POLANGUI, Albay — The Department of Agrarian Reform (DAR), in partnership with the Department of Science and Technology (DOST), conducted a training for the farmer-members of the Gamot Luya Dalogo Farmers Association (GALUDA FA) on packaging, labeling, and good manufacturing practices to make their products more competitive in commercial markets.
DAR Provincial Agrarian Reform Program Officer Maria Eugenia Alteza said the DAR has been helping the members of agrarian cooperatives in Bicol improve the marketing of their products through training to help boost their sales.
“The training was provided to capacitate the farmers of GALUDA FA in promoting their products, specifically their coco jam and kalamay (rice cakes), which are good and delicious and have the potential to compete in the market,” Alteza said.
The DAR tapped the experts from the DOST who trained the farmers on good manufacturing practices, labeling, and packaging of goods and products.
Resource persons from the DOST also gave lectures on the importance of using suitable packaging materials to safeguard the finished food products from contamination during storage, sales, and distribution. Other topics addressed include product information requirements such as brand name, product identity, ingredients, nutritional facts, directions for use, expiry dates, and considerations for packaging material and label design.
This training has motivated farmers of GALUDA FA, led by its President Bob B. Razon, to ensure their products meet the highest safety and quality standards.
“We will put into practice all that we have learned here. With the help of DAR and DOST, I know that we will be able to execute all that is necessary to penetrate the major markets in the province and boost our income,” Razon said.
The GALUDA FA is a part of the agrarian reform community in Polangui. All members are farmers engaged in producing ginger, rice, coconut, and banana.
###
DAR, DOST tinuruan ang mga magsasaka ng Albay sa pag-label at packaging ng produkto
POLANGUI, Albay — Nagsagawa ng pagsasanay ang Department of Agrarian Reform (DAR), katuwang ang Department of Science and Technology (DOST), para sa mga magsasakang-miyembro ng Gamot Luya Dalogo Farmers Association (GALUDA FA) sa packaging, labeling at good manufacturing practices upang mas mapalawak ang merkado ng kanilang mga produkto.
Sinabi ni DAR Provincial Agrarian Reform Program Officer Maria Eugenia Alteza na tinutulungan ng DAR ang mga miyembro ng agrarian cooperatives sa Bicol na pahusayin ang pagbebenta ng kanilang mga produkto sa pamamagitan ng mga pagsasanay upang makatulong sa pagpapalakas ng kanilang benta.
“Ang pagsasanay ay ibinigay upang bigyang kakayahan ang mga magsasaka ng GALUDA FA sa pagsulong ng kanilang mga produkto, partikular ang kanilang coco jam at kalamay, na talagang masarap at may potensyal na makipagkumpitensya sa merkado,” ani Alteza.
Inanyayahan ng DAR ang mga dalubhasa mula sa DOST na nagsanay sa mga magsasaka sa mga good manufacturing practices, labeling at packaging ng mga produkto.
Nagbigay din ng mga pagtuturo tungkol sa kahalagahan ng paggamit ng angkop na mga materyales sa packaging ang mga resource person mula sa DOST upang pangalagaan ang mga produktong pagkain mula sa kontaminasyon sa panahon ng pag-iimbak, pagbebenta, at pamamahagi. Kasama sa iba pang mga paksang tinalakay ang mga kinakailangan sa impormasyon ng produkto tulad ng pangalan ng tatak, pagkakakilanlan ng produkto, mga sangkap, nutritional facts, mga direksyon para sa paggamit, at mga petsa ng pag-expire, pati na rin ang mga pagsasaalang-alang para sa packaging material at disenyo ng label.
Ang pagsasanay na ito ay nag-udyok sa mga magsasaka ng GALUDA FA, sa pangunguna ni Pangulong Bob B. Razon, upang matiyak na ang kanilang mga produkto ay nakakatugon sa pinakamataas na pamantayan sa kaligtasan at kalidad.
Ang pagsasanay na ito ay nag-udyok sa mga magsasaka ng GALUDA FA, sa pangunguna ng Pangulo nitong si Bob B. Razon, upang matiyak na ang kanilang mga produkto ay nakatutugon sa pinakamataas na pamantayan sa kaligtasan at kalidad.
“Isasabuhay namin lahat ng natutunan namin dito. Sa tulong ng DAR at DOST, alam kong magagawa namin ang lahat ng kailangan para mapasok namin ang ang mga pangunahing pamilihan sa lalawigan at mapalakas ang aming kita,” ani Razon.
Ang GALUDA FA ay bahagi ng agrarian reform community sa Polangui. Lahat ng miyembro ay mga magsasaka na nagtatanim ng luya, palay, niyog, at saging.
###