Interview

Interview with Presidential Spokespeson Harry Roque by Erwin Tulfo/Tutok Erwin Tulfo/Radyo Pilipinas


TULFO: Secretary Harry Roque, magandang umaga po sa inyo.

SEC. ROQUE: Magandang umaga, Pareng Erwin. Magandang umaga, Pilipinas.

TULFO: Opo. Secretary, iyon na nga nagdesisyon po ang IATF na baba tayo sa MECQ. Pero ang tanong po ng ilan nating kababayan natin ay ito bang desisyon na ito ay tiningnan nang mabuti? Was this based doon sa reproduction rate na bumaba o was this because of economic situation sa ibaba na medyo hirap na ang gobyerno magbigay ng ayuda, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, ginawa po itong desisyon na ito dahil ang gusto natin ay total health, mapababa ang numero ng COVID and at the same time malimitahan din iyong hanay ng mga nagugutom. Ito po ay MECQ pero mayroon pong mga karagdagang mga paghihigpit, bawal pa po ang restaurants, al fresco at dine-in, bawal pa po ang mass gatherings including religious worship. Online pa lang po tayo ngayon at bawal din po iyong mga personal services, barber at beauty parlor at mga gyms ‘no.

So makikita po ninyo, ang tanong lang is, ano ang pagbabago diyan sa ECQ? Well, mas marami po tayong mga negosyo na pupuwedeng buksan. Sa ECQ po kasi, iyong talagang mga essential lamang ang pupuwedeng buksan. Ngayon po, iyong mga sarado sa ECQ ay pupuwede na pong magbukas up to 50% under MECQ. At iyon po ang gusto nating mangyari ‘no na magkaroon ng pagkakataon na mas marami sa ating mga kababayan ang magkaroon ng hanapbuhay at the same time, iyong mga non-essential na alam nating pupuwedeng maging super-spreader events kagaya ng mga restaurants ay mananatiling sarado po.

TULFO: Pero ang tanong dito, Secretary, kung bubuksan natin ang maraming negosyo kasi parang nadagdagan na rin ba iyong puwedeng lumabas or APOR pa rin ang makakalabas lang, Secretary?

SEC. ROQUE: Sabihin na lang po nating dadami iyong APOR kasi dadami na po iyong mga negosyo na puwede ng mag-operate, iyong mga law offices, iyong mga accounting firms, mga ad agencies, lahat po iyan, pupuwede ng magkaroon ng 50%. Eh dati po hindi sila pupuwedeng magbukas ‘no. So, mas malaki po talaga ang porsiyento ng ekonomiya na binubuksan natin. Ang mensahe natin, tayo po ay maghanapbuhay; pero dahil nandiyan pa rin ang banta ng COVID, tayo po ay mananatiling mahigpit pa rin sa ilang mga bagay kagaya ng mga super-spreader events and venues.

TULFO: Eh may mga nagtatanong dito, Secretary: Puwede daw ba silang bumili ng damit sa mall dahil kailangang bumili ng damit, mga underwear? Mayroon ding nagtatanong dito, kung bukas na rin kasi may bibilhin yata siya ng motor, eh magbubukas na po ba iyan sa Lunes, Secretary?

SEC. ROQUE: Magbubukas po iyan dahil mayroon naman po iyang limited capacity ng pagbubukas.

TULFO: All right. Sir, medyo maiba tayo. Ito nga ang US daw, sir, aba’y si President Joe Biden pinababalik ulit iyong mga residente nila para sa third shot; iyong mga nakakuha ng second shot, eh mayroon daw booster shot. Tayo naman po yata pinag-uusapan sa Kongreso kung maglalaan ng P45 billion para sa booster shot. Ano po, ito Secretary?

SEC. ROQUE: Hindi na po natin pinag-uusapan iyan dahil iyan po ay ipinasok na natin sa proposed 2022 budget – P45 billion booster shot sa lahat ng Pilipino. Ang sinasabi lang natin, huwag na muna tayo ngayon mag-booster shot kasi marami pang walang first and second dose nila. Tapusin muna natin ang lahat bago natin ibigay ang booster shot. Well, tayo po hindi na po iyan dinidiskusyunan, nadesisyunan na po iyan at na-include na po iyang P45 billion worth sa ating 2022 proposed budget.

TULFO: Okay. Moving to my last topic, Secretary. Sunud-sunod po yata napapansin ng ilan na kuwestyunable, itong sunud-sunod na kuwestyunableng paggasta daw ng mga ahensiya batay na rin sa report ng COA or COA findings na may corruption nga ba or politically motivated lang. Kasi nagtataka po ang iilan, bakit naman naglabasan ang ganitong report ngayong papasok na ang eleksyon, tapos sasabihin naman eh may mga kailangan lang dokumento? So tingin ng ilan, ito ba talaga, is there really corruption or may kumukumpas dito para ‘ika nga, mag-boomerang sa administrasyon na ito at masira dahil mag-ieleksyon na, Secretary? Ito po ba ay binabasa ninyo diyan at inoobserbahan, sir?

SEC. ROQUE: Well, ang katotohanan po niyan ay puro preliminary observations pa lang po iyan. Iyan po ay dapat sagutin pa ng mga ahensiya at wala pa pong final report. Importante po ang COA report, pero kagaya ng sabi ng Presidente kapag preliminary, huwag munang pansinin dahil kapag nasagot naman iyan ng ahensiya, eh mawawalang bisa rin ang karamihan ng kanilang mga initial observations. Ang pakiusap sa lahat po, hintayin muna natin ang final report kasi siyempre po hindi naman alam talaga ng COA ang mga nangyayari sa pang-araw-araw na operasyon ng mga ahensiya. Eh tingnan muna po natin kung ano ang kasagutan, at matapos naman po iyon ay magkakaroon ng final observation ang COA.

TULFO: Nagtataka lang po kasi ang ilan, sir, na naglalabasan ang ganitong uri ng mga report ngayong mag-ieleksiyon pa, ngayong pababa ang Pangulo. Ang tanong ng ilan, paano ang nangyari doon sa mga COA auditor bawat agency? Bakit eh doon pa lamang sana ay hinaharang na niya, hinahanap na niya. Bakit kailangang umabot pa sa main office at ang main office pa ang maglalagay sa kanilang website na may problema si ganito. ‘Di po ba iyon ang trabaho ng mga COA auditors sa bawat agency ng pamahalaan, Secretary?

SEC. ROQUE: Well, isa nga pong pakiusap ng Presidente, huwag po ninyong kalimutan, panahon ng eleksiyon at kahit sinasabi natin na constitutional body ang COA, suriin po natin ang nagiging background ng mga naninilbihan diyan sa COA, okay?

TULFO: Secretary Harry Roque, salamat po. Mag-ingat po kayo. Have a nice weekend, Secretary.

SEC. ROQUE: Happy weekend din po. Maraming salamat po.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center