Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DZRB / Radyo ng Bayan by Alan Allanigue
13 October 2016

ALLANIGUE: Secretary Andanar, sir, magandang umaga po.

SEC. ANDANAR: Good morning, Alan.

ALLANIGUE: Good morning, sir. Unang-una po, sir, gusto naming ipahatid ang aming congratulations sa inyo at sa tatlo pang mga Cabinet members natin, Sec. Martin. Congratulations, confirmed na po kayo, sir, ng Commission on Appointments.

SEC. ANDANAR: Salamat, Alan. At tayo din ay nagpapasalamat sa mga miyembro ng Commission on Appointments, sa pangunguna din po ng chairwoman, sa pag-appoint po sa akin, pag-confirm sa akin ni Congresswoman Sandy Ocampo. At sa lahat po na bumoto po sa inyong lingkod, salamat po.

ALLANIGUE: Iyon, so bale dito po sa batch kahapon, Sec. Martin, apat kayo na Cabinet secretaries na officially confirmed na ng ating CA, sir.

SEC. ANDANAR: Opo, opo. Kasama si Secretary Sonny Dominguez, Secretary Bebot Bello at si Secretary Al Cusi. Kaya itong pag-confirm sa amin ay nagbibigay sa amin ng lakas. At iyong commitment namin na mas lalong magtrabaho pa ay ganun-ganun na lang kataas po ang commitment. At sinisikap po namin at kami po’y nangangako na gagawin namin lahat para mareporma namin ang mga departamento kung saan kami ay ina-assign ng ating Pangulo.

ALLANIGUE: Opo. Sec. Martin, sir, dito po sa latest na Pulse Asia Survey, nakakuha ng 86% na approval at trust rating ang Pangulong Rody Duterte. Reaksiyon po ng Malacañang tungkol dito, Sec. Martin, sir?

SEC. ANDANAR: Tayo po ay nagagalak dahil whether SWS man iyan o Pulse Asia, kitang-kita po natin na halos 8 out 0f 10 Filipinos ay naniniwala po sa ating Pangulo at sa programa po ni Pangulong Rody Duterte. Ngayon, ito po ay magsisilbi na guidepost para sa mga Cabinet members at sa lahat po ng mga in-appoint ni Pangulong Rody Duterte para lalo pang pag-igihin ang trabaho at mas lalo pang makamit natin iyong mga pagbabago na ipinangako po ng ating Pangulo sa peace and order, sa law and order, at poverty alleviation. At tiyak po sa susunod na isandaang araw ay marami po kayong makikitang mga bagong proyekto ng ating Pangulo.

ALLANIGUE: Opo. Dito po sa sinasabing breakdown ng Pulse Asia, doon sa mga data nila, ang Pangulong Rody ay nakakakuha ng 93% sa Mindanao; 88% sa Visayas; sa Luzon, 84%; at sa National Capital Region, 80% for an average of 86% approval rating. Mataas po, very significant, napakataas iyong sa Mindanao kung saan po nagmula ang Pangulong Rody, Sec. Martin, sir.

SEC. ANDANAR: Oo. Ito po ay nangangahulugan na ramdam ng taumbayan ang mga reporma ng ating Pangulo, at hindi lang po sa sustained war against illegal drugs kung hindi maging sa iba pang aspeto ng pamumuno ng ating gobyerno ay ramdam po ng ating mga kababayan. As a matter of fact, Alan, mayroon ding lumabas na bagong survey ngayong araw na ito ng SWS. Ito po ay iyong self-rated poverty at food poverty survey ng SWS. At lumalabas na bumaba, bumaba po iyong datos ng ating mga kababayan na mahihirap. Bumaba po iyong datos ng mga kababayan nating mahihirap na nagsabing sila ay mahirap kasi self-rated poverty.

So ito po—teka, hanapin ko lang iyong data. Bumaba po ito ng 42%–

ALLANIGUE: Forty-two percent.

SEC. ANDANAR: Opo. Ito: “mahirap” fall to 42%, estimated 9.4 million families mula sa 45% or 10.2 million families noong June 2016. Ito po iyong pinakamababang self-rated poverty rate since March 1987. Sa parehas po na survey ay na-record din po iyong new record low na 30%, estimated 6.7 million families, na sa palagay nila ay iyong pagkain na kanilang kinakain or consider the type of food they eat as poor/mahirap from 31%, 6.9 million po noong June 2016—teka muna … 30% estimated 6.7 million families kung ikukumpara po noong June 2016. Itong survey po ay ginawa noong Septyembre, okay. So ang kanilang sinasabi na 30% ang ibinagsak, so estimated 6.7 million kumpara doon sa 6.9 million na nagsabi na ang kanilang kinakain ay pang mahirap.

So maganda rin po iyong marami po ang naglalabasan na mga surveys na nagpapakita na ang ating Pangulo ay nasa tamang landas, nasa tamang direksyon.

ALLANIGUE: Opo. At napaka-significant po nitong survey na ito kasi ang tanong mismo doon sa mga respondents kung ano ang pakiramdam nila, papaano nila ire-rate iyong sarili nila ‘di ba. So sinasabi nila na mas maginhawa ang buhay namin ngayon. Parang ganoon po iyon, Sec., ano po?

SEC. ANDANAR: Iyon, yes, sir. Tama po kayo. Iyon po ang ibig sabihin noon. Kaya ito po ay magsisilbi ng guidepost po ng gobyerno. At tayo po ay tuluy-tuloy na magtatrabaho para nga sa pagbabago na gustong gawin ng ating Pangulo sa ating bansa. At asahan po ninyo na marami pa pong good news na darating at ating ilalahad sa taumbayan.

ALLANIGUE: Opo. Well, Secretary Martin, sir, muli, congratulations at maraming salamat po sa pagkakataon na ito, Sec.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Alan. Mamayang ala una y media o alas dos ng hapon, abangan ninyo po iyong isa pang ia-announce namin sa Malacañang na tiyak ay ikakatuwa ng ating mga kasamahan sa media.

SOURCE: NIB (News and Information Bureau)