Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
By Albert Sebastian – DZRB
06 November 2016


SEC. ANDANAR: Good morning, Albert, at sa lahat ng nakikinig sa atin dito po sa Radyo ng Bayan.

SEBASTIAN: All right, sir, baka mayroon po kayong opening statement, sir, para po sa ating mga kababayan.

SEC. ANDANAR: We wish Manny Pacquiao all the best. Sana ma-knockout niya si Vargas para tuluy-tuloy po ang kinang ng karera ni Manny Pacquiao. Pagkatapos nitong bakbakan na ito ay abangan naman natin [ang] part two nila ni Floyd Mayweather sa susunod na taon. Ito hong bakbakan na ito, mahalaga ito para kay [Manny] kapag nanalo siya dito, mas malaki iyong chance na mayroong part two silang dalawa ni Floyd Mayweather. At alam naman natin na malaki ang tiyansa ni Manny Pacquiao na ma-knockout itong si Vargas base na rin sa mga eksperto doon sa sports. Kaya tumutok kayo sa ating Sports Radio dito sa Radyo ng Bayan para mapakinggan ninyo iyong blow-by-blow ng coverage nitong bakbakan ni Manny at ni Vargas.

SEBASTIAN: Okay, sir. Ilang questions din ukol daw po sa insidente kahapon, iyon pong pagkakapatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa. The Department of Justice has ordered a parallel investigation into this. So, ano po ba ang iba pang directive ng Pangulong Duterte regarding po sa malalimang imbestigasyon?

SEC. ANDANAR: Nagbigay na rin ng pahayag si PNP Chief General Bato Dela Rosa, at inatasan na rin niya ang kaniyang mga field officers sa Leyte na magbigay nga ng kanilang … magsagawa ng kanilang sariling imbestigasyon doon, at ito’y bukod din sa imbestigasyon na inutos ni Justice Secretary Vit Aguirre. Kaya hintayin na lang natin ang magiging resulta nito para ‘pag tayo’y magkomento ay kumpleto ho, hindi iyong ‘chopsuey’.

SEBASTIAN: Mayroon po bang binigay, sir, na deadline ang Pangulo or any para po doon sa investigation—

SEC. ANDANAR: Hindi pa kami nagkakausap ng Pangulo tungkol dito sa kaso ni Mayor Rolando Espinosa. Pero alam naman natin na ang Justice Secretary ay alter ego ng ating Pangulo, ganoon din po si General Bato Dela Rosa. Kaya kung anuman ang mga hakbang na ginagawa ngayon ni Secretary Vit Aguirre at PNP Chief Bato Dela Rosa ay ito po ay naaayon sa (unclear) bilang alter ego ng ating Pangulo.

SEBASTIAN: Sir, related din galing kay Marlon Ramos po ang tanong: Has the President been briefed about the killing of Mayor Espinosa? And what was his reaction and directive na rin sa pulis?

SEC. ANDANAR: Na-brief po ang ating Pangulo, pero hindi ko siya kasama ngayon kaya hindi ko alam kung ano iyong kaniyang facial at verbal reaction doon sa kaso na ‘to. But then again, I’d like to think na sina Secretary Vit Aguirre at General Bato Dela Rosa being his alter egos, in their respective departments ay ako’y nakakatiyak na nakapag-usap na ho ang ating dalawang departamento kung ano iyong mga dapat nilang gawin.

SEBASTIAN: Sir, follow up question din mula kay Marlon. Sabi pa niya: Is Malacañang puzzled by Mayor Espinosa’s killing inside his prison cell?

SEC. ANDANAR: That’s a good question. Personally, ako I’m puzzled because alam natin na si Mayor Espinosa ay malaking tulong ito sa ating gobyerno sa paggalugad at sa paghanap ng mga taong involved sa illegal drugs. Kumbaga, si Mayor Espinosa is an asset to the government’s investigation sa mga sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga, lalung-lalo na sa upper echelons of the drug ring. Kaya ako, I’m puzzled and, at the same time, I am also sad that this happened kasi nga malaki sana ang maitutulong ni Mayor Espinosa sa imbestigasyon ng ating gobyerno para ma-pin down kung sinu-sino iyong mga involved sa illegal drugs lalung-lalo na iyong mga taong gobyerno na diumano’y may kinalaman sa paglago ng shabu sa bansa natin. Kaya para sa akin ay malaking kawalan po sa gobyerno na namatay si Mayor Espinosa.

SEBASTIAN: All right, sir, follow up lang din. Iyon pong anak niya na si Kerwin na hawak pa rin po ng mga awtoridad sa United Arab Emirates, so will this … mapapabilis po ba or i-expedite iyon pong extradition niya dito sa Pilipinas, sir, para harapin din iyong mga kaso?

SEC. ANDANAR: Actually, mayroon akong mga natanggap na mga suhestiyon on how to handle the case of Kerwin, pero ito ay ipaparating ko sa Pangulo dahil very sensitive po iyong mga suhestiyon. At the same time, we know that the safety of Kerwin will also be jeopardized if ever na hindi po na-handle nang husto iyong kaniyang security. And we also know that si Kerwin, being the son of his father and having … I assume that he has information that’s also vital for the government’s investigation sa drug ring dito sa bansa natin, lalung-lalo na iyong narco-politics.

SEBASTIAN: Follow up pa rin mula kay Marlon, sir. Sabi niya: Senator Lacson said that Espinosa’s death is a clear case of EJK. Does the Palace agree with his observation? And will Malacañang support the re-opening of the Senate probe on EJK?

