pagbubukas po nitong mga bagong negosyo ay subject po sa implementing guidelines na mai-isyu ng tungkol po sa operational capacity at oversight ng appropriate regulatory agency at mga lokal na pamahalaan kung nasaan ang mga negosyo at industriya.
Pero tingin ko naman po nakikipag-ugnayan naman po ang IATF at sa tingin ko ay dahil ito po ay dapat maging epektibo ng 15 of February eh mayroon naman pong mga guidelines na ii-issue ang ating mga lokal na pamahalaan.
ORLY TRINIDAD: DOH kung hindi ako nagkakamali pati LGU raw ho kasi maglalabas ng IRR eh. Pero papaano po ang magiging sistema once na sila’y makapagpalabas; isusumite ho ba ito sa IATF and then sa inyo po sa Malacañang po?
SEC. ROQUE: Hindi na po, sila na po ang magpapatupad ng kanilang mga guidelines. Ito naman po kasi tugkol sa operational capacity at saka iyong oversight kung paano maipatutupad iyan ‘no. So, hindi na po, kaniya-kaniya na pong pagpapatupad iyan ng mga LGUs.
ORLY TRINIDAD: And then iyong guidelines pong ito—Siguro ang Pangulo naman eh naabisuhan dito ng IATF, would you know, Secretary na may mga—
SEC. ROQUE: Opo, opo.
ORLY TRINIDAD: —at ano pong reaksyon ng Pangulo?
SEC. ROQUE: Opo. Well, naintindihan naman niya dahil talagang pinag-iisipan na rin ng Presidente kung paano talaga tayo makakabangon dahil lumalabas na sa buong mundo isa tayo sa pinakamabagal na makakabangon kasi nga parang napakahaba at napakatagal na noong ating lockdown na ipinatutupad.
Alam mo kasi kapag GCQ eh talagang halos 50% lang ang bukas ng ating mga industriya. Ang MGCQ ay 75% at napapanahon na talaga dahil ang tingin ko naman naka-develop na ng disiplina ang mga Pilipino at alam nila na para magkahanapbuhay ang sagot po talaga ay iyong panawagan ni Presidente – ‘Mask, Hugas, Iwas. Ingat buhay para tayo ay makapaghanapbuhay.’
ORLY TRINIDAD: Sang-ayon po ako diyan, Secretary, kasi nasa mga lugar na aking nakikita lalo’t papunta’t pauwi galing dito sa GMA napapansin ko marami ng nagpa-face mask nang maayos at ginagamit ang face shield nang maayos kaya siguro itong implementing guidelines kung ilalabas saka-sakali man eh parang paalala na lang uli doon sa mga hindi pa rin siguro nakagawian nang tama iyong nakikita po sa inyo kapag may presscon kayo – iyong face mask, face shield, and social distancing, Secretary.
SEC. ROQUE: Tama po iyan, kasamang Orly.
LALA ROQUE: Secretary, si Lala po ito. Isa lang ho iyong aking katanungan. Kasi isa ho sa bubuksan iyong palaruan, so ibig sabihin target market nito mga bata. So, ngayon ang naiisip lalo na ng mga magulang, ano ho ito, ito ba’y patungo na sa posibleng face-to-face sa darating na school year?
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, pag-uusapan po iyan sa susunod na Cabinet meeting kasi binubuhay po talaga ng Department of Education iyong pilot program ng face-to-face. Pero dahil nga po ipinagbawal pa ng Presidente dahil hindi pa natin alam kung ano talaga iyong anyo ng bagong variant eh pansamantala po na hindi natin ipinatutupad.
Pero ngayon alam na po natin kung ano itong bagong variant, alam natin na bagamat nakapasok ito’y under control baka rerepasuhin po ng Gabinete iyong possibility na pilot na lang naman po muna bago natin i-implement. Pero ang importante po ngayon talaga pati sa pagbubukas ng eskwelahan eh marami na pong mga parte ng daigdig na nagbubukas na rin sila ng face-to-face at ito naman ay sa mga area na mabababa nga po ang kaso ng COVID.
ORLY TRINIDAD: May idea ho raw po ba kayo kung ano iyong sinasabing seating capacity sa mga sinehan?
SEC. ROQUE: Hindi po.
ORLY TRINIDAD: Marami na ho kasing gustong manood ng sine dito sa mga kasamahan ko eh.
SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po kasi kung ang simbahan ay 50%, tingin ko po baka 50% din iyan ‘no. Ang importante talaga ay maobserbahan iyong social distancing; pero ipinauubaya na po natin iyan sa mga pamahalaang lokal.
ORLY TRINIDAD: All right. Nitong nakaraang linggo, may ini-expect daw na bakuna pero well, sabi nga ng DILG at ng IATF mukhang hindi natuloy this week, at ang pinakamaagang petsa nakikita ay February 23 iyong pagdating ng Sinovac pero wala pa iyong EUA, Secretary. Correct me if I’m wrong, wala pa hong EUA doon ang FDA.
Ano ho iyong mga petsa talaga na dapat na tandaan ng ating mga kababayan kung ang pag-uusapan ay pagdating ng mga bakuna, would you know, Secretary Roque?
SEC. ROQUE: Ang sabi po ni Secretary Galvez, isang linggong naantala. So, isang linggong naantala, ibig sabihin inaasahan kasi natin itong linggong ito, February 15 at least darating; kung isang linggo ay 21. So either mayroon tayong bakuna sa 21 or not before 21 iyong Pfizer o mayroon talaga tayong bakuna sa 23 iyong Sinovac.
