
Recognizing the effect of the oil spill caused by the sunken MTKR Terranova off the coast of Bataan, President Ferdinand R. Marcos Jr. on Thursday assured immediate solutions by siphoning the oil leak and the government’s support for the livelihood of thousands of affected fisherfolk and their families in Navotas City.
“Bukod sa matinding pag-ulan at pagbahang dulot ng sama ng panahon nitong huling bahagi ng Hulyo, nagising tayo sa balita na may ilang barko na lumubog sa karagatan ng Bataan. Hindi lang basta karagatan ang naapektuhan, kundi lalo na ang kabuhayan ng libo-libong mangingisda at ang inyong mga pamilya,” President Marcos said on Thursday.
“Ngunit sa halip na panghinaan ng loob, ang pamahalaan ay agarang kumilos—mula sa pagbibigay ng tulong sa mga apektadong pamilya, hanggang sa pagtugon sa pagtagas ng langis,” he added.
Despite the temporary suspension of siphoning operations due to adverse weather conditions in the area, the Chief Executive noted that with the collaboration of various agencies, they were able to seal the valve of MTKR Terranova and had already siphoned off 1.38 million liters of oil from Aug. 19 to Sept. 10.
“Sa kabila ng mga unos, tulad ng Bagyong Enteng na pansamantalang nagpatigil sa siphoning operation, malapit na natin matapos ang trabahong ito,” he added.
President Marcos also disclosed that an investigation is focusing on the people involved in oil smuggling and those who should be held accountable for the incident.
“Sa usapin naman ng imbestigasyon, tuloy-tuloy ang paghahanap natin ng sagot sa mga katanungang: May kinalaman ba ang mga barkong ito sa oil smuggling? Bakit ang dalawang barko, sa kabila ng walang rehistro, ay napatakbo sa ating karagatan? Lahat ito ay iniimbestigahan para tiyakin na pananagutin natin ang mga may sala,” the Chief Executive said.
As this developed, the Chief Executive declared to the residents of Navotas that it is now safe to consume fish and seafood from the area, noting that the quality of air and water has improved.
The President said government agencies are seeking compensation for damages from the owners of MTKR Terranova.
“Sa gitna ng mga katanungan, may mabuting balita naman tayong hatid: ligtas nang ihain ang isda at iba pang mga pagkaing-dagat sa ating mga lamesa. Sa makatuwid, maayos po ang kalidad ng hangin at tubig sa Navotas para sa kalusugan ng ating mga kababayan,” the President said.
“Sa usapin tungkol sa tinatawag na compensation, patuloy na nag-uusap ang mga ahensya ng gobyerno at ang mga may-ari ng barkong Terranova. Sila po ay sasagot sa mga pinsalang dulot ng oil spill.” PND