CESAR CHAVEZ: Secretary, magandang umaga po sa inyo.
SAP BONG GO: Good morning po at sa lahat ng mga tagapakinig ng DZRH, good morning po.
CESAR: Alright. Maraming nagulat doon sa naging speech ni Commission on Higher Education Chairman Popoy De Vera noong kaniyang—during the flag raising ceremony at opening ng 24th anniversary ng Commission on Higher Education, pagkakatatag nito, ay ibinulgar niya na kayo pala ang nag-request kay Chairman Popoy De Vera na magsulat ng confidential memo to the President kung bakit dapat i-implement itong libreng tuition. Sapagkat at that time ay may objection iyong economic managers ng Pangulo. Ano ho ang nagbunsod sa inyo Secretary para sabihin ito sa tutors ho ng Commission on Higher Education?
SAP BONG GO: Unang una po, noong pinasa na ho ito sa opisina ni Pangulong Duterte eh wala pa ho talaga itong kaukulang pondo, iyong Free Education Act, kaya nga po may posibilidad iyon na ma-veto. So sabi ko kay Popoy na hindi puwedeng ma-veto iyan kasi alam mo mahal na mahal ng Pangulo ang mga estudyante at kahit nga noong nandito pa sa Davao mayroon talaga siyang STEP program, ibig sabihin noon free tertiary education program niya at libre… ginagawa ho noon libreng pamasahe pa nga eh, mayroon allowance every month hindi lang sa mga estudyanteng mga matatalino, mayroong bracket na cut off sa mga grades na… itong mga matatalinong estudyante let’s say 85 and above, dapat ma-maintain mo iyong grado mong ganoon. So libre po lahat pamasahe, uniporme—pambili ng uniporme man o iyong sa monthly allowance po kasama doon. Hanggang ngayon pinagpapatuloy ng City government iyan.
Kaya sabi ko kay Popoy, alam mo hindi puwedeng hindi matupad iyan kasi sa Davao nga ginagawa niya iyan eh lalo na dito sa national. So sabi ko kahit na walang pondo iyan ngayon, sabi ko papagawaan talaga ni Presidente ng paraan iyan at pondohan. Sabi niya isa nga, ‘walisin mo iyong pera ng gobyerno at ibalik mo sa tao.’ Ganoon ang ugali ni Pangulo.
CESAR: At ngayon noong bago nilagdaan ng Pangulo at pagkatapos ng confidential memo na hiningi ninyo kay Chairman Popoy De Vera na ibigay sa Pangulo para ipaliwanag kung papaano ang implementasyon at saan kukunin ang pondo, ngayon may pondo na umabot yata ng 43 billion. Ano ang katiyakan ng mga estudyante na papasok sa June na itong pondo na ito nandiyan na at mai-implement na natin, Secretary Bong?
SAP BONG GO: Nangako naman ang CHED sa amin, CHED Commissioners, lahat na, ayusin nila iyong scheme na ito, papaano nila i-implement ng maayos para naman mapakinabangan lalo na noong mga mahihirap nating gustong mag-aaral talaga.
CESAR: Ang maganda yata rito sa free tuition college education na nilagdaan ng Pangulo, kasama iyong mga technical and vocational courses, iyong mga dalawang linggo, apat na linggo, 45 days na mga training sa TESDA at mukhang pati pala tools and equipments ay libre na din dito sa nilagdaan ng Pangulo at binigyan ng pondo?
SAP BONG GO: Hindi ko rin masyadong alam iyong detalye pero—ngunit—basta ang importante po dito ay mapakinabangan nga ng Pilipino at lahat ng mga estudyanteng gusto talagang mag-aral na walang ipapaaral po. Napakaimportante, napakahalaga po ito sa amin ng Pangulo na maayos ang pag-i-implementar nitong programang ito.
CESAR: Secretary kapag—live ho tayo sa labing walong radio stations sa DZRH mula DZRH Laoag, Tuguegarao, Dagupan hanggang doon sa Zamboanga, Cotabato. Kapag ka may mga colleges and universities na hindi nag-i-implement nito eh isusumbong ho namin sa inyong tanggapan, Secretary Bong?
SAP BONG GO: Opo, bukas po ang aming tanggapan anytime po kung may mga tanong kayo, hindi po naintindihan ng maayos at tatawagin kaagad namin ang CHED. Mayroon namang mga regional officials itong CHED, they have their regional directors naman, hanggang baba so para maayos po ang pag-i-implementa.