ORLY TRINIDAD: So, 23. Iyon ang talagang malapit-lapit na petsa?
SEC. ROQUE: Well, ang sigurado lang natin na petsa talaga iyong 23, iyong Sinovac at inaasahan naman natin na lalabas na rin iyong EUA kasi nagkaroon na naman ng deklarasyon si DG Domingo na lahat naman po ng requirements ay naisumite na ng Sinovac.
ORLY TRINIDAD: Ano ho bang reaksyon ng Pangulo doon sa mga lumabas na balita na iyong mga LGU eh medyo tali ang kamay lalo’t lalo na dito sa mga laboratoryo tulad ng Pfizer na humihingi ng 20% na pagpapalabas ng pondo na medyo saliwa doon sa ating procurement law?
SEC. ROQUE: Alam ninyo po sa mula’t-mula alam po natin iyang problemang iyan kaya nga po ang ating pagfi-finance ng bakuna na bibilhin ng national government ay sa pamamagitan ng ADB, World Bank at saka ng AIIB. Kasi sa ating government procurement law ay hindi po pupuwede talaga na magkaroon ng advance payment nang wala pang delivery.
Pero dahil nga ipinagbabawal ito at hindi pupwede sa procurement law, inaasahan naman natin na susuportahan ng mga mambabatas natin iyong pag-amyenda ng Government Procurement Act para lang magkaroon ng pamamaraan ang mga LGUs na magbayad ng advance payment at ito po ay nakahain na sa parehong Senado at ng Kongreso.
ORLY TRINIDAD: So, kailangan talaga rito legislation from the Congress, hindi puwede iyong executive order lang mula sa Pangulo?
SEC. ROQUE: Tama po iyan at lilinawin ko doon na whether or not the local government purchase their own, ang national government po—
ORLY TRINIDAD: Bibili naman.
SEC. ROQUE: —talaga handang bumili talaga para sa lahat. Ang ating budget ay para sa lahat at hindi po natin inaasahan na kinakailangan pang gumastos ang mga lokal na pamahalaan pero gayunpaman, siyempre hindi natin pinipigil ang mga lokal na pamahalaan at sa pamamagitan ng batas na ito ay inaasahan natin na mas dadami pa ang supply natin.
ORLY TRINIDAD: Okay. Panghuli na lang sa akin bago ang tanong ni Lala. Samantalahin natin ito baka parang… Na-explain ninyo na ho ba, Secretary, kasi ang pagkakaalam ko parang—sino ho ba nag-positive sa inyo, kasambahay po ba o mga isa sa mga staff ninyo, Secretary?
SEC. ROQUE: Staff member ko po.
ORLY TRINIDAD: Staff, okay… at dahil po doon minarapat ninyong mag-isolate. So, parang… ano iyong picture sa Boracay daw? Na-explain ninyo na ho ba iyon, Secretary Roque?
SEC. ROQUE: Oho, tapos na po iyan. Iyan po ay pagkagaling ko po sa Visayas, sinundo ako ng staff ko at iyon po iyong aking exposure. Diretso po kami sa PCR lab para nga po doon sa pag-a-attend ko ng meeting kay Presidente sana. Negatibo po ako; positibo iyong aking staff.
ORLY TRINIDAD: So, hindi nag-isolate and then nandoon kayo sa Boracay? Hindi ganoon ang nangyari?
SEC. ROQUE: Wala, mga malisyoso po talaga iyon. Mga walang magawang matino.
LALA ROQUE: Okay…
ORLY TRINIDAD: Iyong picture nandodoon kayo sa Boracay.
SEC. ROQUE: And yet hindi ilan sa kanila they claim to be journalist. Paano naman magjo-journalist nang hindi bine-verify ang facts?
ORLY TRINIDAD: Hindi man lang tiningnan hindi ba doon sa picture sa inyo kung anong—
SEC. ROQUE: Wala eh, wala talaga. Hindi man lang ako tinanong, ‘no.
ORLY TRINIDAD: Mukha talagang gusto kayong bigyang paalala kapag mga nasa beach kayo. Mukha mainit yata issue, Secretary, ano?
SEC. ROQUE: Well, eh ang katotohanan po diyan, matagal ko na pong sinusuportahan ang sektor ng turismo. Wala po akong bina-violate na rule. If at all, naninindigan po ako na magkaroon ng hanapbuhay itong sektor ng turismo.
LALA ROQUE: Okay, sige po. Salamat, Secretary! Ang inaasahan lang po ng lokal na pamahalaan, kanina si Mayor Joy parang – kung hindi ako nagkakamali – ang kanilang deadline para mag-down payment eh sa AstraZeneca parang nasa February 24, end of Feb—
ORLY TRINIDAD: Iyon nga lang, nasa Kongreso.
LALA ROQUE: So, iyon na nga, eh iyon ang hihintayin ng mga LGU na maagang naglaan ng budget para makakuha ho ng kanilang bakuna, ‘no Secretary?
SEC. ROQUE: Uhm… uhm… uhm…
ORLY TRINIDAD: Okay. Secretary, maraming salamat po at good luck po sa inyo, sir. Thank you po!
SEC. ROQUE: Maraming salamat po.
###
SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau)