PRESIDENT MARCOS: Good morning, everyone. Good morning. We have just finished the briefings, first in San Fernando, and then now here, on the situation from the floods that were brought about well mostly by Egay, but also Falcon.
At tiningnan namin kung anong sitwasyon, talagang malaki masyado ang tubig. Lumalabas talaga ‘yung mga nagiging effect ng climate change. [Come join us here dito sa…]
Epekto ng climate change, talagang kailangan natin pag-aralan at maunawaan kung ano ‘yung maaari natin gawin, dahil mahirap labanan ‘yung weather, kailangan mag-adjust tayong lahat and we have to do many things.
But marami kaming mga strategies. Mabuti naman at mukha namang nagkakaunawaan both at the local level at saka sa national level tungkol sa mga maaaring gawin na proyekto para hindi na sana maulit ito, kung matapos natin ‘yung mga proposal na ganun.
Anyway, I’ll open the floor now.
Q: Magandang umaga po, Ginoong Pangulo.
PRESIDENT MARCOS: Maganda umaga.
Q: Iyon pong pagbaha namin dito po sa Bulacan ay dekada na po ang binilang ano po, sa inyo pong panahon, ano po ‘yung long-term plan para po maibsan po ‘yung problema ng pagbaha dito po sa aming probinsya ng Bulacan at karatig lalawigan po ng Pampanga po at Bataan?
PRESIDENT MARCOS: Iyong matagal ng pinaplano na maglalagay ng mga impounding project na maglalagay ng — kung saan iipon ‘yung tubig para hindi na bumaba sa ilog at hindi mapuno ang ilog kagaya ng nangyayari ngayon.
So ‘yun ang long-term na kailangan gawin. Matagal ng plano ito, hindi lang talaga na-implement pa, pero sisimulan na namin. Pinaka-simpleng solusyon diyan ay makapaglagay nga ng — gagawa tayo ng mga pond na large-scale na ang pinag-uusapan.
Hindi na ‘yung maliliit. Hindi na SWIP. SWIP, five, 10 hectares ‘yung SWIP, ito times 10, siguro mga hanggang 200 hectares na malaki para pag-ipunan ng tubig hindi na bababa at bukod pa doon ay magagamit natin for irrigation, fresh water supply, kung ano man ang pangangailangan natin sa tubig.
So, ito’y buong plano, ito’y kasunod sa ating mga bagong pag-iisip na ang flood control ay hindi lamang flood control na. Ang flood control ay kasama diyan ang irrigation, sa supply ng irrigation na tubig para sa irigasyon.
At kung minsan, kung medyo mataas ang pinanggalingan ng tubig baka puwedeng lagyan ng power kaya’t marami tayong mga iniisip na strategy para mabigyan naman, matugunan naman natin itong paulit-ulit na problemang ito.
Q: Hi, sir. Ano po ang gagawin nating solusyon sa NLEX sa Pampanga? Mayroon po ‘yung papataasin ang tulay sa NLEX San Simon at water impounding area po sa Candaba.
PRESIDENT MARCOS: Iyong water impounding ay ‘yung matagal ng plano rin ‘yan na dadalhin ‘yung tubig sa Candaba Swamp. Hindi naman ilulubog ‘yung buong Candaba Swamp kung hindi doon lang sa —- maghahanap lang ng isang area doon kung saan puwedeng ilagay.
Iyong sa NLEX, ang naging problema sa NLEX, hindi ‘yung NLEX ang nagka-problema, kung hindi nagkatubig talaga. Hindi naman nasira ‘yung NLEX. Kaya’t ang gagawin ang naging measurement ay tumaas ang tubig ng 0.7 meters, 700 centimeters. 0.7 meters na tumaas.
Kaya’t itataas na ngayon ‘yung tulay na ‘yun, ‘yung NLEX ng 0.7 meters plus 4.5 meters para hindi na talaga maabot. So, bale lahat-lahat 5.2 meters ang itataas doon sa section na ‘yun ng NLEX.
Q: Good afternoon, Mr. President. Parang kapareho lang din po nung tanong nila. Kasi Governor Fernando pushes for construction of a mega dike to solve the flooding problem. Pero sabi niyo nga po, matagal na rin itong mga plano. Ano na lang po ‘yung commitment ninyo na under your administration finally ay magagawa or masisimulan itong mga pagtatayo na ito?
PRESIDENT MARCOS: One of the first steps na ginawa natin diyan ay nagtayo tayo — naglagay tayo ng Office of Water Resources Management is the complete title, which is under the Office of the President.
