
Sa aking mga kababayan, bago po kami umalis ng Maynila upang pumunta sa Amerika para bumisita, nag-official visit po tayo sa Pangulo ng Amerika, si President Trump, ay nabigyan ko na ng instruction ang lahat ng ating mga ahensiya na paghandaan ang naging baha dahil sa napakalakas na ulan.
Sinabihan ko na ang OCD, DOTr, DOH, DOST, DSWD, DPWH, DOE, at saka DILG at lahat pa ng lahat ng ahensiya na magtrabaho sila at mag-coordinate sila upang tiyakin na ligtas ang ating mga kababayan.
Ang mga relief goods ay nakahanda na, idini-deliver na doon sa mga area na nangangailangan. Iyong mga medical team kasabay na rin nung ating mga relief goods. At tinitiyak natin na mayroong transportasyon at siyempre ay tinitiyak natin na may sapat na suplay ng tubig, sapat na suplay ng kuryente, at lahat ito ay para sa pangangailangan ng mga naging biktima nitong pagbaha at malakas na ulan.
Pakiusap ko lang po sa inyo ay pakinggan ninyo po ang mga sinasabing advisory ng inyong LGU, ng national government, at pakisundan lang po para naman matiyak natin na hindi kayo malagay sa alanganin.
Nandito kami lagi upang magbigay ng lahat ng serbisyo na kailangan sa harap ng hamon ng climate change.
Siguraduhin natin mas lalo pang mapalakas ang kakayahan ng pamahalaan na tumugon sa ganitong klaseng sitwasyon.
— END —