CESAR: Secretary, mula noong pumunta kayo dito sa studio, hawak-hawak ko ngayon ang 64 pages, iyong mga nanonood ngayon sa DZRH News Television, Sky cable, Signal TV at DZRH Facebook, ganito ho kakapal iyong listahan ng mga tulong na nabigyan ng tulong medical, pampagamot at pampaopera sa pamamagitan ng tanggapan ni Secretary Bong Go at binilang ko mga 245 persons na ang nabigyan natin ng tulong, Secretary Bong. Halimbawa, si Lilian Villareal na lumapit ho sa inyo, may status report ho tayo nito Secretary ano?
SAP BONG GO: Opo. Lahat naman po ng mga lumapit dito kung hanggang sa kaya po naming tumulong, hindi ko na po—I don’t mind po kung aabot pa ng isang libong pages po lahat iyan.
CESAR: [laughs] Secretary, nag-worry kami noong una baka mamaya hindi kakayanin ninyo—kasi dumarami ho iyong humihingi ng tulong, iniisip namin baka hindi kakayanin ng opisina ninyo na i-attend itong isa-isang humihingi ng tulong pero salamat ho at nabigyan ho ng aksiyon ninyo at isa nga diyan Secretary ay si Teresita Candinilla ng Pasay ano. Teresita magandang umaga sa iyo.
TERESITA: Magandang umaga po sir.
CESAR: Eh kamusta na iyong pagpagamot ninyo sa PGH?
TERESITA: Sir, hindi pa po kami naoperahan po pero po by now siguro po medyo maasikaso na po.
CESAR: Kailan kayo naka-schedule Teresita?
TERESITA: Hindi pa po, wala pa pong schedule ngayon po sir eh.
CESAR: Alright sige. Pero kayo ba ay nakausap na ng PGH?
TERESITA: Opo, pero po nandito na po iyong budget sa—
CESAR: Ah may budget na.
TERESITA: So fiscal na lang po ang hinihintay, iyong pirma sa fiscal po.
CESAR: Alright, okay. So scheduling na lang tayo. Alright, nasa kabilang linya si Secretary Bong Go, anong mensahe ninyo, Aling Teresita?
TERESITA: Yes po. Maraming-maraming salamat po kay Sir Bong Go. Malaking utang na loob po sa amin ito.
SAP BONG GO: Ma’am Teresita, unang una po, huwag kayong magpasalamat po sa amin kasi trabaho po namin iyan; at pangalawa po, pera ninyo po iyan, pera ng gobyerno iyan. Tulay lang ho kami diyan at any time po sa inyo po iyan lahat, available po iyang programa ng gobyerno sa inyo at pera ng gobyerno. And nandito lang ho kami para mapabilis po iyan. So mayroon kaming mga staff na tutulong sa inyo at magpasalamat tayo sa DZRH naging tulay sila sa atin, siyempre sila iyong—may mga callers dito na nangangailangan ng tulong at minsan napakalayo at hindi naririnig ang kanilang hinihinging tulong. Sa pamamagitan ng DZRH, maraming salamat sa DZRH. Malaking tulong itong DZRH sa ating… napapaabot kaagad—
TERESITA: Maraming salamat po, Sir Bong Go.
SAP BONG GO: Salamat Teresita, hintayin ninyo lang po at mayroong magga-guide po sa inyo at tutulong na mga staff po para mapabilis iyong operasyon kung sakali po.
TERESITA: Maraming salamat ulit po sir. Ingat po palagi.
SAP BONG GO: Sige salamat.
CESAR: Alright, ang importante dito alam na ni Teresita na tinawagan na siya na mayroon na palang budget iyong kaniyang operasyon. Alright. Nasa kabilang linya natin si Romeo Miranda. Romeo, magandang umaga sa iyo.
ROMEO MIRANDA: Good morning, sir.
CESAR: Anong problema natin?
ROMEO: Kidney failure sir eh.
CESAR: Okay. At anong status ngayon?
ROMEO: Nagpunta po ako noong last time orientation sa NKPI para doon po sa magpa-opera. So pagkatapos po siguro po mga within 3 to 4 months po maayos na po lahat iyong mga blood testing, kidney testing po.
CESAR: At ngayon nga tinutulungan na kayo?
ROMEO: Opo very—ang nag-a-assist po si Ms. She at si Ms. Marissa po.
