Interview

Interview with Secretary Salvador S. Panelo by Ted Failon/Failon Ngayon/DZMM


FAILON: Good morning, Sec. Sal.

SEC. PANELO: Good morning Ted, Happy New Year.

FAILON: Happy New Year, sir. Thank you for the time. Maganda po sa telebisyon ang amerikana n’yo, Sec, kita mo. Lagi kong binabati si Joyce Balancio, sabi ko pakitanong nga kay Secretary kung ano na naman ang kulay ng kanyang kurbata.

SEC. PANELO: Hindi naman nakakarating.

FAILON: Nasaan po ngayon si Pangulo at kailan ang kanyang balik sa Malacañang?

SEC. PANELO: Nasa Davao. Parang mamaya nandito na iyon.

FAILON: Opo. Budget, sir, budget iyong paglagda sa budget, totoo po ba na sumulat ba si Senator Ping Lacson, concerning doon sa kanyang mga binabanggit po na dapat i-veto na provisions?

SEC. PANELO: Hindi ko alam kung sumulat siya, pero alam ni Presidente iyon, dahil napag-usapan namin iyon.

FAILON: Ano po ang sabi ni Presidente?

SEC. PANELO: Ang sabi ni Presidente, kung ano iyong labag sa Constitution, ibe-veto niya.

FAILON: But if we recall last budget, nagkaroon din po siya sa veto, di ho ba.

SEC. PANELO: Yes.

FAILON: Kaya nga sabi ni Senator Ping, na-veto iyon, iyong mga binanggit nila Senator Tito Sotto na ‘ika nila ay mga insertions.

SEC. PANELO: Yes, pero siyempre alam mo, si Presidente abodago Ted, eh. So titingnan niya kung totoo ngang labag sa Constitution o hindi.

FAILON: So ngayon po, we are operating under the extended 2019 budget Sec, right?

SEC. PANELO: Oo, pero pipirmahan na ni Presidente iyon, sabi niya sa akin, this week.

FAILON: So, publication and then that will be effective already. So isa pa po sa mga maganda nating mai-follow up Sec, ito hong usapan ng—marami pong nag-aabang dito. Meron kasing draft executive order na isinabmit daw ang DOH – sila Secretary Duque, sa tanggapan ng Pangulo doon sa pagkakaroon ng maximum retail price ng piling mga gamot. Ito ba ay nakaabot na ho sa Presidente, kasi medyo may katagalan na po ito, Sec?

SEC. PANELO: Parang hindi ko pa alam iyon, wala pa akong alam diyan, baka kay ES – Executive Secretary Medialdea.

FAILON: Kasi ang mga seniors lalo na ho nag-aabang ho sa EO na ito na magkakaroon na po ng maximum retail price ang mga piling gamot.

SEC. PANELO: Well, what is certain, pag pabor sa taumbayan, si Presidente palaging nandoon.

FAILON: So, abangan natin. Okay meron pa hong idinagdag daw sa mga US senators na may ban sa pagpunta sa Pilipinas?

SEC. PANELO: Senator Eduardo Markey.

FAILON: Nadagdag, bakit nadagdag?

SEC. PANELO: Eh isa sa malakas na sumuporta doon sa provision na ipinasok nila sa US budget.

FAILON: But provision sa US budget, is that effective right away?

SEC. PANELO: Hindi naman, alam mo doon sa provision na iyon, merong colatilla doon eh. Na kailangan may credible information ang US State Secretary na meron ngang totoong wrongful detention, eh wala naman Ted, na wrongful detention. Nauna nang pinaliwanag na kaya nagre-react ang bansang ito, iyon ay paglabag sa ating kasarinlan, kasi unang-una pinapakialaman nila iyong legal process natin. Alam naman natin na walang wrongful detention, bakit kamo pumasok sa imbestigasyon na kung merong probable cause o wala, pumasok sa judge, kaya siya nag-isyu ng warrant and then bin-validate ng Korte Suprema. Ano bang wrongful detention ang sinasabi nila?

FAILON: Iyong detention na iyon, para sa kaalaman po ng ating mga tagapakinig, iyong detention po ni Senator De Lima, kinuwestyun all the way to the Supreme Court.

