Interview with Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar
DZRB Interview
23 October 2016


SEC. ANDANAR: Good morning Albert. Good morning po sa inyong programa dito sa Radyo ng Bayan. Kumusta ka na Albert?

Albert Sebastian: Kayo po?

SEC. ANDANAR: Bigay lang tayo ng update Albert sa NDRRMC for disaster response.

Mr. Sebastian: Yes sir.

SEC. ANDANAR: As of 6 a.m. ngayon— Today, meron pong 120,584 families or 576,000 persons ‘yung apektado po. Sa loob ng 2,100 barangay dito po sa CAR or Cordillera Administrative Region, dito rin po sa Rehiyon ng Ilocos or Region I; sa Region II or sa Cagayan Valley, sa Region III or ‘yung Central Luzon at dito rin po sa Calabarzon area na apektado nung bagyo.

At meron pong may 9,519 families or 39,358 persons yung nasa shelter sa mahigit 224 sa evacuation centers while 17,000 families, 89,000 plus persons are staying or nandun po sa kanilang mga kamag anak at kaibigan.

‘Yung mga damaged houses, Albert, nasa 36,795 sa may Regions CAR, I, II, and III at 31,659 ay partially damaged. At meron pong 5,348 ‘yung talagang nawasak po ang kanilang mga tahanan.

Sa kasalukuyan, mahigit 28,063,169.40 ‘yung naibigay na po na relief assistance sa mga apektadong pamilya at sa amount po na ‘yun ay 23,497,269 ay ipinamahagi po do’n sa mga LGUs at nag provide po sila ng mahigit 4,565,900.10 ‘yung ipinamahagi po ng LGU at base po sa report ng DPWH, nasa 83 na mga kalye or road sections ang apektado po at sinara sa traffic sa Regions I, II, III at sa CAR, 49 sa mga kalye ay na-clear na at nadadaanan na po ng mga motorista. ‘Yung remaining 34 road sections ay sumasailalim pa sa clearing operations at saka repair.

Dito po naman tayo sa mga namatay at nawawala. Sa Region CAR, Cordillera Administrative Region, Benguet, ‘yung mga namatay po ay sina Arsenio S. Lagdaen, 65 years old ng Brgy. [unclear], si Edgar Menese, 40 años ng San Fabian, Pangasinan, ganun din po, nalibing sa landslide. Si Johnny Borja, 35 years old ng La union, landslide din po ang kinamatay; Carlos B. Hacap, 29 años ng Benguet, landslide din po ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Si Joshua Ela, 19. Siya po ay nalibing din po sa landslide. 

Si Jesse Ela ng Negros Oriental, ganun din po, sa landslide. Sa Ifugao po naman, ikapito na dead on the spot, na namatay po ay si JR [Sawagan?]. siya din po ay namatay sa landslide. Carolina Alfaro, kinse anyos. Dito rin po sa Barangay (inaudible) landslide din po. So walo po ‘yan. ‘Yung mga nawawala naman ay tatlo.

Hinahanap po si Ayong Dayupat at isang unidentified.Parehas po sila dalawa taga Barangay Mahawis. Dito ang incident. Insident date po walang nakalagay. Pero ‘yung remarks po, they failed to get out of the river while retrieving fish from their fish trap.

At ‘yung Philippine International Humanitarian Assistance Cluster ay nagbigay ng kalakip na– ay nakatangap yung DFA ng email, para sa kanilang tulong para sa mga apektadong pamilya.

At yung (inaudible) organizations din po ay closely coordinating sa Washington D.C. para sa assistance and ‘yung DFA is still on standby, at naghihintay po sa mga tawag ng mga gustong tumulong.

But anyway, sa ngayon po an gating mga kasamahan sa Gabinete, sina Secretary Ubial; sa NDRRMC, Si Usec. Jalad, sa DBM, Sec. Ben Diokno, si DPWH Secretary Mark Villar, at si DICT Usec. Secretary Eliseo Rio ay papunta na po doon, kanina pong alas otso ang kanilang scheduled flight sa Tuguegarao at sila’y dadalaw din po sa Cagayan at Ilagan, Isabela.

Kasama rin po, nandun na, nauna nap o si DSWD Secretary Taguiwalo at Department of Agriculture. At nababalitang magbibigay po ng emergency shelter assistance doon sa apektadong lugar.

Mr. Sebastian: Sir, will the President be accompanied by the Cabinet Secretaries?

