Interview

Media Interview of President Ferdinand R. Marcos Jr. following the Distribution of Various Government Assistance


Event Media Interview
Location Mandaue City, Cebu

PRESIDENT FERDINAND R. MARCOS JR.: Good afternoon. Magandang hapon.

PCO SECRETARY CHELOY VELICARIA-GARAFIL: Sir, ang dami niyong lakad dito ngayon sa Cebu.

PRESIDENT MARCOS: Sorry?

SEC. VELICARIA-GARAFIL: Ang dami niyong lakad sa Cebu, sir?

PRESIDENT MARCOS: Marami siyempre – because matagal nang hindi pala ako nakabalik dito since – since noong eleksyon kaya’t sinamantala ko na na lahat ng buong araw pinuno natin habang nandito sa Cebu.

At saka marami tayong importante na ginawa ‘yung groundbreaking doon sa Rapid Bus na ginawa natin sa Rapid Bus System para sa Cebu City, tapos ‘yung groundbreaking para sa pabahay, at ngayon ito.

At bukod pa roon ay ito na ‘yung naging first chance ko na magpasalamat sa mga Cebuano sa kanilang tulong at suporta noong nakaraang halalan. So thank you all very much.

Q: Sir, good afternoon. Sir, since you assumed office eight months ago you promised that you will deliver one million housing units every year. With four months left, is it still achievable? How are you going to address the problem sir na some of the housing beneficiaries are selling their housing units or pinapaupahan?

PRESIDENT MARCOS: Well, that is an old pro – ‘yung sa second part ano. Matagal na talaga na problema ‘yan but marami tayong ginawang sistema na hindi transferable ‘yung pag-aari nung tahanan — ng tirahan.

And kung kaya nila na ipa-rent out hindi nila kailangan ‘yung tirahan. Ibibigay na lang natin doon sa whoever is — kung sinoman talagang nangangailangan na wala silang ibang titirahan at hindi nila pwedeng ipaupa ‘yung ating ibinigay na bahay sa kanila o ‘di ‘yung tahanan para sa kanila.

Ngayon ‘yung isa ang latest ay palapit na tayo sa 600,000 na sa groundbreaking ang potential na ‘pag natapos lahat ng ginround break natin sa housing at sa ngayon that is the potential of 600,000 units kasi kadalasan hindi na bahay at lupa kung hindi high rise or mid-rise na.

So siguro baka – basta ang target talaga namin one million a month – ah a year, one million a year. Basta’t gagawin namin para paabutin. Kung hindi tayo makahabol this year, eh papaspas natin ‘yung mga next years para ‘yung average natin one million a year pa rin.

Q: Good afternoon, Mr. President. I’m Nico sir from GMA. Still about the housing, Mr. President. ‘Yung kanina you broke ground the housing project here in Cebu, sino po’ng mga beneficiaries, Mr. President? How can they avail? Maga-apply ba ‘yung mga interested diyan? And ano pong standing order niyo sir sa DHSUD? How do we address the increase of the number of informal settlers sa mga metropolitan areas like Cebu?

PRESIDENT MARCOS: Well, it’s really that’s the only – the only solution to informal settlers is housing. There is really no other way to solve that problem. Kasi kung talagang – kahit anong gawin mo kung walang tirahan ang tao eh magiging informal settler siya.

Kaya napakaimportante nitong ating ginagawa ‘yung pabahay na parang gusto natin paabutin nga ng ganoon karami dahil ‘yun ang kakulangan… Noong umupo itong administrasyon na ito, ang kakulangan ng bahay is about 6 million, umabot na sa 6 million. Kaya’t iyon ang talagang hinahabol namin.

Who will qualify for this? Who will qualify? Lahat ng – this is all for those who are – ‘yung mga basta’t may kaya na makapagbayad doon sa ano but siyempre pagbibigyan pa natin ‘yan. Marami pang proseso niyan because precisely hindi nga sila nakaka – hindi nga sila – wala silang kaya kaya’t hahanapan namin ng mga paraan para siguro puwedeng i-delay nang kaunti ‘yung pagbayad. Titingnan natin maraming mga scheme ang ginagawa ngayon ng Human Settlements.

All right. Is that it? Okay sige maraming salamat. Thank you very much. Daghang salamat.

 

— END —