WENG: Flash report ito: Si Secretary Bong Go, hinamon si Trillanes ng one-on-one. Anong klaseng one-on-one iyan, Lorenz Tanjoco..?
LORENZ: Yes kasamang Weng, hinamon nga ni Special Assistant to the President, SAP Bong Go si Senador Antonio Trillanes ng one-on-one. Ito po ay patungkol nga o sagot sa mga binabatong pagkikritiko o iyong banat patungkol sa mga posters at iba pang mga campaign materials na nakikita ng ating taumbayan na nakasabit sa kung saan-saan. Ayon kay SAP dapat daw ay mag-one-on-one na lang sila ni Senator Antonio Trillanes.
Subukan nating alamin kay SAP kung ano nga ba iyong kabuuan ng one-on-one… SAP, Secretary, ano po ba ibig sabihin noong one-on-one na hamon natin kay Senator Trillanes?
SAP BONG GO: Kahit anong gusto niyang one-on-one, handa naman po ako.
LORENZ: Sir, paano kapag sinabi niyang physical one-on-one ba ito o basketball?
SAP BONG GO: Kahit ano… basta sinabi kong one-on-one, kahit ano. Siya ang bahala.
LORENZ: Last na lang, sir. Message po natin doon sa mga kababayan natin na humihiling sa inyo ng Happy Birthday.
SAP BONG GO: Ah, maraming salamat po. Ako naman ay hindi talaga nagse-celebrate ng birthday. Masaya po akong nakasama iyong mga cancer patients po dito, iyon lang. Ang wish ko po sa birthday ko, sana humaba pa po ang buhay ng mga cancer patients na nandidito.
WENG: Lorenz, puwede kausapin saglit?
LORENZ: Sir, may tanong po si kasamang Weng.
WENG: Secretary, magandang tanghali. Si Weng Dela Peña po.
SAP BONG GO: Magandang tanghali po, Sir Weng.
WENG: Opo. Happy Birthday unang-una sa lahat. Eh gusto ko hong mala—naintriga ako sa one-on-one. Birthday ninyo ho ngayon ha, first and foremost ay itong ginagawa ninyong pagpunta ho diyan ay bahagi pa rin Secretary ng inyong pagtulong, hindi ba, sa ating mga kababayang—Ito, may mga kapansanan.
SAP BONG GO: Opo. Nagkataon po nanalo iyong team namin, at kami po ang binigyan ng pagkakataon na pumili ng chosen beneficiary, at napili ho namin iyong Philippine Children’s Hospital po. Iyong one million po, napanalunan po namin sa isang liga po.
WENG: Opo. O iyan, hindi ho pamumulitika iyan Secretary ha, baka…
SAP BONG GO: Hindi po. Sabi ko nga po, ang wish ko lang po sana humaba pa po ang buhay ng mga cancer patients, kasi nakakaawa. Bilang magulang rin po, mararamdaman natin na nalulungkot iyong mga parents. Iyong bata naman, mga inosenteng-inosente sa kanilang nararamdaman. Alam kong masakit iyong nararamdaman nila, pero talagang gusto nilang mabuhay pa. Nakakaiyak nga po.
Sa mga kritiko na ano… sana tumulong na lang kayo, pumunta na lang kayo rito. Kahit—sabi ko nga po, hindi natin madadala sa kabilang buhay; kapag tumanda na tayo, iyong blessing natin na dumating sa buhay natin sobra-sobra na – ipamahagi na lang po namin. Ganoon rin si Pangulong Duterte, sabi niya sa akin “Bong, hindi natin madadala kahit saan man tayo mapunta. Mamamatay tayo wala na, tapos na iyan lahat.”
WENG: Buti ho kayo, kahit na… alam ko kahit holiday, kahit Linggo umiikot-ikot para ipaabot ang malasakit ng pamahalaan natin. Eh itong si Senator Trillanes, laging absent ho sa session ho sa Senado hindi ba. At pinagmamalaki ay okay lang daw iyon absent sa trabaho, basta’t marami naman daw hong panukala. Anong say ninyo diyan?
