SEC. ROQUE: …(coverage cut)..pero gasgas na po talaga itong isyu ng diumano’y tagong yaman ni Presidente Duterte.
Q: Ang sinasabi po ni Senator Trillanes ang issue lang naman daw kung bakit hindi niya pupuwedeng isa-Ombudsman is because iyong AMLC ayaw i-release iyong accounts. Iyong take niya baka daw may kinalaman dito iyong chief ng AMLC dahil appointed daw siya ni Presidente. Sir, is there really a connection sir?
SEC. ROQUE: Hindi po totoo iyan dahil ang Ombudsman po may kapangyarihan na buksan lahat ng bank accounts. Huwag po nating kalimutan noong panahon ng Impeachment ni Chief Justice Corona, wala naman humingi sa Ombudsman, Ombudsman mismo ang nagbukas ng account ni Chief Justice Renato Corona. So kung gugustuhin po ay siguradong nagawa na rin siguro, nakita na po siguro iyan ng Ombudsman, kung ano ang mga bank accounts ni Presidente Duterte. Huwag na po nating buhayin ang patay. Patay na po iyang isyu ng diumano, tanging yaman ni Presidente Duterte.
Q: Sir just follow up lang po on the issue sir, may argumento kasi sir, na since humingi ng sulat or mga update ang OSG sa ODO ay proof of records iyan na unconstitutional iyong pagkakasibak kay ODO Carandang po kasi sa kaniya pa rin daw po nagpadala ng sulat for update?
SEC. ROQUE: Wala pong basehan iyan kasi in the first place, ang Presidente po through the Executive Secretary, ang siyang naglagay under preventive suspension kay Overall Deputy Ombudsman Carandang. So tingin ko po iyong tinatawag nilang estoppel hindi ho pupuwedeng mangyari iyan dahil hindi naman po si Executive Secretary iyong sumulat sa kaniya.
Q: Sir iyong sa meeting po sa envoys and Ambassadors, you said that the President assure them he is committed to peace. Anong ibig sabihin nito sir, the President now is thinking of resuming the peace talks?
SEC. ROQUE: No, the President just said that he is committed to peace. Ang in-explain naman po ni Presidente na talagang parang wala ng kinabukasan ngayon ang peace talks dahil nga po walang sinseridad ang CPP-NPA pagdating sa usaping kapayapaan.
Q: So ano po ang ibig sabihin sir ng commitment niya (off mic).
SEC. ROQUE: Well hindi po kasi puwedeng makipag-usap sa mga tao na hindi naman nakikipag-usap ng tapat. Iyon lang po iyon.
Q: So parang balewala na sir iyong [inaudible]?
SEC. ROQUE: Well lahat po tayo ay nagnanais na magkaroon ng kapayapaan gaya ng nasabi ko na dati, hindi ko po nakikita sa NPA at kinakailangan makakita po ng sinseridad sa hanay po ng CPP-NPA.
Q: (off mic).
SEC. ROQUE: Ngayon po wala muna kasi nga po hindi naman titigil ang putukan. Nakikipag-usap ng putukan, tina-target pa rin ang mga kasundaluhang mga Pilipino! So sa ngayon po ay bakit pa po makikipag-usap ng kapayapaan kung ayaw naman magkaroon ng kapayapaan ang CPP-NPA. Ngayon po tuloy po ang labanan!
Q: Sir, another issue. Tungkol sa niluluto po na malawakang protesta sa Feb. 23 and 25 [inaudible]?
SEC. ROQUE: Hindi po, in fact imbitado ako doon sa EDSA Shrine dahil ako pala ay nakaupo bilang isang director doon sa isang organisasyon na responsible sa commemoration. Nandoon po ako, kung talagang naimbita ako.
Q: (off mic).
SEC. ROQUE: Well alam ninyo po kasi—sandali po ha, mayroon po ako talagang note diyan, hindi ko kasi nagamit iyong notes ko diyan. So let the—naku ang daming notification. Pero ang pagpapangalan po hindi po ibig sabihin na palibhasa nagbigay ng pangalan doon sa underwater feature ay sila ay inaangkin nila iyon. Uulitin ko po, wala pong kontrobersiya na ang tanging Pilipinas lamang ang mayroong sovereign rights diyan sa Philippine Rise—ay tinatawag lang po nating Philippine Rise iyan. Huwag naman pong masamain ng ating mga kaibigang Tsino kung papalitan din natin ang pangalan diyan at bibigyan nating pangalan Pilipino iyan.
Tayo po ay nagiging consistent lamang, hindi po iyan Benham Rise, hindi po iyan isang Tsino na pangalan, maglalagay po tayo ng pangalang Pilipino. Now siguro po alam ninyo naman ang nangyari diyan, mayroon po kasing proseso na sinusunod at doon sa prosesong iyon na hindi naman kasali ang Pilipinas ay diyan nagsumite po ang bansang Tsina ng mga pangalan na gusto nila. Ang masama po diyan ay hindi naman tayo nabigyan ng notification dahil hindi tayo miyembro. So hindi lang po Pilipinas ang tumututol sa ganitong patakaran. Marami pong bansa na hindi rin miyembro niyang body na iyan ay tumututol.
SEC. ROQUE: Bakit kayo lang ang nagbibigay ng mga pangalan? Dapat iyan pinagbibigay alam doon sa mga tinatawag na coastal states at naniniwala po kami na kapag nagkaroon naman talaga ng isyu kung dapat bang kilalanin itong mga pangalan na ito ay makikipagkapit-bisig ang Pilipinas doon sa iba pang mga bansa na walang kakayahan na magdiskubre ng ganitong mga feature, na ipaglaban na walang karapatan ang mga malalakas na bansa na sila lamang po ang nakakapagbigay ng pangalan sa ganitong mga geographic feature—not geographic but geological feature.
Okay? So it’s a blower’s pout isyu rin po. Hindi lang ang Pilipinas po ang maiirita sa ginagawa ng mga bansa na may kakayahan na magkaroon ng mga explorations, iyong mga iba rin pong mga developing country, ganoon din po ang reklamo. Dahil po sa pagpapangalan ay nakadepende doon sa kakayahan na mag-conduct ng siyensiya at mga exploration, ay talagang tanging mga mayayamang bansa lamang ang makakapagbigay ng pangalan. So tingin ko po ito ay maghuhudyat na baka Pilipinas pa ang mamumuno na dapat maging patas pati doon sa pagbibigay ng pangalan sa mga geological feature.
Q: (off mic).
SEC. ROQUE: Well hahayaan ko po iyan desisyunan ng Department of Foreign Affairs at hindi po gaya ng mga nakalipas na araw na wala si Secretary of Foreign Affairs Allan Cayetano, nariyan na po siya. So ngayon po pupuwede ko ng sabihin na, ‘Hahayaan kong si Secretary Cayetano ang sumagot diyan.’ Pero sa atin po ang paninindigan ng Palasyo, hindi po tayo papayag, tayo po ay nagpahiwatig ng ating objection. Iyan po ay na discuss doon sa nakalipas na bilateral conversation meeting natin at tayo po ay naninindigan na tayo ang magbibigay ng pangalan dito sa limang underwater features na ito.
Q: (off mic).
SEC. ROQUE: Alam mo if I’m not mistaken 2004 kasi, in 1999, I became head of—in 2001 I just said I became head of the UP Business of International Legal Study. And it was my institute that pioneered the gathering of scientific data so we could make a claim to the Extended Continental Shelf. Ang ibig sabihin ko po ng 2004, parang sigurado po ako wala pang division ang Continental—ang UN Commission on the Extended Continental Shelf kaya sila nakapag-explore noong mga panahon na iyon, dahil the award came later than 2004. I’m almost sure, 2004 ay nangangalap pa lang kami ng impormasyon sa tatlong area kung saan tayo ay dapat magkaroon ng submission dati po kasi tatlong area iyan, Benham Rise, Scarborough at Spratly. At I also have to acknowledge that this was an undertaking of the UP system.
We just took the initiative in the institute of international legal study for the UP needs, iyong geological institute at saka iyong [unclear] were pivotal in this undertaking. And I’m very happy that it was because of this initiative that we will able to file the claim for Extended Continental Shelf. So but in any case ang sagot ko po diyan iyong time na 2004 wala pa pong award sa Pilipinas na Extended Continental Shelf siya na kinokonsider pa rin as part of the high seas and as part of the ocean floor na open for everyone to explore.
So iyon po ang dahilan kung bakit nauna sila na makapagdiskubre noong submerge sa geological feature na iyan. Pero ngayong may award na po ay huwag pong masamain ng ating mga kapatid, ng mga kaibigan na Tsino, hindi po pupuwede na tatawagin natin iyon gamit ang mga Tsinong pangalan. Although nakikita ninyo naman talaga naman pong malapit ang ating relasyon sa Tsina dahil ang mga kapatid natin na Filipino-Chinese ay isa sa dahilan kung bakit talagang importante itong pagkakaibigan natin sa bansang Tsina.
Q: (off mic).
SEC. ROQUE: UN Commission on the Extended Continental Shelf. Kaya po hindi tayo nakapagsampa ng claim diyan sa Scarborough at saka sa Kalayaan Group of Island kasi may rule ang commission na kapag mayroong dispute, hindi i-e-entertain-in ng Commission on the Continental Shelf. So doon lang tayo nakakapaghain doon sa walang dispute na Benham Rise, na Philippine Rise na tinatawag natin ngayon.
Okay? Well muli po, dahil kanina po wala sila nagpapasalamat po ang sambayanang Pilipino sa Filipino-Chinese Friendly Foundation at sa Lion’s Club sa ginagawa po ngayong mass bidding ang 10,000 na ating mga kababayan. At nagbibigay pugay po, ang ating Presidente ay nagpapasalamat sa kabutihang loob ng ating mga kapatid na Filipino-Chinese bagama’t itong katabi ko po ay malapit din ito sa Palasyo si Doctor Henry Lim Bon Liong, isang malapit—napakamalapit na supporter ng ating Presidente at saka si Bon Liong is our second envoy to China.
He is on his second appointment of Special envoy to China. Maraming salamat po sa inyo. Alam namin na ang mga ibang Filipino-Chinese ay nagdidiwang lamang sa araw na ito. Pero ngayon po minabuti ninyong maglingkod sa ating mga kababayan. Mabuhay po kayo. Maraming salamat po.
Q: Sir sorry, may pahabol lang sir for [unclear] pero nagkaroon kayo ng analysis ng Philippine Rise doon sa siopao, siomai, puwedeng i-elaborate po?
SEC. ROQUE: Alam ninyo huwag nating palakihin ang isyu na nagbigay ng pangalan ang Tsina doon sa mga underwater features na iyan. Marami namang mga pangalan na bigay talaga ang Tsina. Siopao, siomai, ampao, petsay, hototay pero lahat naman po iyan ay hindi ibig sabihin na sila ay nag aangkin. So ang importante po ang Tsina, kinikilala na sa Philippine Rise mayroon pong sovereign rights at tanging Pilipinas lamang ang mayroong sovereign rights sa lugar pong iyon.
####