SEC. PANELO: At merong desisyon ang Korte Suprema doon. Kaya nga nagre-react si Presidente, bakit ganito sila, hindi ba sila nag-aral? Eh alam mo Ted iy0ng judicial process doon, halos similar sa atin eh, kung papapano idedemanda, paano ikukulong.

FAILON: Pero as a matter of fact, Attorney as you know, ang atin jurisprudence hango po sa Amerika.

SEC. PANELO: Exactly. Kaya sabi ko nga uninformed. Either uninformed sila o napaka gullible nila, pinapaniwalaan nila lahat ng marinig nilang mali or false.

FAILON: Siguro po sa mga nakikinig po sa atin this morning Attorney, maaaring nasaan man kayong kulay o banda sa usapin na ito, but basically ang pinag-uusapan dito ay pakikialam ng isang bansa doon sa affairs ng isang bansa sa usapin po ng kanilang judicial process ‘no para lang po natin mailatag po itong mabuti, depende po iyan nasaan man kayong kulay o panig po sa isyung ito ang pinag-uusapan nga ay panghihimasok ng isang bansa doon sa prosesong legal na pinapatupad sa isang bansa. Just imagine kung mga Pilipino makialam doon sa Amerika.

SEC. PANELO: Sabi ko nga, paano kung sabihin natin na itong si Presidente Trump, huwag n’yo nang i-impeach iyan, huwag n’yo nang i-convict iyan, di ba magagalit din sila na pinakikialaman natin.

FAILON: okay, saan po hahantong ito sir, ito pong mga pagba-ban na ito sa US legislators?

SEC. PANELO: Well, gaya nga ng sabi ni Presidente, pag tinuloy ninyo iyong hindi pagpapasok ng isang government official eh hindi rin namin kayo papapasukin dito at kailangan mag-secure kayo ng visa.

FAILON: Ano po ang papel dito ngayon ng ating Foreign Affairs Secretary o maging ang Embahador ng Pilipinas sa Washington dito sa usapin na ito?

SEC. PANELO: Alam mo sabi ni Philippine Ambassador to US Babe Romualdez, nag-usap sila ng mga senador na ito at sinabi nila ito iyan, ito ang reason kung bakit nakulong iyan at kailangan i-respeto ninyo iyong aming proseso. Pero sabi ni Ambassador Babes, eh talagang they are hell-bent on introducing that amendment, kahit anong paliwanag ko. In other words Ted, mukhang malakas ang lobby nila doon.

FAILON: ‘Di ba may imbitasyon si President Donald Trump kay Presidente na dumalaw sa Amerika.

SEC. PANELO: Oo, standing invitation iyon, which is in conflict with that provision.

FAILON: Iyon nga po, ano po iyon? Papano po ngayon iyon, meron na po bang damdamin ang Presidente doon sa invitation na iyon?

SEC. PANELO: Ang sabi niya sa akin tatanggihan niyang pormal.

FAILON: Pormal, meaning you gonna write the President of the US.

SEC. PANELO: Yes.

FAILON: Okay, kelan ba dapat iyon, supposed to be.

SEC. PANELO: Hindi ko alam, basta sinabi niya he will write that he decline the invitation.

FAILON: All right, sir. Sa peace talks po naman, Secretary. Si Joma Sison, nagsabi na hindi ako pupunta sa Pilipinas.

SEC. PANELO: Bakit, takot?

FAILON: Hindi ko masasagot iyan. Kung gusto ninyong mag-usap tayo, kahit na saang bansa man huwag lang sa Pilipinas.

SEC. PANELO: Bakit naman, kung dito nga ginagarantiya, may guarantee si Presidente, personal guarantee, hindi ka gagalawin dito walang mangyayari sa iyo, pag wala tayong napagkasunduan di umuwi ka at papauwiin ka ng maayos, walang gagalaw sa iyo dito. Sang-ayon sa iba baka daw kasi pag umalis sa Netherlands, pumunta rito baka arestuhin ng Amerikano, kasi sila terorista daw considered as one. Sabi ko naman, di ganun din iyon, kahit sa ibang bansa, aalis pa rin siya ng Netherland, oh di dadamputin din siya – kaya walang basehan iyong takot niya, apprehension.