SEC. ANDANAR: Ayaw ko namang magkomento sa sinasabi ni Senator Panfilo Lacson kasi alam naman na ang si Senador Panfilo Lacson is a member of the Senate which is an independent body and, at the same time, the Senator has fathomable wisdom especially in police matters being a Chief PNP during his time. We respect whatever Lacson’s opinion and we will also be guided by Senator Lacson’s wisdom.

But then again, the Senate is an independent branch of government, and hintayin natin kung ano ang magiging hakbang ng Senado. And the Palace would respect whatever the Senate or the Lower House of Congress would (unclear) what to do.

SEBASTIAN: All right. Question naman po on another topic galing po kay Jo Montemayor. Ang tanong po niya: Should President Rodrigo’s statement about his health to be a cause for concern?

SEC. ANDANAR: Ano bang sinabi ni Presidente about this ‘no? Sorry, I think I missed that.

SEBASTIAN: Well, iyon lang din po ang tanong niya. Probably, the President has said something about his health and should this be a concern.

SEC. ANDANAR: Hindi ko kasi narinig iyong sinabi ng Presidente. So I have to listen to it first. Siguro I missed that portion kung may sinabi siya about sa health of the President, kaya hindi ako makapagkomento.

SEBASTIAN: But right now, sir, I’m sure wala naman pong karamdaman ang Pangulong Duterte? Wala naman siyang kinu-complain or anything?

SEC. ANDANAR: Wala, mas malakas pa sa kalabaw si Pangulo. Nakita naman natin sa TV kung ano iyong mga activities ni Presidente. Maya-maya nandoon na sa Samar, maya-maya nandoon na sa Pangasinan tapos makikita mo ngayon sa Facebook Live ay nandoon naman sa Davao. Ang taong hindi malusog, imposibleng magawa kung anong ginagawa ni Presidente.

SEBASTIAN: Ibang tanong naman po galing pa rin kay Jo Montemayor. Ang tanong po niya: Reaction to the travel advisory issued by Australia against the Philippines due to terrorism and crime?

SEC. ANDANAR: It’s like asking what time the sun sets or the sun rises. Ang ating mga embahada na ibang bansa lalo na ang Amerika at Australia, Canada, UK, sila po ay ginagampanan nila ang kanilang trabaho para sa kaligtasan at kapakanan ng kanilang mamamayan na nandito sa Pilipinas, kung hindi man sa Pilipinas, sa kanilang mga mamamayan na nasa ibang bansa. And they hold this responsibility dearly as they’re representatives of their nations outside of their countries. I know that for a fact because I once lived in a commonwealth country like Australia, and they really protect their citizens kahit saanman ang citizens nila. And to us, madalas naman silang nagbibigay ng mga travel advisory; it’s something that is not new anymore.

SEBASTIAN: All right. Tanong pa rin mula kay Jo: Is President Duterte is watching Pacquiao’s fight?

SEC. ANDANAR: Hindi ko alam kasi nandito ako sa Maynila. Si Pangulo po ay … this is his spare time and he’s in Davao so hindi ko alam kung manunood siya. Pero ang buong bayan ay manunood, siguro iyan dahil si Manny Pacquiao [ay] pambansang kamao iyan. Nagtataka nga ako dahil ngayon ay papunta ako ng Quezon City tapos usually ‘pag may bakbakan si Manny ‘di ba wala namang traffic eh ngayon [ay] nagkaka-traffic dito sa Skyway. Hindi ko alam kung ano—

SEBASTIAN: Ah Skyway, sir? Southbound po ba iyon?

SEC. ANDANAR: Hindi, northbound. Papunta ako ng Quezon City dahil mayroon kaming meeting ni Secretary Jun Evasco. So ito late na ako. Pero iyon, nagtataka ako kasi usually ‘pag bakbakan ni Manny, walang trapik. Pero southbound, clear naman. Wala namang—

SEBASTIAN: Okay. Another tanong mula rin po kay Marlon. Follow up lang niya kanina: Does the Palace take Mayor Espinosa’s killing (unclear) and a setback to the government’s probe on illegal drug trade and the country’s entire judicial process?

SEC. ANDANAR: Well, alam mo ito ay under investigation pa so gusto kong hintayin kung anong resulta ng imbestigasyon. We don’t really know what exactly happened inside the prison cell. Mayroong mga nagsasabi na nanlaban, at mayroong mga nagsasabi na … sabi ni Senador Panfilo Lacson na it’s impossible na manlaban sa loob ng selda. And it’s in the wee small hours in the morning at wala naman talagang kalaban-laban ang sabi ni Senador Panfilo Lacson. Pero at the end, it will be the investigation of the Philippine National Police that they will look into and we will defend our rationale or our comment on. So, hintayin na lang natin iyong imbestigasyon, Marlon. Thank you.

SEBASTIAN: All right. Wala na rin tayong mga questions po na natatanggap, sir. Baka mayroon po kayong mga mensahe pa para sa atin pong mga kababayan ngayon pong araw na ito?

SEC. ANDANAR: Wala naman. Ano lang tayo, Albert, manood na lang tayo ng laban muna ni Manny Pacquiao at hintayin natin na manalo ang Pambansang Kamao at manalo din ang kasama din ni Senator Manny Pacquiao na si Nonito Donaire. So, this is supposed to be a battle of the young and the not so young. Pero sabi nga nila, sixth, seventh, eighth round kayang i-knock out ni Manny. So, iyon na. Magandang umaga po sa ating lahat.

SEBASTIAN: All right. Okay, thank you very much, sir, sa inyong oras na binigay sa bayan.

SEC. ANDANAR: Thank you, Albert.

SOURCE:  NIB (News and Information Bureau)