Q: Good morning po, sir. Sir, ang Cordillera po is considered as the watershed cradle of the north…
PRESIDENT MARCOS: Yes.
Q: Ang Cordillera po is considered as the watershed cradle of the north. Ano po ang puwede nating maitulong sa Cordillera para po mapangalagaan natin, especially considering ‘yung declaration ng UNESCO [unclear] area po ang Apayao?
PRESIDENT MARCOS: Well, we are already — lahat naman ‘yun ginagawa na natin. Para nga doon sa pag-ipon ng tubig ay ang proposal ni Gov. Bulut ay gawing puro hydropower. Pero pagka naglalagay tayo ngayon diyan ng mga dam para magkaroon ng hydropower, ginagawa na rin natin flood control. Ginagawa na rin nating solar. Lalagyan natin ng solar. Tapos ginagamit ‘yung tubig pang-irrigation para sa mga household.
So, ‘yan ang… Matagal na ‘yang project na ‘yan. Una pa akong governor noong 1984, nandiyan na ‘yang project na ‘yan.
PRESIDENT MARCOS: Oo, time pa noong [unclear].
So, ngayon ay tinitingnan namin. Siyempre nagbago na, nagbago na ‘yung design at dahil ‘yun nga hydro pero ‘yung hydro hindi lang hydro… Hindi lang hydro, kung hindi irrigation din. Ngayon na nagkakaproblema tayo, nararamdaman natin nagkaproblema na tayo sa tubig, para pati na, drinking water na. Para may sapat na tubig para sa mga household.
Q: Binanggit na rin kanina ni Governor Elias Bulut, 37 years nang isinusulong ng mga Cordillerans ‘yung autonomy bill. In fact, mayroong nakabinbin na House Bill [3267] sa Kongreso. Ang hinihiling lang ni sir, can you declare na parang urgent na bill itong autonomy bill nang sa ganun…?
PRESIDENT MARCOS: There is a constitutional question. Because the ’87 Constitution allows the creation of two autonomous regions. Kaya nabuhay ang ARMM noon na naging BARMM, ‘yung Autonomous Region [in] Muslim Mindanao. Tapos dapat dito rin. Ngunit, hindi nakuha ang sapat ng boto para sa plebisito.
Ngayon, ang legal question is kung puwede bang balikan o sinabi ba ng Constitution, minsanan lang ‘yan? So, titingnan natin, pag-aaralan natin nang mabuti.
Q: Yes po, good morning po. Regarding po dito sa typhoon season na naman po kasi, lalong-lalo na po dito sa Cordillera. Ano po ‘yung mga directives po natin sa lahat ng mga line agencies po? Kasi ang Cordillera is isa rin po sa naaapektuhan during La Niña po.
PRESIDENT MARCOS: You know, the way we have organized this government is there’s no need to panic. “What is your special…?” There is no special instruction. Alam na nila ang gagawin nila.
We have a standard procedure kung… Doon sa speech ko, nasabi ko, hindi pa nangyayari, nakapaglagay na kami ng mga food pack, nakapaglagay na kami ng mga emergency na supplies. Para kung sakali man, kung ano mangyari, andiyan na ‘yan. At alam na rin namin kung — pagka bumuhos ang ulan at makita namin, magka-report na magkabaha, o may gumuho na lupa, o any of these, ay alam na namin ang gagawin namin.
So, kahit na walang special instruction, alam na ni Secretary Rex kung ano ‘yung gagawin kahit hindi kami nag-uusap, alam na niya. Dahil sa simulang simula pa lang ay inupuan namin ‘yan at sinabi namin pagka nagkaganito, ano ‘yung gagawin natin?
Sabi ko, malayo pa ‘yung bagyo dapat mag-forward ano na tayo — placement ng mga gamit. Kaya’t ‘yan ang gagawin.
Q: Yes, sir. Good morning po, Mr. President. Since malapit na po ‘yung SONA. So, kumusta po naman ang preparation po ninyo sa SONA and ‘yung speech po?
PRESIDENT MARCOS: Tuloy-tuloy. Pero ‘yung kabuuhan nung speech ko tapos na. Fine-tuning na lang mga ginagawa namin, aayusin namin ‘yan lahat bukas at saka hanggang Linggo para maging handa para sa SONA sa Lunes.
So, ang problema marami — napakarami ang gusto kong pag-usapan, baka humaba masyado.
Kaya hinahanapan namin — i-prioritize na lang lahat. Tapos, puwede makapag-explain ang ating mga secretary doon sa mga detalye ng mga iba.
Kaya’t nandoon tayo ngayon pero tapos na ‘yan. Sinusubukan lang namin na tiyakin na maganda na ‘yung lengguwahe, na maayos lahat ng nais naming pag-usapan ay nandoon, at mayroon tayong maipapakita sa taumbayan na may nagawa sa nakaraang isang taon.
Q: Mr. President, [unclear] hindi na magse-serve sa ano mang Cabinet position si VP Sara?
PRESIDENT MARCOS: I’m sorry?
Q: Reaction po na hindi magse-serve sa kahit na anong Cabinet position si VP Sara?
PRESIDENT MARCOS: Okay. I don’t need to react. That’s her decision.
Q: Thank you, sir.
— END —