News Release

Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr, Inilahad ang mga nagawa ng kanyang  Administrasyon para sa unang 100 araw sa kapangyarihan



Ipinresenta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Ilan sa mga nagawa ng kanyang panunumgkulan sa nakalipas na 1 daang araw sa kapangyarihan.

Sa inilabas na vlog ng Pangulo, kabilang sa nagawa ng kanyang Administrasyon Ang pagbabayad sa mga unpaid claims na special risk allowance sa mga health workers mula sa pribado at pampublikong sektor.
Ito ayon sa Pangulo ay may pondo na at naglabas na aniya aNg DBM ng budget ukol Dito na aabot sa 1.4 billion pesos.
Sa nakalipas na 100 days Sabi pa Ng Pangulo ay nakabalik na din Ang may 28 million learners sa face to face learning set up para sa school year 2022- 2023.
Pinalawig din Ang libreng sakay para sa mga estudyante habang sinimulan na ding palakasin ang ekonomiya sa pamamagitan Ng panghihikayat sa mga investors na mamuhunan sa bansa at Ang ginawang pagbiyahe niya aniya kamakailan sa ibang mga bansa ay isang mensahe sa buong mundo na bukas na uli sa pagnenegosyo ang Pilipinas.
Kaakibat aniya ng mga opisyal na pagbiyaheng ito sabi Ng Pangulong Marcos ay daan daang libong mga trabaho na naghihintay para sa mga Pilipino.
Kasama rin sa pinagtuunan ng pansin Ng kanyang 1st 100 days Sabi Ng Pangulo ay Ang pagtingin sa kapakanan Ng mga magsasaka sa pamamagitan Ng pagbibigay Ng dagdag pondo para sa high value crop program at pagtulong sa mga nasalanta Ng nagdaang mga bagyo habang ipinatupad din Ang pagsususpinde sa paniningil Ng amortization.
Isa din sa pinakamahalagang nagawa sa unang 1 daang araw ayon sa Pangulo ay Ang Bangsamoro Transition Authority na mahalagang hakbang tungo sa kapayapaan.| ulat ni Alvin Baltazar