Interview

Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque announces new IATF guidelines


SEC. ROQUE: Magandang umaga po! Balitang IATF po tayo ngayon.

  • Pinayagan ng inyong IATF na lumabas sa outdoor areas ang mga bata, ating mga chikiting ‘no, na may edad limang taon at pataas sa ilalim ng Modified General Community Quarantine or General Community Quarantine liban sa mga heightened restrictions.

Ano ba ang outdoor areas? Ayon sa IATF:

  • kasama dito ang mga parks;
  • playgrounds;
  • beaches;
  • biking at hiking trails;
  • outdoor tourist sites at attractions ayon sa Department of Tourism;
  • outdoor non-contact sports;
  • sports courts at venues
  • at al fresco dining establishments na matatagpuan sa ating binanggit na mga lugar.
  • Ang mixed use indoor/outdoor buildings at facilities tulad ng malls at tulad ng establishments ay hindi kasama sa pinayagang outdoor areas para sa mga bata.

Dagdag pa rito, ang mga bata ay kinakailangan na nababantayan ng mga adults at kinakailangan din nilang mag-observe ng minimum public health standards katulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing. Maaaring taasan ng local government units ang nasabing age restrictions ng mga bata ayon sa COVID-19 situation sa kanilang lugar.

  • Pinayagan din ng IATF ang special commercial flights para makauwi ang stranded Filipinos sa Oman, Dubai, Abu Dhabi, at ba pang bansa na mayroon tayong travel restrictions. Ang special commercial flights na mga subjects sa guidelines tulad ng pagkakaroon ng special working group para matukoy ang implementing protocols para sa special commercial flights in coordination with the concerned airlines.
  • Ang SWG ay binubuo ng Department of Health, Bureau of Quarantine, Overseas Workers Welfare Administration, Department of Foreign Affairs, Department of Transportation at ang one-stop Philippine Coast Guard, Department of Tourism. Kailangan ng prior approval mula Special Working Group (SWG) ang mga special commercial flights na ito na eksklusibo para sa mga Pilipino. Kailangan din sundin ang guidelines on the implementation of exemptions for the Philippine Government and non-Philippine government repatriations.
  • Sa pagpupulong din kahapon ng IATF ay nilinaw ang allowed movement of fully vaccinated individuals sa Resolution 124-B. Patuloy na pinapayagan ang intrazonal movement ng fully vaccinated senior citizens sa mga lugar na nasa GCQ at MGCQ. Kailangan lang nilang magpakita ng COVID-19 vaccination card na inisyu ng isang lehitimong vaccination establishment or authority whether local or foreign or certificate of quarantine completion na nagpapakita ng vaccination status na inisyu ho ng Bureau of Quarantine whichever is applicable.
  • Samantala, para naman sa interzonal travel ano, pinapayagan sa ilalim ng mga resolution ng IATF at omnibus guidelines as amended, maaaring tanggapin ng mga LGU ang COVID-19 vaccination card na inisyu ng lehitimong vaccinating establishment or authority whether local or foreign o ang certificate of quarantine completion na nagpapakita ng vaccination status na inisyu ng Bureau of Quarantine whichever is applicable bilang alternatibo sa RT-PCR testing requirement ng LGU.
  • Dahil ito po ay bilang alternatibo, pupuwede pa rin pong mag-require ang ilang mga LGUs ng RT-PCR. Ang vaccination cards na ito ay sapat na katibayan ng pagbabakuna at sinuman ang magprisinta ng pinekeng vaccination cards ay mananagot sang-ayon po sa batas, may kulong po iyan.
  • Inamyendahan din ng inyong IATF ang pertinent provision ng Resolution 124-A na nagbibigay otoridad sa ating Philippine Overseas Labor Office (POLO) na i-verify ang vaccination status ng asawa, mga anak, at mga magulang ng mga overseas Filipino workers na kasama nilang bumibiyahe.
  • Samantala, pinayagan ng IATF ang pagsasagawa ng Foreign Service Officers Examination oral test sa July 28-30, 2021 para sa 26 examinees na gagawin sa iba’t-ibang venues ng Department of Foreign Affairs building.
  • Pinayagan din ang pagho-hold ng Binibining Pilipinas 2021 Coronation Night sa Smart Araneta Coliseum na mahigpit na magpapatupad ng health at safety protocols. Lahat ng mga kalahok at mga bisita ay kinakailangang sumaillaim sa COVID-19 RT-PCR tests 48 oras bago ang event.

Iyan po ang latest sa inyong IATF. Magandang araw po at mula po dito sa Samar kung saan magkakaroon po kami ng inauguration ng Imelda Park kasama si Governor Michael Tan.

Magandang araw, Pilipinas!

##


News and Information Bureau-Data Processing Center

 

Resource