SEC. ANDANAR: ’ Yun po yung naka schedule ngayon wala pa po akong update kung nakasama po si Pangulo o hindi but as of last night, ‘yun po ang direktiba sa amin na pupunta po doon si Presidente.

Mr. Sebastian: Alright.

SEC. ANDANAR: Doon po naman sa Somalia, ‘yung pinakawalan. ‘Yan po ay kinumpirma sa atin ni DFA Secretary Jun Yasay at sila, yung limang pinoy ay dadalhin sa Nairobi. Ngayong gabi alas sais, local time doon sa Nairobi at sila po ay sasalubungin ni DFA Undersecretary Jesus Yabes, yan po ay ayon kay Secretary Jun Yasay.

Mr. Sebastian: Alright. Okay. Can we go ahead with the questions Sir?

SECRETARY ANDANAR: Oo. Kung na nabanggit ko na ‘yung kanina, siguro laktawan na natin ‘yung mga tanong kung nabanggit ko na.

Mr. Sebastian: Okay sir. Oo. First question galing kay Rose Novenario ng Hataw. Sabi niya, ano daw po ang reaksyon ng Palasyo sa warning ni dating Pangulong Erap kay Pangulong Duterte na baka magpakana ang US na patalsikin siya dahil daw ng sinapit niya. Tama po ba ang paghahambing samantalang si Erap ay pinababa ng EDSA 2 dahil sa mga katiwalian at nahatulang guilty sa kasong plunder ng Sandiganbayan habang si Pangulong Duterte ay walang kasong may kaugnayan sa katiwalian?

SEC. ANDANAR: Sinagot ko na si Rose diyan sa tanong na ‘yan, tinext ko siya kanina sabi ko, ‘We appreciate the concern of Mayor Joseph “Erap” Estrada and we will be guided by the wisdom of the former President and other statesmen who have expressed their opinions on the policies of the President.’

Mr. Sebastian: Another question po from Rose. Nilagdaan po ni dating ni dating Pagulong Erap ang VFA noong 1999 matapos ipasa ng Senado. Paano daw niya mahihimok si Pangulong Duterte na siya’y anti-US?

SEC. ANDANAR: Pakiulit ‘yung tanong.

Mr. Sebastian: Opo. Paano niya mahihimok si Pangulong Rodrigo Duterte na siya’y anti-US?

SEC. ANDANAR: Ang ating Pangulo po naman ay klaro sa kanyang pronouncement na tayo ay humihiwalay or separating from the US in terms of the so-called ‘colonial mentality’ natin na pagdating sa foreign policies ,military policies, economic policies ay tayo po ay naka-angkla doon sa mga polisya ng mga Amerikano. Hindi naman ito severing ties or hindi naman ito cutting of ties. Hindi po ‘yan ang ibig sabihin ng ating Pangulo. Ang ibig lang po niyang sabihin ay we are separating in terms of policies.

Ngayon po, kung pagbabasehan po natin ‘yung political at international law, a state is defined as a group of people more or less numorous occupying a definite portion of territory, having a government of its own, free from external control and freedom from external control means external sovereignty or independence-therefore, tayo po ay separate, hiwalay. And the President is merely stating the fact na matagal na tayong hiwalay sa Amerika in spirit, in law. Pero in practice tayo ay sumusunod-sunod pa rin sa kanilang mga foreign policies at economic policies, military. Kaya ang kahulugan po no’n ay tayo ay susunod sa sarili nating polisya pagdating sa foreign affairs, pagdating sa economic policies at pagdating din po sa ating military activities.

Mr. Sebastian: Alright. Sir question naman po galing kay Giovanni ng Philippine Star. Ang question niya, What are the government’s contingency plans if the US pulls out its BPO business from the Philippines?

SEC. ANDANAR: Siguro Giovanni, tingnan nalang natin ‘yun panawagan ni Senator Barack Obama noong siya ay tumatakbo pa at siya ay tumatakbo pa noong 2008. Ang sinabi po ni Senator Barack Obama noon ay gusto niyang bumalik ang mga BPO, mga call centers na pagmamay-ari ng Amerikano, bumalik sa Amerika.

Pero hindi po sila bumalik. Bakit hindi sila bumalik? Sa kabila ng paghikayat sa kanila ni Senator Barack Obama noon na naging Pangulo at matatapos na ang kanyang termino.Bakit hindi sila bumalik?

Number one, alam po ng mga Amerikanong negosyante na mas makatipid sila kung dito sila sa Pilipinas maglalagak ng investment para sa mga BPO, mga call centers dahil ang swelduhan sa America ay per ora, ang bansa natin ay per day and they are still here in the Philippines.

Mr. Sebastian: Kasi mas viable ang business nila rito

SEC. ANDANAR: Siguro naman, hindi naman siguro ‘yan maipagkaila na mas viable talaga sa atin at mas magaling ang ating mga trabahador, mabilis. Kayang mag-American accent, kayang mag-British accent, lahat ng accent pati Australian accent kayang gawin .Ito po ‘yung flexibility ng dila ng mga Pinoy.

Now again the question of Giovanni is very speculative but I will not get into the speculative answer na ako’y bumabase lamang sa historical data at kung anong nangyari noon.

Mr. Sebastian: Sir, regarding naman sa statement po Japanese government, they’re seeking clarification din patungkol sa statement ni Pangulong Duterte. Makikipag-usap po ba ang Pangulo–ang Malacanang na, on this matter?

SEC. ANDANAR: Makikipag-usap sa?

Mr. Sebastian: Japanese government. May pinalabas silang statement, they are seeking for clarification on the statement of President Duterte tungkol daw po do’n sa separation sa US?

SEC. ANDANAR: Siguro naman ay naipaliwanag na ng ating Pangulo pagdating niya sa Davao noong Sabado ng madaling araw at siguro naman ay nakarating na ‘yun sa buong mundo ang paliwanag po ng ating Pangulo. Pero huwag po kayong mag-alala dahil ngayong Martes ay may State Visit ang Pangulo sa Tokyo, Japan—uunahin niya po ang Prime Minister doon at ang Japanese government para makipag-usap at kung ‘yun man ay matatanong eh sigurado naman akong masasagot ‘yan ng ating Pangulo at maipapaliwanag sa kanila.

Mr. Sebastian: Sir, follow-up po ni Giovanni. When can Filipino fishermen start fishing in South China Sea?

SEC. ANDANAR: Hindi ko po masasagot ‘yan dahil ito po ay nasa teritoryo ng DFA, at hintayin ko na lamang ang DFA na sumagot sa tanong na ‘yan.

Mr. Sebastian: Alright. Next question po mula kay Efren Montano ng Journal Group. On another topic: Meron na raw po bang appointment ng MTRCB chair si President Duterte regarding board members including Neil de Mesa, [Fontaniza?] Laguardia, Federico Moreno and Bayani Agbayani?
SEC. ANDANAR: Hindi ko pa ho nakikita ‘yung appointment. Pero di bale po, itatanong ko kay ES kung meron na pong appointment.

Mr. Sebastian: Alright sir, wala na po tayong natatanggap na questions. Baka po meron po kayong mensahe para sa atin pong mgakababayan ngayong umagang ito.

SEC. ANDANAR: Ang ating Pangulo ay umuwi mula China dala-dala ang mga bagong investments mula sa gobyerno nila sa China, mga softloans, mga concessionary loans, ito pong mga loans mula sa kanilang mga bangko at ‘yung private business to private business na investments mula China to the Philippines.

As of counting yesterday nasa $24 billion na ho. Pero sabi ng mga nakausap ko sa Department of Finance at sa DTI na posibleng tumaas pa dahil meron pa pong ibang mga investments na hindi naisama sa kanilang kwentada –tulad nung mga power investments.

So naging matagumpay po ang ating Pangulo sa kanyang State Visit sa China. Naging warm ang pagtanggap ng People’s Republic of China at tayo po ay very oiptimistic na ang ating bansa ay nasa tamang direction sa ilalim ng pamumuno ni President Rody Duterte.

At sa byahe ngayong Martes papuntang Japan, tayo po ay optimistic nanaman, makatitiyak po tayo na merong mahihikayat ang ating Pangulo na mga investors dito po sa ating bansa.

Ang ating panawagan lamang, suportahan natin ang ating Pangulo, patuloy po nating suportahan para mas mabilis mas madali po natin makamtan ‘yung pagbabago na gusto natin mangyari sa ating bansa.

Maraming salamat. Albert, mabuhay ka.

Mr. Sebastian: Alright, thank you very much, Secretary Martin for your time.

SOURCE: PND (Presidential News Desk)