Interview

Media Interview by President Ferdinand R. Marcos Jr. following the Distribution of Presidential Assistance to Fisherfolk and Families (PAFF) Affected by the Oil Spill in Navotas City


Event Media Interview
Location Navotas City Sports Complex in Navotas City

Q: Good morning, President, advance Happy Birthday. Ria Fernan…

PRESIDENT MARCOS: I cannot hear. Sorry. Yes?

Q: President, advance Happy Birthday. Ria Fernandez of TV-5.

PRESIDENT MARCOS: I cannot hear you.

Q: There are rumors circulating online that Defense Secretary Gibo Teodoro has already resigned. Is this true? If not, why do you think this is being spread?

PRESIDENT MARCOS: [laughs] Talaga? May lumabas na balitang ganoon na nag-resign daw si Secretary Gilbert Teodoro? Eh talaga naman. Alam mo ‘yung mga nagkakalat ng mga…

Unang-una, sagutin ko ‘yung tanong mo: fake, fake, fake, fake, fake, fake news ‘yan.

Ang lumalabas lang diyan itong mga desperado nag-iimbento na lang ng istorya para gumawa na lang ng gulo. Wala naman silang naibibigay, wala silang naitutulong, wala silang kontribusyon sa buhay ng bawat Pilipino kung hindi paninira lamang, kung hindi panggugulo lamang. Kaya’t huwag po natin — kailangan maingat po tayo. Huwag tayong masyadong naniniwala kung wala namang pruweba sa kanilang mga sinasabi.

Dito sa issue na ito, ulit fake news. Iyan ang pinakamasamang halimbawa ng fake news na kinakalat ng ating mga — kung sino-sinoman sa social media. Mag-ingat po kayo at kilatisin  ninyo nang mabuti kapag may nababasa kayong ganyan.

Dito sa issue ng kay Secretary Teodoro, natatawa na lang kami dahil sabi ko — tinawagan ko siya kaninang maagang-maaga, “magre-resign ka daw?”  “Bakit?” sabi niya, “Bakit paaalisin mo na ako?”  Sabi ko, “Ba’t kita paaalisin wala naman tayong problema.” “Hindi, ‘yun ang lumabas na balita”.

Sabi niya, “huwag natin papansinin”. Sabi ko, pero kailangan natin sagutin at ipaliwanag sa taong-bayan na itong ganitong klaseng mga chismis, mga marites, kinakalat lang nila ito para manggulo. Huwag po kayong madala sa ganyan. Patuloy po ang aming trabaho. Hindi po kami titigil. Lahat po ng ating mga kasamahan ay walang ginawa po kung hindi araw-araw paggising hangga’t matulog ay kung papaano tumulong at paano pagandahin ang Pilipinas.

Iyan po ang hangarin ng lahat ng pamahalaan ninyo. Huwag po kayo nadadala sa mga fake news na ganyang klase. Huwag po kayo madadala sa mga ‘yang mga pampagulo na ginagawa nila. Sa amin, hindi na namin pinapansin ‘yan dahil alam namin ‘yung totoo.

I have always said this, with some of these rumors that have spread around, kami we have the advantage. We know the truth. So we will give it to you as soon as we can and as quickly as we can so that people understand what is going on. Huwag po kayong maniwala.

Kung mayroon mang… Kung may magbabago sa Gabinete at sa pamahalaan ay kami ang mag-a-announce. Hindi kung sino-sinoman basta’t nag-post. Hindi sila ang mag-a-announce, walang alam ‘yan. Kami ang mag-a-announce. Sa kasalukuyan, ngayong araw na ito, walang pagbabago. Iyon lang. Thank you.

 

— END —