PBBM leads the groundbreaking ceremony of the Cebu City South Coastal Urban Development Housing Project 1
Sa kaniyang unang pagbisita sa Cebu bilang Pangulo, inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magbibigay ang pamahalaan ng 30,000 housing units para sa mga residente ng Cebu City. Ngayong araw, pinangunahan ni PBBM ang groundbreaking ceremony ng Cebu City South Coastal Urban Development Housing Project sa Barangay Basak San Nicolas na handog para sa halos 8,000 na informal settler families (ISFs) at low-wage earners sa lungsod. Sa unang phase ng proyekto, magtatayo ang Department of Human Settlements and Urban Development ng 10 na 20-storey buildings sa loob ng 25 na hektarya ng lupa na inilaan ng pamahalaan. Layon na makapagpatayo ng anim na milyon na housing units ang gobyerno hanggang sa 2028.Sa kaniyang unang pagbisita sa Cebu bilang Pangulo, inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magbibigay ang pamahalaan ng 30,000 housing units para sa mga residente ng Cebu City. Ngayong araw, pinangunahan ni PBBM ang groundbreaking ceremony ng Cebu City South Coastal Urban Development Housing Project sa Barangay Basak San Nicolas na handog para sa halos 8,000 na informal settler families (ISFs) at low-wage earners sa lungsod. Sa unang phase ng proyekto, magtatayo ang Department of Human Settlements and Urban Development ng 10 na 20-storey buildings sa loob ng 25 na hektarya ng lupa na inilaan ng pamahalaan. Layon na makapagpatayo ng anim na milyon na housing units ang gobyerno hanggang sa 2028.