Interview

Media Interview by President Ferdinand R. Marcos Jr. Following the Distribution of Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk, and Families (PAFFF) in Pangasinan


Event Media Interview
Location NRSCC Gymnasium, Poblacion in  Lingayen, Pangasinan

Q: Sir, mayroon calls to suspend the BARMM elections next year. Ano pong reaksyon niyo doon, sir?

PRESIDENT FERDINAND R. MARCOS JR.: Well, we’re still studying it. Some of the local officials are saying because of the Supreme Court decision of separating Sulu from BARMM, maraming implications in terms of the changes that have to be made kung kaya natin. Baka hindi natin kayang gawin by May of next year.

Marami doon — mayroong pitong distrito na nasa BARMM na dati galing — na dati sa Sulu, ngayon wala silang congressman, wala silang probinsya.

Mayroon ding walong municipality na walang distrito at walang probinsya, pero nanalo sa plebesito so kasama sila sa BARMM. So, gagawa ngayon tayo ng isang bagong probinsya.

Number two, may papalit ngayon, dahil nga sa pag-alis ng Sulu kailangan palitan ang mga batas ng BARMM, kaya’t ‘yung mga transition authority kailangan trabahuhin ngayon para doon sa bagong sistema, doon sa bagong administrative code, sa bagong local government code, sa bagong electoral code, iyon ang kailangan nilang trabahuhin.

Marami tayo na hindi nakita na naging unintended consequence ng decision ng Supreme Court. Kaya hangga’t maaari gagawin namin na isasabay natin. Pero kung hindi kaya, mas mabuti nang maging tama kaysa sa madaliin natin tapos magkagulo lang.

Q: Sir, may timeline kayo sa study kasi siyempre ongoing rin ‘yung preparations natin?

PRESIDENT MARCOS: Iba-iba ‘yung mga suggestions nila na… Nag-file na kasi ‘yung mga iba para sa BARMM election.

Patuloy din ‘yung mga paghahanda sa eleksiyon. Kailangan lang natin tapusin ‘yung sa – ‘yun nga sa mga consequences ng Supreme Court decision.

All right. Thank you.

 

—END—