Kumpiyansa si Kabayan PL Rep. Ron Salo na matutupad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang campaign promise.
Ito ay bunsod na rin ng kanyang matagumpay na unang 100 araw sa pwesto.
Ayon sa kinatawan, hindi gaano nabibigyang halaga ang first 100 days ng isang administrasyon.
Ngunit ang mga patakaran at polisiya na inilalatag sa unang isang daang araw ang magiging sandigan ng anim na taong pamumuno ng pangulo.
Pinapurihan ni Salo ang pagtatalaga ni Pang. Marcos Jr. ng competent na gabinete at pagpapasok ng trilyong halaga ng investment.
“By uniting the leadership and appointing competent cabinet secretaries, as well as gathering trillions in foreign investments, the President has set the momentum for the herculean task of fulfilling his campaign promises. Indeed, I am excited and optimistic of what is yet to come for this administration,” ani Salo
Mahalagang hakbang din aniya ang pag-abot at pakikisalamuha ng presidente sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa kanyang naging mga state ot official working visit sa labas ng bansa.
Dahil naipakita at naiparamdam nito ang pagpapahalaga sa kanilang ambag sa bayan lalo na sa economic growth ng bansa.
Aminado naman ang mambabatas na marami pang dapat gawin ang administrasyon pagdating sa economic at health recovery lalo at hinihintay pa ang appointment ng isang permanent health secetary.
Makakaasa naman aniya ang pangulo ng suporta at tulong mula sa kanila sa Kongreso upang maipatupad ang kinakailangang reporma at mapagbuti ang kabuhayan ng mga Pilipino.
“I am very optimistic. With the proper systems put in place in the first 100 days, President Marcos will be able to deliver on his campaign promises,” the solon said. And I, as member of Congress representing the Kabayan Partylist, shall continue to extend our unqualified support to the Marcos administration in improving the lives of our people through relevant policies and meaningful reforms,” dagdag ng kinatawan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes