Interview

Media Interview by President Ferdinand R. Marcos Jr. During his Visit to Epifanio Delos Santos Elementary School


Event Visit to Epifanio Delos Santos Elementary School
Location Epifanio Delos Santos Elementary School (EDSES) in Malate, City of Manila

Q: Assessment lang po muna?

PRESIDENT MARCOS: Well, nandito kami ni Sec. Sonny para tingnan ang mga pangyayari dito sa first day of school natin.

Kaya ang – dito at least dito sa napuntahan natin ay maganda naman. At naka-usap natin, kaka-Zoom ko lang ng mga iba’t ibang eskwelahan all around the country.

So, mukha naman so far, maayos and I was explaining to our teachers na para sa kanila, para mabawasan ‘yung load ng kanilang trabaho, bawasan ‘yung administrative duties ay kukuha tayo ng 20,000 bagong guro.

Sa ngayon, sa 20,000 na ‘yun, 16,000 na ang na-hire ng DepEd na bagong guro. Tapos kumuha naman tayo para nga ay may katumbas na hiring doon sa administrative duties, 10,000 naman na administrative. Hindi ito nagtuturo kundi pinapatakbo ang mga eskwelahan.

Para ‘yung teacher talagang nagtuturo. Iyong administrative ay sila ang namamahala sa mga paperworks, sa mga accounting, sa mga documentation, lahat-lahat.

At nabanggit ko sa ating mga guro na lahat ng departamento ng pamahalaan ay naka-converge dito, sama-samang nagtutulungan. At ano ‘yung mga duties nila? Siyempre ‘yung DepEd maliwanag na maliwanag kung ano ang kailangan na gawin ng DepEd.

Pero sinabihan ko ang DICT, sinabi ko palawakin ninyo ang internet coverage. Sa ngayon, ang mga eskwelahang may internet lamang ay mga 60 percent. Napakababa. Ang problema talaga kuryente. Kaya aayusin natin ‘yan. Dahan-dahan makikita natin magiging 100 percent ‘yan lahat.

Inuuna namin ‘yung mga tinatawag na GIDA, ‘yung mga underserved na mga lugar na malalayo. Iyon ang inuuna namin. Mabuti na lang may teknolohiya na para makabuo tayo ng magandang sistema nationally.

Ang DTI at saka DOTr ay ininstruksyonan ko gawin ninyo lahat ng paraan para mabawasan ang gastos ng magulang at saka ng estudyante. Ang DOH sinabi ko kailangan may health facilities lagi in case na magkasakit ‘yung mga bata o ma-injure eh mayroon lagi tayong nakaabang para sila ay gagamutin.

At ang DSWD pati para sa mga tulong. At tinututukan namin ‘yung mga cyberbullying, ‘yung mga bullying dahil nagiging malaking problema. Mental health problem ng mga bata dahil kung hindi maayos ang patakbo – kung talagang may bullying ay hindi sila makapag-aral nang mabuti.

Tapos ‘yung sa feeding program din natin, mag-start ‘yan next month. So, baka sa susunod nating pagkikita ay doon na sa feeding program para ma-monitor natin nang mabuti.

Pinalaki natin – pinalawak natin rather – pinalawak natin ‘yung our feeding program para sa mga kabataan. Kasi kung maalala ninyo, ang DSWD mayroon na tayong program from The First 1000 Days kasama na ‘yung pagbubuntis para maganda ‘yung pag-alaga sa bata – bago pa ipinanganak at pagkatapos manganak.

Ngayon naman from five years old on, ito naman marami tayong programa, lalong-lalo na ‘yung feeding program para sa ating mga kabataan.

So, we are gearing up for all of that. Iyong kuryente. We are making sure na may kuryente lahat, na may tubig lahat. Iyon ang mga basic services na makikita natin para naman maging maayos ang pag-aaral ng ating mga kabataan.

All right? Okay. Thank you!

 

— END —

 

Resource