CESAR: Alright, si Secretary Bong Go nasa kabilang linya, iyong kaniyang mga staff na tumulong sa inyo, anong mensahe natin, Ginoong Romeo?
ROMEO: Good morning, Sec. Bong at sa mga staff niya po. Marami pong salamat sa pag-assist po. Inaasahan ko po iyong patuloy na pag-assist ninyo po kapag nandiyan na po iyong operasyon po.
SAP BONG GO: Magandang umaga, Romeo ‘no. Ulitin ko lang po, trabaho namin iyan, huwag kayong magpasalamat. Ang importante gumaling ka. Nandidiyan kami hanggang last day ng operation mo mag-a-assist po kami. Kung may reklamo po kayo tawagin ninyo kaagad iyong atensiyon ko at kung mayroong kulang at hindi pa kayo naasikaso po, tawagin ninyo atensiyon namin at ng staff namin po.
ROMEO: Opo sir.
CESAR: Alright, maraming salamat, Romero Miranda. Alright, Secretary Bong sa halos dalawang buwan lang na—less than 2 months na-experience namin ang pagre-refer sa inyo ng mga humihingi ng tulong pampagamot at pampaopera, lumilitaw na hindi maiwasan iyong PCSO, iyong PAGCOR, iyong PhilHealth na nababanggit dahil may panukala yata na ito ay pagsamasamahin na lang para ng sa ganoon ay mas mabilis ang proseso, maiwasan iyong pagkadoble-doble at maayos iyong tracking. Ano ho ba sa tingin ninyo ang panukalang ito, Secretary Bong?
SAP BONG GO: Magandang suggestion po ito, lalo na—tama ka, may lumalapit sa PCSO, may lumalapit nga po sa PAGCOR at nagbibigay sila ng kani-kanilang pondo. Kahit sa opisina po namin may… last—may lumapit po yata nag-release rin kami ng pondo sa opisina namin. Kung puwede po ito, kahit na magkakaibang opisina po ito pero maari po, magandang suggestion. Kaya lang po itong sa PhilHealth naman, iyong opisina nila is nagsa-subsidize sila ng kanilang—parang kumbaga counterpart in every bill, bagaman at magkakaibang mga opisina ito. That is a good suggestion. Pag-uusapan po namin.
CESAR: Alright. Secretary sa—
SAP BONG GO: Sandali, baka puwede pong matawag na kumbaga magkaroon sila ng mga… parang one-stop shop doon sa ospital. Kumbaga mayroong representative from PCSO, representative from PhilHealth, representative from PAGCOR. Puwede po iyon para maayos iyong division ng kanilang pagtulong.
CESAR: Okay. So in other words, so pinag-aaralan ninyo na ngayon na posibleng ipanukala sa ating Pangulo na lalong-lalo na sa mga government hospitals, mayroon nang desk doon iyong PCSO, iyong PAGCOR at iyong PhilHealth?
SAP BONG GO: Actually po noong ni-launch namin noong May 1 sa Cebu, sa Vicente Sotto Hospital, nagbigay ho tayo ng pondo doon na Malasakit Center, sa Visayas. Iyong Presidential Assistant for Visayas, may office sila doon at naglagay sila ng desk para doon ho. Magkakaroon ng parang one-stop shop nga, wika nga nandodoon na iyong PAGCOR, DSWD, pati itong PCSO; para tuturuan sila kung papaano sila humingi ng tulong, ini-explain na po na ika nga para ma-guide sila nang maayos po.
CESAR: In other words, hindi lang pala ito proposal – ginawa na ito Secretary Bong?
SAP BONG GO: Ginawa na, hindi lang ako sigurado kung kasama iyong PAGCOR doon pero may mga iba-ibang opisina para ma-guide po sila sa paghingi ng assistance.
CESAR: Puwede rin bang gamitin ito, gawin din ito ng Presidential Adviser for Bicol, for Mindanao halimbawa, for Luzon; na iyong mga government hospitals ay magkaroon din ng desk katulad ng Malasakit Center sa Cebu, Secretary Bong?
SAP BONG GO: Opo, maganda po ito. At saka sa Davao po mayroon na ring Lingap ng Bayan. Opo, naglagay si Mayor Sara sa Davao City sa SPMC. Tuturuan na rin sila doon kung papaano ang gagawin, nandidiyan na iyong mga opisina. Actually mayroon na ito sa Cebu at saka Davao City po. At plano po namin next week, pupunta kami ng Tacloban. Mayroon pong i-inaugurate doon na isang building yata ng isang ospital, plano po naming maglagay ni PA Diño ng Malasakit Center din doon para sa mga taga-Tacloban.
