Oct. 15, 2016 – Interview with Presidential Spokesperson Ernesto Abella
Interview with Presidential Spokesperson Ernesto Abella |
DZRB – “Kaagapay ng Bayan” with Oliver Abelleda and Marie Peña-Ruiz” |
15 October 2016 |
USEC. ABELLA: Kumusta po kayo? MARIE PEÑA RUIZ: Mabuti naman sir. OLIVER ABELEDA: Salamat po sir. MARIE: And hope you are fine too sir. USEC. ABELLA: (laughs)Fine, opo. MARIE: Okay, sir, mayroon ba kayong opening statement? Would you want to give a message to our countrymen po, lalung-lalo na po iyong tatamaan ng bagyo? USEC. ABELLA: Opo. Unang una po, we’d just like to encourage our countrymen, especially those in Luzon na kung puwede mag kaunting ingat, and then really look out because iyong darating po, which is 11th (unclear) para sa bayan natin this year ay will make landfall sometime tomorrow morning po. Ano ito, bandang Quezon po yata, so we invite you to …. and out of danger po. (line break).‘ MARIE: Sir, pakiulit na lang po, mahalaga iyong sinabi niyo pero nagbre-break po kasi kanina, nag-break iyong line po. USEC. ABELLA: Opo. Inuulit po natin na please, maghanda po tayo dahil ang Karen iyong, 11th po na typhoon na papasok sa ating bayan this year, ay schedules po na to make landfall sa Aurora o Quezon bukas po ng umaga. So, pangalagaan po natin iyong ating mga surroundings so that it may—kasi ito po, this Karen is expected po na magiging severe tropical storm within the next 24 hours. So dito naman po sa may bandang ano po yata, Metro Manila, ay magiging maulan over the weekend po (unclear). So we’d like to encourage you know, encourage iyong mga kabayanan natin na mag-ingat, and to please make sure that ilayo po natin ang sarili natin sa peligro. OLIVER: Okay, sir. Kumusta naman iyong ano, siguro naman tuloy-tuloy iyong coordination, halimbawa, ng national government, sa mga local government po na maapektuhan po nitong Bagyong Karen sir? USEC. ABELLA: Opo. I’m sure DSWD at saka iyong ating Disaster Reduction Program, iyong mga kasama doon sa cluster na iyon ay they’re doing everything po within their ano—to make sure na maano po tayo, people are (unclear) for it. MARIE: Sir, another topic na po. The President is embarking on a all-important… very important trip next week sa China po. Puwede ho kayong magbigay pa ng ilang… na maasahan ng ating mga kababayan na mga magiging bunga ng biyahe ng ating Pangulo? USEC. ABELLA: Opo, unang una, magkakaroon po sila sa China, ito po iyong schedule to meet President Xi Jinping, iyon pong kanilang presidente. At iyong dalawang leader naman ay magkakaroon po sila ng signing ng maraming memoranda, a number of memorandum, na memorandum of agreement and various deals of cooperation between the two countries. Expected po natin na maganda po ang resulta nito sa ating bayan, and it will bring in an economic increase. At so inaantabayanan po natin itong ating panibagong pakikipagusap. At marami pong mga negosyante ang pupunta according to… based on anecdotal report, mga limang daan yata ang pupunta na mga negosyante magmulang Pilipinas. So, we expect po na maganda po ang magiging resulta ito para sa atin. Mayroon pong related cooperation, at magsisipagkita rin po ang Presidente with National Business Congress Chairman si Zhang Dejiang, at si Chinese Premier na si Li Keqiang. So, ang paguusapan po ay—bibisita rin yata ang Presidente sa kanilang mga drug rehab centers doon po sa China. So, iyon po, exciting(unclear)….. MARIE: Sir, may isang tanong lang po from Reymund Tinaza na kasama, magko-cover ito sa biyahe ni Pangulong Duterte: Do you think the SCS issue is relevant for President Duterte to bring up to the President, Xi Jinping? USEC. ABELLA: (Unclea) So, ano po, hayaan po natin sila na magusap with the—ito po as far as I know, this is based more or less on agreement and economic… mainly economic. And mukhang ano, sabi… in the words of the President, depende po sa kanya. But in the words of the President, mag-a-ano po ito, we want a soft landing although wala po tayong pina-planong i-compromise na mga issues, pero timing lang po ang lahat, timing. MARIE: Yes, okay. Sir, wala na po kaming tanong. USEC. ABELLA: (laughs). MARIE: Sir, nga pala may mga nilabas na Executive Order ang Malacañang ‘no, iyong Executive Order Number 4 and Number 5. Iyong isa po, iyong pag-build ng mga rehabilitation centers nationwide, iyong drug rehabilitation centers po? USEC. ABELLA: Opo, ang pagkakaalam ko kasi eh more or less (unclear) yong pong malaking facility po iyon, and also there are other expected facilities to be opened, Mindanao and Visayas. MARIE: Sir, nga pala doon po sa China trip, will the President also take up iyong sa drug issue? ‘Di ba nagbisita nga siya doon sa mga drug rehabilitation center. Kaya, Sir, hihingiin na rin iyong help ng China. Iyong gusto ng China na sana ay ma-contain din or huwag na tayong parang isama sa mga ganyan or iiwasan na ng mga Chinese drug lords iyong Pilipinas po? USEC. ABELLA: I’m sure mapaguusapan somewhere along the line, mababanggit po iyan ng ating Pangulo, Marie. Hindi natin alam kung paano siya mapasok at this stage. MARIE: Kasama po ba kayo sa delegasyon ng ating Presidente po? USEC. ABELLA: Opo. MARIE: Okay very good po. Okay, maraming maraming salamat sir. happy trip. OLIVER: Thank you po sir. MARIE: And Godbless. USEC. ABELLA: God bless din. Have a great weekend. Thank you. MARIE: Thank you, sir. Mabuhay po kayo. OLIVER: Mabuhay po kayo, sir. —– source: NIB (News and Information Bureau) |