Interview

Media Interview by President Ferdinand R. Marcos Jr. following the Distribution of Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk, and Families (PAFFF) in Legazpi City, Albay


Event Media Interview
Location Albay Ibalong Centrum for Recreation in Legazpi City, Albay

This is the second round of our assistance that we are giving. Dahil noong una kaming napunta rito ay pinag-usapan natin was the relief goods, ‘yung rescue, lahat.

Ngayon na medyo nalampasan na natin ‘yung phase na ‘yun, nandito naman tayo para bibigyan ng tulong ‘yung mga nasiraan ng hanapbuhay, lalo na ‘yung ating mga magsasaka at ‘yung ating mga mangingisda. Dahil alam naman natin pagdaan ng bagyo, pagdaan ng ganitong klaseng baha, ay ang daming nasisirang tanim, ang daming nasisirang mga fish pen.

Nakita nga namin ito noong unang bisita namin dito. Kaya’t ay sabi ko hindi lamang ‘yung binibigay ng Department of Agriculture, ngunit idadagdag pa natin – naghanap pa kami ng pondo galing na sa Office of the President para matulungan.

Mabigyan ng tig-sa-sampung libo ang ating mga magsasaka at ang ating mga fisherman. Kaya’t naulit ang pagbalik ko rito.

At sana naman ay pagbalik ko uli rito ay hindi na bagyo ang pinag-uusapan natin at mapapag-usapan na lang natin ‘yung Kristine na naging maayos ang pagdala ng tulong para sa ating mga kababayan.

Kaya’t maraming, maraming salamat! Magandang umaga sa inyo.

 

— END —