SAP BONG GO: Eh absent siya nang absent, alam mo bakit? Sa kakahanap ng mali sa gobyernong ito. Eh wala siyang mahanap, kaya kahit ano na lang maisipan niya – nagpapapansin.
WENG: [Laughs] Okay. Pero itong ginawang banat kay Mayor Sarah Duterte at ito na naman kahapon, mayroong nakausap itong British broadcast anchor na si dating Chief Justice Sereno ay halos lahat ho sila parang na… wala, na-kuwan eh, parang naging maliit ang kanila hong role sa pagharap doon sa anchor na iyon. Sa inyo hong palagay, titigil kaya itong mga paninira na ginagawa o pagpupuna nitong si Senator Trillanes sa inyo?
SAP BONG GO: Alam ninyo po patapos na iyong termino niya, siyempre nagpapapansin siya; mag-e-end na iyong term niya as senator. At iyan namang kay Chief Justice, alam naman po ni Chief Justice na ni isang tao wala akong kinausap; si Pangulong Duterte. At saka hindi ugali ni Pangulong Duterte mag-intervene… iyong nangyari sa kaniya. Kaya nagalit na po si Pangulong Duterte sa kakabintang niya kay Pangulong Duterte.
Alam mo si Pangulo, kahit itanong ninyo sa Senado at sa mga Kongreso… may kaniya-kaniya talaga silang trabaho at hindi nag-i-intervene iyan o bumubulong si Pangulong Duterte na ganito… ipitin mo. Kilala ko si Pangulo, never niya iyan na ginagawa; nirerespeto niya iyong separation ng power ng Judiciary at saka ng Kongreso po.
WENG: Okay. Pero Secretary, itong mga banat ng number one critic ng Pangulo, si Senator Trillanes, kahit magtutuloy-tuloy… kayo eh magtutuloy-tuloy din sa inyong ginagawang public service lalo na at hindi ho iyan maatupag ng Pangulo, itong iniikutan ninyo na mga kabataan, ang Children’s Hospital at iba pa. Hindi ho titigil, kahit na siya ay hindi rin titigil?
SAP BONG GO: Opo. Basta kami, trabaho lang po kami. Papaano po kami makatulong sa mga kapatid nating Pilipino. Unang-una uulitin ko po, itong tinutulong namin sa inyo po ito, gobyerno po ito, huwag kayong magpasalamat sa amin. Pangalawa, ang gobyerno ni Pangulong Duterte ay para sa mga helpless, para sa mga hopeless at walang pag-asa. Lapitan ninyo lang po kami, bukas po ang opisina namin sa inyo, sa mga Pilipino po.
WENG: Okay. SAP Bong Go, ilang taon na ho ba kayo, kung inyong mamarapatin ha? How young are you?
SAP BONG GO: Ah…
WENG: Oh yes, secret na lang… ha?
SAP BONG GO: Well, ayoko magsinungaling pero… bata pa po ako – 44 na po ako.
WENG: Ay okay, okay. Eh talagang marami pa tayong magagawa Secretary ha, sa inyong watch at sa inyong ginagawang effort. Eh kami po dito sa Radyo Pilipinas, ang taos-pusong pagbati ng maligayang kaarawan ho sa inyo ngayong araw na ito, Secretary.
SAP BONG GO: Maraming salamat po sa inyo, at sa mga tagapakinig ng Radyo Pilipinas. Salamat sa inyong pagdarasal at pagsuporta sa gobyerno ni Pangulong Duterte.
WENG: Alright. Secretary Bong Go again, Happy Birthday and thank you po. And good luck and God bless po.
SAP BONG GO: Thank you po. Magandang tanghali po.
LORENZ: At iyan nga kasamang Weng si Secretary Bong Go, dito sa pagdalaw niya sa Philippine Children’s Medical Center, kung saan nagbigay nga ng one million cheque itong si SAP Bong Go.
###
Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)