Interview

Media Interview by President Ferdinand R. Marcos Jr. following the Inauguration of the Malitubog-Maridagao Irrigation Project Stage II


Event Media Interview in Pikit, Cotabato
Location Pikit, Cotabato

PRESIDENT MARCOS:…Ang pagbigay galing PhilMec, kukuha tayo ng makinarya ng mga equipment, na farm equipment. Kasama na diyan ‘yung tractor, ‘yung mga post-harvest facilities para maging mas maganda ang hanapbuhay ng ating mga farmer at hindi na sila masyadong nag-aalala at mas mababa pang production cost para mas malaki naman ang kita nila.

This is the same thing that we’ve been trying to do all around the country. And it, NIA has been key in providing us or preparing us for El Niño.

If we did not do anything for El Niño, starting late last year, inumpisahan namin ito mga November.  Noong sinabi ng Pagasa sa amin na talagang magkakaroon ng El Niño at medyo malala. Mula noon ay sabi ko, i-prioritize na natin ‘yung mga irrigation systems, ‘yung mga dam, ‘yung mga SWIP [Small Water Impounding Project], ‘yung mga lahat ng mga koleksyon ng tubig para mapaghandaan natin.

Kaya’t kahit papaano the irrigated areas, syempre bababa ang ani natin dahil walang tubig. Ngunit, sa mga area na may patubig mas tumaas ang production rate natin. Mas malaki ang mga tons per hectare sa mga irrigation dahil marami tayong bagong ginagawa.

So, ang susi talaga rito ay palawakin ang irrigation system. At ‘yun ang ginagawa natin. Isang magandang halimbawa itong ating binuksan ngayong araw.

Q: Good afternoon po, Mr. President.

PRESIDENT MARCOS: Good afternoon.

Q: Congratulations po sa lahat ng ating stakeholders, agencies, congratulations din po kay Governor Mendoza. Sir, kaunting shift muna tayo, sir, sa usapin po ng kuryente.

Sir, recently the NGCP posted po ng yellow alert in Mindanao grid. How focused is your leadership po in monitoring the electricity situation in the country na hindi po ito artificial crisis po? Then what’s the mandate po doon sa mga concerned agencies?

PRESIDENT MARCOS: No, it definitely is not an artificial crisis dahil talagang the power systems are overloaded.

Ang naging consumption natin biglang tumaas talaga, because of the, dahil napaka init.

Kaya’t nakabantay kami nang husto kaya’t naman nagkakaroon ng problema sa mga iba’t ibang systema kaya naming tinututukan.

At ‘yung pagtaas ng, mayroon kaming mga plano, mga strategy para hindi na mag-taas ng presyo ng kuryente. At least for now, in this crisis time.

Dahil patuloy, so, tuloy-tuloy dahil nga demand and supply, pataas nang pataas ang presyo so, gagawan natin ng paraan para medyo ma-control nang mabuti ‘yan.

So, that’s, those are the things, well sa NGCP patuloy ‘yung ating sinasabi sa kanila na magtayo na sila noong mga, kanilang mga transmission lines na matagal nang inaantay, pati ‘yung mga submarine cables ginagawa na natin para naman kapag may kuryente sa ibang lugar na excess capacity ay pwedeng dalhin sa ibang lugar na kulang naman.

Kaya’t ito ang aming, matagal na, matagal na dapat ginawa ito, pero na, nakaligtaan yata ng mga iba. Ngayon lang namin, ngayong lang tayo naghahabol.

But, that’s the, we’re continuing to monitor the power supply. We’re continuing to monitor the price and we’re continuing to encourage and to endorse all of the programs of NGCP so that they will increase the coverage of their transmission lines all over the country.

Q:  Ano po ang plano ng pamahalaan sa inaasahang pa-gbaha sa mga low-lying area po ng Cotabato province at Maguindanao na sa mga panahon na may banta po tayo ng La Niña?

PRESIDENT MARCOS:  Ay wala tayong ibang magagawa kung hindi talaga, eto,  ang naging sistema ngayon. Dati ang ginagawa natin pang irrigation yan. Ito para sa tubig, ito para sa hydro. Ngayon nagbago na ang pagpa, ang approach. Ang approach ngayon, lahat ng ginagawa na ito kung mayroong isang kasama d’yan ang irrigation, kasama d’yan ang fresh water supply. Kasama d’yan ang flood control at kasama na d’yan yung patubig nga para sa mga magsasaka.

Power din kung kaya, maglalagay tayo kahit mga mini-hydro lang o kung hindi papatungan natin ng solar. Kaya’t marami tayong maaring gawin. Maraming magandang teknolohiya na bagay dito sa problema natin at yun ang pinag-aaralan namin. Ngayon mayroon na kaming mga na-implement na tungkol d’yan.

So, ang, ‘pag nag lagay ng dam ngayon, hindi lang dam na para sa tubig na para sa households ‘yan. Patubig ‘yan para sa households, patubig para magsasaka, flood control na rin ‘yan.

At kung kaya gagawan natin ng, gagawin natin ng solar, lalagayan, papatungan natin ng solar o puwede i-hydro, hydro-electric power natin.

At dagdag pa doon yung solar nilalagyan pa namin ng isda para mayroon naman, ‘yung mga irrigators’ association, sila ‘yung may ari sila ang kukuha niyan para mayroon silang additional, additional income.

So, nagbago na talaga ang approach sa flood control, sa irrigation, at lahat. Kaya’t ‘yun ang sinusundan namin ngayon. Thank you. Maraming salamat

 

—END—