Q: Mr. President, good morning. Clodet po ng PTV. Mr. President, paano po natin hihikayatin ‘yung mga other poultry farmer na gamitin din po ‘yung ganitong teknolohiya, sir?
PRESIDENT MARCOS: Well, ganito ang kailangan talaga natin dahil sa dami, sa laki na ng demand ay talagang kailangan industrialized na. Pero kailangan maingat at maraming binabantayan.
That is why these new technologies na inadopt (adopt) natin. Ito galing yata sa US.
RAMON ANG: America po.
PRESIDENT MARCOS: O, sa US yata ito galing ay para naman magkaroon na tayo ng magandang supply ng manok. Madami siguro kasi… The reason that I made sure to come here para ipakita nga na mayroon talagang paraan para magkaroon tayo ng sapat na supply.
And it comes from again, from the private sector, but the private sector marami silang pinaplano. The SM Foods has a plan to eventually allow some of the cooperatives, farmers associations to come into partnership with them.
So, that is — ‘yan na nga ‘yung PPP. Marami tayong puwedeng gawin pagka ganito. So, I wanted to highlight, this is — ang project, total project is isang dosena nito around the country, gagawin ng SM Foods.
The amounts are quite substantial kaya’t this is what we need. Tapos naka-isolate na ganito, hindi natin masyadong kailangan bantayan ‘yung Avian Flu.
So, these are all the technologies that are available around the world dapat i-adopt natin kaya natin ipinapakita ngayon na puwede naman talaga tayong mag-produce nang sapat, ng broiler, tapos iba’t ibang pagkain.
At hindi mag-compete ito sa mga small farmers dahil ang final product nito ready-to-eat.
MR. ANG: Ready-to-eat. Hindi dadalhin sa wet market ito.
PRESIDENT MARCOS: Oo, hindi sa palengke ang pupuntahan nito kaya’t patuloy pa rin ‘yung ating mga backyard na nag-go-grower. Puwede pa silang — tuloy-tuloy naman. Hindi naman sila masasagasaan ng ganito kalaki and down the road baka interesado sila na ‘yun na nga — mag-partner sila sa SM Foods para kasama sila dito sa ganitong klaseng operation.
Q: Mr. President, follow up question po. Since, ano po ‘yung sa tingin niyo ‘yung magiging contribution nito sa presyo ng itlog at manok, especially po na malapit na po ‘yung Pasko? Advanced Merry Christmas nga po pala.
PRESIDENT MARCOS: Oo nga pala. Natural, pagka maganda ang supply hindi tataas masyado ang presyo. Siyempre pag Pasko, may increase talaga ng demand dahil maraming party, maraming nagse-celebrate. Pero siguro naman kung mayroon tayong mga ganito, hindi na siguro natin alalahanin na palipat-lipat ang presyo. Pataas, pababa, pataas, pababa, pataas. At magkakaroon na nga tayo ng fresh supply.
Ganyan naman talaga ‘yan demand and supply lang talaga ‘yan. Tataas ang demand, malaki naman ang supply so the supply curve is relatively flat. So, hindi magbabago siguro masyado ang presyo.
Q: Kay RSA po. Good morning, sir.
MR. ANG: Magandang umaga po.
Q: Sir, with regards po sa ano — ano po ‘yung assurance ng [unclear] public, sir?
MR. ANG: Kaya po nagtayo ang San Miguel ng poultry na ganito is to address the call of the President for private sector to help build immediately food security dahil ho ang mga pagkain natin ngayon ‘yung beef PhP400 per kilo; ‘yung baboy po PhP300 per kilo; ‘yung galunggong Php200 per kilo; ‘yung poultry Php150 lang. Pinakamura, pinaka-healthy, at gawa pang local.
Noong tinawagan ng Presidente ang taong-bayan, pati ako pinagsabihan niya personally na magtulong-tulong tayo to produce locally produced food, to make sure na walang magutom na Pilipino, walang magugutom na kababayan natin at murang pagkain, high quality pang pagkain.
Kami po lumabas at immediately lumapit kami kay Presidente at through ‘yung assistant niya, Usec. Ding Panganiban, grabe ang support niya sa amin. At si Secretary Pascual ng DTI, tsaka Usec. Perry, nag-apply kami ng mga incentive kailangan para ma-import itong mga equipment na ito para maitayo at maiayos nang tama.
Sa susunod po, lahat po ‘to, sa sobrang dami ng ating manok mapo-produce, ma-e-export pa natin ‘yan sa Filipino community sa abroad, ‘yung mga adobo, ‘di ba? Iyong mga kung ano-anong pagkain Pilipino. Tawag po ng Presidente ito kaya ko ginawa. Kaya pinagmalaki namin ‘to na kailangan gawin kaagad ‘to dahil ang Presidente mismo ang tumatawag, siya ang Agriculture Secretary.
Sabi niya: “Ramon, magtrabaho tayo mabuti, bilisan natin mag-produce. Kailangan mapakita ko sa taong-bayan na mayroon talagang tumugon at lumabas para mag-produce at hindi kuwento. Kailangan pakita mo.” Kaya siya nandito ngayon.
PRESIDENT MARCOS: Kaya nandito tayo para talaga ipakita na it can be done. Ngayon ‘yung sinasabi ni Chairman tungkol nga sa pagtulungan, that’s the way that we should do it.
Kung ano ‘yung kailangan ng private sector, kung kayang gawin, kayang ibigay, kayang mag-incentive, kayang mag-exemption. Whatever it is that’s needed, kung kayang gawin ng gobyerno, gagawin talaga ng gobyerno para nga magkaroon tayo to encourage ‘yung investment dito sa ganitong klaseng operation.
Iyon, that is to help food supply kaya tayo — kaya ko tinitingnan dahil ngayon lang ako nakakita ng ganito, ng ganito kalaki, ganito ka-extensive dito sa Pilipinas.
Kaya’t we should encourage everybody that there are very many options. There are many opportunities for the production of food.
And in the government, we will do everything that we can, lahat ng kaya namin gawin para tulungan ang private sector para makapag-invest sila nang mabuti.
Kailangan naman siyempre may bawi din sila. Pero at the same time, mababa ang presyo sa merkado at sapat ang supply. ‘Yun ang ano doon…
Tapos marami kang — medyo isolated na area, nagkatrabaho ngayon ‘yung mga tao na nakapaligid dito. So, it’s all good.
MR. ANG: Magaling ‘to!
Q: Thank you, Mr. President.
MR. ANG: Mabuti ito para sa bayan para less relying on imported po tayo. Tawag po ng Presidente ‘yan. Salamat po.
— END —