The President has done great things’.
Ganito mailalarawan ni House Speaker Martin Romualdez ang unang 100 days ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Aniya maliban sa kanyang competent na gabinete ay malinaw ang mga polisiya ng presidente.
Matagumpay din aniya ang Pangulo sa pagpapasok ng mga investment sa bansa.
Inihalimbawa nito ang US at Singapore kung saan aniya marami sa investors at negosyatne ang nahimok at naengganyo na makipag negosyo sa Pilipinas.
“I think he’s done very well. They now know—our friends in the region know— that the Philippines is open for business and that the Marcos administration, his administration is ushering in a whole new environment for business and investments and that would augur well for the economy, especially during these times,” ani Romualdez.
Dagdag pa ni Romualdez na sa unang 100 araw ni Pangulong Marcos Jr. ay nailagay nito sa tamang direksyon ang Pilipinas sa muling pag unlad at pagbangon mula sa epekto ng pandemya.
Maganda rin aniya ang hinaharap ng bansa sa muling pagbubukas ng mga negosyo at pag usbong muli ng trabaho.
“The Philippines is right on track, and is sprinting steadily during the first 100 days of the administration of President Ferdinand Marcos, Jr. Our economy has bounced back from the ravages brought by the global pandemic and has already reached the first stage to full recovery. The future indeed looks brighter under the Marcos administration.” dagdag ng House Speaker
Makakaasa din aniya ang pangulo sa patuloy na suporta mula sa 19th Congress.
“..on the part of the House, we support him wholeheartedly and we wish him godspeed and
congratulations
to his first 100 days.” pagtatapos ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes