20240401-PBBMWake-6

Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang misa para sa yumaong Commissioner ng Securities and Exchange Commission at dating Senior Deputy Executive Secretary na si Atty. Hubert Guevara ngayong ika-1 ng Abril.
Kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos, inalala ni PBBM ang mabuting paglilingkod ni Atty. Guevara, at ipinaabot ang kanyang taos-pusong pakikiramay sa pamilya at kaanak ng opisyal.