Interview

Media Interview by President Ferdinand R. Marcos Jr. in Oriental Mindoro


Event Media Interview
Location Pola, Oriental Mindoro

Q: Mr. President, based po doon sa briefing earlier, ano na po ‘yung latest situation ng oil spill sa mga apektadong lugar sa Oriental Mindoro?

PRESIDENT MARCOS: ‘Yung oil spill mismo, malaki na naibawas sa pagsingaw ng oil. Pero nandiyan pa rin ang ating Coast Guard at binabantayan nang mabuti at ngayon nandoon na tayo sa phase na ginagawa na ay ‘yung mga leak doon sa barko ay sinasara na.

Ang susunod diyan, hihigupin kung ano pa ‘yung natira doon na oil, natira doon sa loob ng barko, nandoon pa sa loob ng barko.

Mas mahaba, pinag-usapan namin ay kung ano ‘yung magiging livelihood dahil matagal pa siguro bago makapangisda ulit dahil ‘yung dagat ay hindi pa maganda ang sitwasyon, hindi pa [na-clean?].

So kailangan, sabi namin, papaano ang mga livelihood. So ‘yan ang ngayon ang gagawin natin, ‘yung DOLE, may ginagawa nang [retraining?] at ‘yung DTI kung ano ‘yung mayroon.

Mayroon na silang mga tinutulungan dito na MSME na puwede pa nilang pagandahin ang — palakihin ang investment nila para doon sa mga small businesses.

At tuloy-tuloy pa rin. Ang problema sa water supply. ‘Yun talagang tinutukan namin. Ang isang naisip namin na maaring gawin para talagang mabilis na makabalik ang mga mangingisda ay hihingi tayo ng permiso sa ibang bayan sa kabila, sa kabila ng isla at hihingi tayo ng permiso para makapangisda ‘yung mga tiga-dito, ay makapunta na doon.

Nasa municipal waters na ng ibang bayan eh. Kaya’t kailangan mag-permiso.

Q: [inaudible] doon po sa apat na alternative na fishing areas?

PRESIDENT MARCOS: Oo, ‘yun ‘yun. Actually, there are several. Pero there are two problems.

One, municipal waters nga ng ibang bayan. Kaya’t kailangan magkaroon ng usapan tungkol diyan, ‘yan ang gagawin ngayon ni Secretary Benhur Abalos. Kakausapin ‘yung [inaudible] na ‘yung mga hindi pa makapangisda ay makapunta roon sa kanila.

‘Yung iba naman na possible fishing grounds, malayo naman kaya’t kailangan natin isipin na maghanap ng mas malaki na bangka para makalaot sila naman, mas malayo-layo.

Q: So tiis-tiis lang po muna ‘yung mga magsasaka natin habang may [inaudible]?

PRESIDENT MARCOS: I’m sorry.

Q: Mangingisda pala. Tiis-tiis lang po muna sila?

PRESIDENT MARCOS: Ano? Ano? Magsasaka muna sila.

Q: [inaudible]

PRESIDENT MARCOS: Yes, yes? Hello.

Q: Mayroon ho ba kayong proyekto para masolusyunan ‘yung manipis na power supply dito sa [inaudible] partikular po sa [inaudible]?

PRESIDENT MARCOS: Malaking problema dito ‘yan sa Mindoro. Kayo ang pinaka-ano, pinaka-kulang. ‘Yung inaasahan namin ay ‘yung mga submarine cable kasi may mga area na malapit naman dito na may surplus.

So puwede tayong kumuha doon. Pero ginagawa palang ‘yung mga submarine cable.

[inaudible] maghahanap na tayo ng renewables, mayroon daw renewables na puwede ilagay dito. Siyempre ‘yung solar, kahit saan sa Pilipinas puwede naman natin gamitin, ‘yung wind power, pinag-aaralan nila baka puwede rin dito.

Para hindi na tayo — hindi na umaasa ang Mindoro sa ibang lugar para sa kanilang kuryente.

Q: May isa pa po akong follow-up question. Kailan po kaya magkakaroon ng proyekto ng pabahay at saka ‘yung Kadiwa para po sa [inaudible]. Dito po kaya sa Mindoro, magkakaroon?

PRESIDENT MARCOS: Well, we have to get — kailangan malampasan muna natin itong problema sa oil spill. Ayusin na muna natin ‘yan.

Patuloy naman ‘yang mga pabahay, patuloy naman ‘yan eh. Hindi ma — basta’t magkaroon ng MOU ang LGU at saka ‘yung Department of Human Settlements ay makakagawa tayo ng housing.

Pero ang priority talaga sa ngayon is the effects of the oil spill at ano ‘yung gagawin ng ating mangingisda na kasunod habang nag-aantay sila ng mga isda.

Thank you.

Q: Hi, sir.

PRESIDENT MARCOS: Oh, hi.

Q: Kat Domingo from ABS-CBN. Sir, in March you had an interview, you said you expect the cleanup to finish in four months? Is there a new deadline, first, with the cleanup and second on how the government plans to deal with the ship contractor, sir?

PRESIDENT MARCOS: Oh. The second part first. The ship contractor, we are cooperating. At lahat naman ng ating hinihingi sa kanila ay sinasabi na — they take responsibility for what happened dahil dito sa oil spill.

So I think that we will be — I think that maayos naman. I have — we… Of course, initially, hindi tayo nakakasiguro kung ano ba talagang nangyari.

But now that we know, as I said, the shipowners have taken responsibility for it and they will compensate ‘yung ating mga tinamaan.

Q: Sir, and then ‘yung deadline for the cleanup po?

PRESIDENT MARCOS: There’s no deadline for the cleanup. I cannot make a deadline for the cleanup. If the wind changes, iba na naman ‘yung timing. So it’s useless for anybody to say the deadline is this, this day or that day.

But the — there’s really not much more that we can do in terms of controlling the oil spill.

What we are now most concerned with is the cleanup in terms of the actual beaches and the actual oil that landed on to the shoreline.

So ‘yun ang patuloy na ginagawa, ‘yun ang naging cash-for-work for awhile.

But again, pabawas na nang pabawas ‘yung lumalabas na langis. At pag nagawa na natin na naisara na natin lahat nung nag-leak doon sa barko at nahigop na natin ‘yung natira na langis doon sa loob. Tapos na ‘yung operation doon sa pag-control ng oil spill.

Ngayon, papunta na naman ‘to sa — babalik na naman tayo sa livelihood. Cleanup sa mga beach, sa mga shoreline. Pero ang critical ngayon ay walang hanapbuhay pa ang tao, ‘yun ang inuuna namin, na magkaroon ng livelihood.

So the oil spill, we are at the mercy of the weather. At the mercy… Buti na nga nag-amihan na, kaya’t medyo — hindi na… ‘Yung inaalala natin na talagang papasok ay hindi naman masyado.

Ngunit, may tama pa rin and there are many affected barangays. And that’s what we are trying to do. We are trying to find alternative livelihood for them until they can go back to their old fishing grounds.

Okay? Thank you.

— END —