Interview

Media Interview by President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Inauguration of the LRT-1 Cavite Extension Project Phase 1


Event Media Interview
Location Dr. Santos Station, Dr. A. Santos Ave. in Parañaque City

PRESIDENT FERDINAND R. MARCOS JR.: Oo, mag-start bukas ng alas-singko ng umaga. Para malaman ng lahat itong aming sinakyan na linya na ito mula sa Sucat hanggang ngayon dito sa Redemptorist ay magbubukas  — mag-start ng operation — bukas na ngayon, pero mag-start ng operation bukas ng alas-singko ng umaga.

Kaya’t hinihikayat ko lahat ng ating mga commuter ay subukan ninyo at makikita ninyo napakaginhawa kumpara sa trapik na nararanasan natin araw-araw.

Q: Sir, will there be a free ride? Libre, libre?

PRESIDENT MARCOS: Hindi operated kasi ng government ito kaya… Kailangan pang bayaran ‘yung utang.

Q: Pero, sir, now na malapit na ‘yung Pasko, the timing.

PRESIDENT MARCOS: Actually, hindi namin inisip ‘yung Pasko, nagkataon lang. But lahat nga nitong mga rail projects basta’t sinasabi ko gawin natin ang lahat para madagdagan nang madagdagan dahil makikita naman natin napakalaking bagay, napakalaking maibibigay na ginhawa, at mas mabilis, makapag-save ng time, at simple lamang ang pagsakay ng tren.

Nasanay na rin naman ang mga commuter natin kaya’t subukan nila itong bagong linya.

Maraming salamat. Thank you.

Q: Last na, instructions sa bagyo, sir?

PRESIDENT MARCOS: Well, I’m having a meeting with the NDRRMC later this afternoon — sa operations sa Pepito.

— END —