CESAR: At the same din na katulad ng sa Cebu, na parang one-stop shop din. May PhilHealth na, may PCSO pa.
SAP BONG GO: At saka aside from that, makakahingi sila ng pondo tulad ng… itong mga taong walang pambili ng gamot at walang pambayad sa bill, puwede silang lumapit doon sa desk na iyon, sa opisina na iyon at iba-validate naman po, iche-check kung talagang kailangan ito ng tulong ng—sa bill niya, lalo na sa mga mahihirap nating kapatid.
CESAR: Secretary Bong, iyong 100 million na buwan-buwan na ibinibigay ng Office of the President sa PGH, tuluy-tuloy ho ito hanggang ngayon?
SAP BONG GO: Opo. At tuwing naubos po ito, nire-replenish kaagad ng opisina namin, sa PGH, opo.
CESAR: Alright. At malaking bagay ho ito sapagkat maraming mga taga-lalawigan, hindi lang mga taga-Metro Manila ang nakikinabang dito. At dito sa 64 pages na hawak naming listahan na mga tulong—na humingi ng tulong dito sa DZRH ay marami dito ay papunta sa PGH at marami rito ay natulungan dahilan sa tulong na iyan ng Office of the President, 100 million. Tama ho ba, iyong 100 million na iyon ay hindi lang pampagamot kung hindi may bago na yata kayong instruction na puwede na ring pantulong iyan sa mga pampa-opera?
SAP BONG GO: Opo, iyong tulad ng CT Scan… bago siyempre, bago tayo operahan kailangan natin magpa-CT Scan. Ano pang mga ibang dapat susihin (suriin) at gawin para sa isang pasyente bago po ito operahan.
CESAR: Alright. Secretary, ano ho ang mensahe ninyo doon sa mga kababayan natin na patuloy na humihingi ng tulong sa inyo, sa inyong tanggapan at sa ating mga kababayan na patuloy ninyong natutulungan? Go ahead po.
SAP BONG GO: Gaya nga ng sinabi ko kanina, I don’t mind na—wala ho akong pakialam po kahit na umabot ng isang karton o one thousand pages po iyan araw-araw. Kasi po unang-una, trabaho namin ‘yan; pangalawa, pera ninyo iyan; at pangatlo, bukas po ang aming tanggapan po para sa inyo. At salamat nga po sa DZRH na naging tulay, at ito po ang naging—para hindi na ho tayo maghanapan sa isa’t isa eh lapitan ninyo ang DZRH at sila ang lalapit po sa amin – at nandidiyan po kami para tumulong po.
CESAR: Alright. Secretary Bong Go, maraming salamat ho at magandang umaga po sa inyo.
SAP BONG GO: Ay sir, good morning po. Mayroon lang po akong konting… i-kuwento sa lakad kahapon ni Pangulo, kung okay po ba, baka puwedeng ipaabot?
CESAR: Sige po, oo.
SAP BONG GO: Kahapon lang po, na ang Pangulo nag-attend po ng graduation ng kaniyang apo sa PICC, si Isabelle Duterte. Nag-graduate na po ito ng Grade 12, so sila po iyong mga first batches ng K-12.
CESAR: K-12, ah oo…
SAP BONG GO: Actually kakalipat lang niya from Davao noong naging Pangulo si Presidente. So ngayon nag-graduate na po siya at nag-attend ho iyong… as lolo, nag-attend po si Pangulong Duterte doon sa PICC. Graduation po ng San Beda-Alabang po.
CESAR: At happy naman iyong lolo, Secretary?
SAP BONG GO: Opo. At unang-una, happing-happy siyempre iyong apo. Nagulat iyong mga tao noong binanggit… hindi pinabanggit ni Pangulo na dadating siya. Noong binanggit, nagtayuan iyong mga estudyante – nagulat. Parang they were shocked na nandito pala… mayroon pala silang ano…
CESAR: Surprised, na-surprise oo.
SAP BONG GO: Walang speeches ito, nag-attend lang siya bilang isang lolo. Nagulat sila nandiyan iyong Pangulo, in-acknowledge siya, nagulat lahat at nagtayuan. “Nandito pala,” parang ganoon.
CESAR: Secretary may nagtatanong dito, ano daw naramdaman ninyo noong kayo ay nakarating sa Philippine Rise?