Iyan ay nasa ilalim niyan ang management ng lahat ng tubig natin. Tubig natin na iinumin natin, tubig na pang-irrigation, tubig para sa iba’t ibang bagay. Lahat ima-manage niyan para hindi na masyadong… Dahil nagbago talaga lahat.
Isa sa pinakamahirap na ipaliwanag dahil napakahirap, napakasakit pakinggan ay ito na, ganito na talaga ito. Hindi tayo babalik. Dahil sa climate change, hindi na talaga tayo babalik sa dati. Iyong mga inaasahan nating mga wet season, dry season mukhang hindi na masyadong applicable ‘yan ngayon dahil nga sa climate change.
Tingnan na lang natin, sa ngayon, ngayong araw na ito, tayo ay technically nasa ilalim — we are in El Niño pero tingnan niyo naman ‘yung ulan, tingnan niyo ‘yung baha. Kaya’t talagang hindi na natin ma-predict, hindi natin ma-forecast ang weather.
Kaya’t paghandaan na natin. And that’s what the resources management is about. Bukod pa doon ay ‘yung nagtayo kami ng office na ganun dahil kailangan na kailangan nang pag-isipan, mag-plano at gumawa ng mga pag-aaral tungkol dito sa water management.
Ngunit, ang talagang inaantay namin ay magkaroon ng Department of Water Resources Management na hindi pa naisasabatas pero naka-file na sa Senado at saka sa House na itatayo ‘yung Department of Water Resources Management.
Iyon ang mamamahala diyan sa lahat ng mga impounding project na ating pinag-usapan. Hindi lamang ‘yung mga impounding, pero lahat ng — magbabago tayo. Marami tayong babaguhin. Hindi na tayo dapat kukuha ng tubig sa balon. Dapat kumukuha tayo ng tubig sa ilog. Dapat pag umuulan kinukolekta natin ‘yung tubig dahil hindi naman tuyo ang Pilipinas eh. Pero nagtutuyot tayo dahil hindi tayo nag-iipon ng tubig. Kaya’t ‘yan kailangan matuto na tayo at ganyan ang problema na hinaharap natin dito nga sa climate change.
Q: Ano po ang magiging tugon ng pamahalaan sa pinakahuling insidente kung saan ang isang Chinese Coast Guard vessel ay binomba po ng tubig at pinigilan ang resupply mission sa Ayungin Shoal?
PRESIDENT MARCOS: Well, the usual. Ang ating Secretary of Foreign Affairs ay pinuntahan si Ambassador Huang ngayong araw at nagdala ng isa pang note verbale kasama na ang mga picture, mga video kung anong mga pangyayari. At titingnan natin kung ano ‘yung kanilang magiging sagot.
Ngunit, sa atin, actually today, pagkatapos ng change of command ng CGPA ay magkakaroon kami ng command conference tungkol nga dito on how we will respond.
But as you can imagine, ayokong pag-usapan ang operational aspects niyan. But, we continue to assert our sovereignty. We continue to assert our territorial rights in the face of all of these challenges and consistent with the international law and UNCLOS especially.
So, that has always been our stand. But we still have to keep communicating with the Chinese government, with President Xi, with Beijing. We still have to keep communicating with them because we need to really come to a conclusion.
Siyempre, ang position ng China, sinasabi nila: Kami ang may-ari nito kaya pinagtatanggol namin.
Tayo naman, sinasabi: Hindi, kami ang may-ari nito kaya ipinagtatanggol namin.
Kaya’t ‘yun ang nagiging gray area ngayon na pinag-uusapan. Kaya’t kailangan natin… Buti na lang wala namang nasaktan, walang injury ngunit magkukulang ang resupply na dinala sa Sierra Madre ngayon kaya’t kailangan natin isipin what we will do next.
Q: Mr. President, puwede ko na rin pong isunod ‘yung tanong kung ano ho ang nireport sa inyo ni dating Pangulong Duterte tungkol sa naging pag-uusap nila ni President Xi? At bakit po naulit ang ganitong insidente?
PRESIDENT MARCOS: I don’t think it’s related. I don’t think this is related to his visit. Wala naman. Pinag-usapan lang kung ano ‘yung pinag-usapan nila. Nagkuwentuhan sila. Of course, there are other things na napag-usapan which I think need to remain confidential. That’s between President Digong and myself. So, again, these are operational aspects of our military, of our Navy, of our Coast Guard kaya’t mahirap masyadong pag-usapan. So, I hope you will indulge me.
All right. Sige. Maraming salamat. Thank you.
— END —