If he is really sincere, Ted. If I were in his position, I would grab at the opportunity, why? Tandaan mo, hindi ba ang nirereklamo lang natin noon, mukhang hindi mo kontrolado ang ground forces, kasi nag-uusap tayo rito, pero iyong mga ground forces mo sinasalakay iyong puwersa namin. By asking him to come here and talking to him, he is being recognized as the leader of all these ground forces, hindi ba maganda para sa kanya iyon?

FAILON: Pero saan ito hahantong doon sa peace talks: talking to the founding chairman and then iyong local peace talks naman na isinusulong ng iba?

SEC. PANELO: Hindi, tuloy pa rin naman iyan Ted, kasi unang-una very effective, marami na ang sumusuko, maraming nakaka-realize na walang mangyayari sa kanila, kailangang bumalik sila sa lipunan, maganda iyon. Pero kung si Joma Sison naman talaga is really sincere, dapat pumunta siya rito. Ang nagiging problema kasi ever since – nag-uusap tayo pero sinasalakay mo. Kagaya nga noong ceasefire, eh isang araw pa lang meron na kaagad violation, hindi ba?

FAILON: Kasi nung una parang naging sarado na ang Presidente na wala na ang peace talks and muli binuksan niya ito muli.

SEC. PANELO: Not really, unang-una palaging sinasabi niya na meron akong puwang diyan, may bintana ako palagi diyan. Sapagkat para sa akin ayaw ko nang magkaroon ng patayan ng mga kapwa Pilipino. Pangalawa, Ted, sila ang humingi nito, hinid tayo. Nang kinansel iyan, they sent emissaries to Secretary Bello, to the President using many messengers, kaya pinagbigyan sila ng Presidente.

FAILON: Okay, sige po, so hintayin natin kung saan po ito hahantong na sort of a deadlock ngayon doon sa usapan po ng dalawang lider ano, Pangulong Duterte at saka si founding chairman Joma Sison. Sir meron pong ibinigay, tama po ba ako Enero 6 doon sa review ng kontrata sa dalawang water concessionaires?

SEC. PANELO: Meron yatang gagawing announcement si Presidente after the cabinet meeting.

FAILON: When is the cabinet meeting?

SEC. PANELO: January 6.

FAILON: I see, okay but basically ano ang sitwasyon ngayon?

SEC. PANELO: Well, the situation is, hindi siya papayag ng ganoong uring kontrata: kung saan very onerous; labag sa ating Saligang Batas. Sabi niya nga iyong kontratang iyon, kung iyon ihaharap mo doon sa anti-graft law, eh lahat ng provision doon eh, nilabag.

FAILON: Pero hindi naman po nangangahulugan na hindi na itong dalawang ito na atin po ngayong concessionaires ay papalitan, wala pong ganoon.

SEC. PANELO: Wala naman siyang sinasabing ganoon; basta ayaw niya itong ganitong klaseng kontrata.

FAILON: Kayo po, bilang abogado po sir, tingin po ninyo, ang cure dito is renegotiations?

SEC. PANELO: Hindi, we are not renegotiating it. I think the President will cancel it.

FAILON: That is your thought.

SEC. PANELO: I think that is what the President said.

FAILON: Is that your suggestion as legal counsel?

SEC. PANELO: No. You know the President is a lawyer, he knows what he is doing.

FAILON: Okay, sige po so abangan natin after the cabinet meeting.

SEC. PANELO: Meron siyang mahalagang announcement.

FAILON: Okay, sir. So ngayon pong 2020 ano po ang ating inaasahan pa sa pamahalaang Duterte, well meron tayong inaabangan, ano? Siguro I’m sure pati ikaw inaabangan mo rin iyong skyway stage 3 project matapos na para tayo ma-relieved sa kahabaan ng EDSA – ano ho ang ating inaasahan po for this year, sir?

SEC. PANELO: Itutuloy natin lahat ng mga infrastructure project, lahat ng ginagawa ng Economic Managers tuloy pa rin iyon. Iyong ating digmaan sa droga tuloy pa rin at kriminalidad, sa corruption. Kung ano ang inumpisahan ni Presidente, itutuloy niya iyon hanggang matapos ang kanyang termino.

FAILON: Okay, sir. Sige po salamat po ng marami sa inyong pagdaan sa aming himpilan at sa atin pong programa. Meron po ba kayong mensahe sa lahat ng fans ninyo, Secretary?

SEC. PANELO: Maligayang Pasko at Manigong Bagong taon.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)

Resource