SAP BONG GO: Hindi naman talaga kami umabot doon sa Philippine Rise. Galing kami sa Casiguran sa Aurora, papalabas na po at nag-send off kami doon sa mga scientists natin na tutungo talaga mismo doon sa gitna at sa pinakadulo ng Philippine Rise. Pero sabi nga ni Pangulo, alam mo considered na rin ito na Philippine Rise, iyong tubig na iyon eh… papunta na kami doon, papunta. Kumbaga nag-send off kami. Pareho lang naman ang makikita mo doon sa gitna ng dagat, iyong alon at kung saan kami bumaba at nag-jetski po.
CESAR: Alright Secretary last question, may nagtatanong dito. Iyon bang 3-point program ho ninyo ay tuluy-tuloy para doon sa mga mahilig sa basketball, Secretary Bong?
SAP BONG GO: Opo. In fact sa Tarlac po kami sa May 28, mayroon tayong 3-point shootout doon sa… sa May 27 naman po sa Malabon, at sa May 31 sa Malolos po. Iyong mga taga… sa lugar na iyan kung gusto ninyong sumali. At saka mayroon tayong chicken curry shot, iyong half-court shot po ito. Mahirap gawin, pero may nanalo sa Bacoor. Tuwang-tuwa iyon ano, na-shoot niya, nanalo siya ng fifty thousand. Pero napakahirap nito i-shoot, half-court eh. Makita mo iyong bata na tinaas niya iyong kamay niya at sabi niya oh… Doon naman sa Valenzuela walang nanalo, kahit sa dami ng tumira, walang nanalo.
CESAR: Pero in other words, may mga pagkakataon na may nananalo din pala.
SAP BONG GO: Opo. Next na… puwede pa—mayroon tayong… may mga text kasi dito at saka may mga konting nagrereklamo, bukas po iyong tanggapan ko anytime sa mga complaint ninyo. Saka may lumapit po sa akin na nagbulong, alam ninyo po na… mayroon kasi itong—unfair labor practice kasi na nangyayari daw. May mga networks tayo na mayroon silang mga contractual employees, may mga talents na hindi pa rin nare-regular; kahit na po iyong mga cameraman nila, staff na hindi mo maiwasan may lumapit sa atin. So sabi ko, maaring ipa-check namin ito sa DOLE. Kakausapin ko si Secretary Bello ukol dito, at na-mention ko na rin ito kay Pangulong Duterte. Kasi gusto nga nating i-end iyong ‘endo’, pero kaya lang mismong iyong mga, siguro marami pang mga—may mga networks po, narinig ko lang po na hindi po nila ito pinapatupad. Marami pang hindi na-regular po na… kumbaga…
CESAR: Okay. Secretary may mga text messages dito, ang gagawin namin ay ipi-print lang namin at ipapadala sa inyong tanggapan para iyong opisina ho ninyo ay baka mabigyan ng aksiyon. Ang isa rito ay text mula kay Jo Garcia ng Dasma, may kinalaman naman ito kuryente sa bahay nila. At anyway, ibibigay na lang ho namin sa inyong staff Secretary Bong.
SAP BONG GO: Opo. Sige po, at para mabasa ko po. Puwede pa bang mag-discuss nang konti?
CESAR: Sige po…
SAP BONG GO: May na-release na ho na dalawang—na bihag ng Abu Sayyaf na dalawang pulis, babae po ito, at bukas po ite-turnover ito kay Pangulo. At lahat ng mga tumulong nito para maging possible iyong release na tulad nila Governor Tan, nila Chairman Nur Misuari at nag-offer siya noon, sabi niya tutulong siya. Okay naman po at na-release na at ibibigay kay Pangulong Duterte tomorrow itong… hindi naman ho nasaktan.
CESAR: So ito pala iyong announcement ng Pangulo na hihingin niya ang tulong ni Chairman Nur Misuari at ngayon ay may resulta na.
SAP BONG GO: Opo, bukas po ite-turnover. Nandoon na ho sa… nandoon yata kay Governor Tan at kukunin na lang po para ite-turnover kay Pangulong Duterte bukas po.
CESAR: Alright, magandang balita iyan, Secretary Bong. Maraming salamat ho at magandang umaga po sa inyo.
SAP BONG GO: Magandang umaga po, Cesar. Maraming salamat sa DZRH, sa lahat ng tagapakinig. Maraming salamat po.
CESAR: Alright. Secretary Bong Go, ang Special Assistant to the President.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)