News Release

PBBM, kinilala ang tulong ng kanyang gabinete sa nalalapit na unang 100 araw ng kanyang panunungkulan


BASAHIN: Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang lahat ng bumubuo ng kanyang gabinete na malaki ang naging kontribusyon upang maging posible ang katagumpayanan ng kanyang unang 100 araw.

Sa isinagawang Manila Overseas Press Club (MOPC), sinabi ng punong ehekutibo na kabilang sa target ng kanyang unang 100 araw ay ang magkaroon ng “best and the brightest” na mga cabinet member na aniya ay natupad dahil sa iisa nilang layunin na maiangat ang ekonomiya ng Pilipinas tulad na lamang ng produktibong pamumuno ni Department of Finance Secretary Benjamin Diokno at buo nitong economic team.

Ayon sa pangulo, sakripisyo ang mapabilang sa gobyerno dahil sa kinakailangan nilang isantabi ang sariling larangan para paglingkuran ang bansa.