Photos


Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan kahapon, nakasama ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa isang Vin d’ Honneur ang mga opisyal ng pamahalaan at mga miyembro ng Diplomatic Corps sa bansa. Inihayag ng Pangulo sa kaniyang mensahe na pangungunahan niya ang pagharap ng bansa sa mga hamon, patungo sa patuloy na pag-unlad sa gitna ng pagbangon nito mula sa epekto ng COVID-19 pandemic. Binigyang-diin din ng Pangulo ang halaga ng pagtutulungan ng gobyerno, pribadong sektor at diplomatic community sa pangangalaga sa kalayaang ipinamana ng mga ninunong Pilipino para sa kasalukuyang panahon.
President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday vowed to lead the nation in overcoming challenges toward a high-growth path as it recovers from the crippling effects of the coronavirus pandemic.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ika-125 na anibersaryo ng "Philippine Independence and Nationhood" na may temang “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan," ngayong araw sa Quirino Grandstand, Rizal Park sa Maynila. Sa kaniyang mensahe, inihayag ng Pangulo na isang karangalan ang tumayo bilang kinatawan ng bansa upang ipagdiwang ang tagumpay ng mga bayaning Pilipino na nakipaglaban para sa ating kalayaan at pagsasabuhay ng diwa ng pagkakaisa na tugunan ang kahirapan, kakulangan sa pang-ekonomiyang oportunidad, pagpapabuti ng pamumuhay ng bawat Pilipino, hindi pagkakapantay-pantay, at pagtulong sa mga nangangailangan. Pagkatapos ng kaniyang talumpati, nakibahagi rin ang Pangulo sa Parada ng Kalayaan na isang civic at military parade kasama ang ilang opisyal ng pamahalaan, mga miyembro ng uniformed services, at iba pang stakeholders.
Nagsilbing panauhing pandangal si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Association for Philippines-China Understanding (APCU) Award Ceremony ngayong araw, kaugnay ng pagdiriwang ng ika-48 na anibersaryo ng ugnayang Pilipinas at China. Sa kaniyang talumpati, inihayag ni PBBM na patuloy na makikipagtulungan ang bansa sa Tsina para matiyak ang kapayapaan sa rehiyon, partikular na sa West Philippine Sea, maging ang masiglang ekonomiya ng mga bansa rito. Idiniin din ng Pangulo ang kahalagahan ng kalakalan sa pagitan ng dalawang nasyon at ng papel ng Tsina bilang top import source at pangalawa naman bilang export destination ng Pilipinas.
President Ferdinand R. Marcos on Thursday reaffirmed the Philippine government’s strong trade and investment relations with the Singaporean government, vowing to further expand them.
President Ferdinand R. Marcos Jr. on Thursday called on the Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) to support the Philippine Development Plan (PDP) for 2023 to 2028 and the administration’s legislative priorities as he, in turn, assured them of his support for effective and meaningful local autonomy.
Tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si outgoing H.E. Ambassador Jana Sediva ng Czech Republic sa isang farewell call sa Malacañang ngayong araw, ika-8 ng Hunyo. Ito ay matapos makumpleto ng ambassador ang kanyang tatlong taong diplomatic post sa bansa. Kabilang sa mga matagumpay na aktibidad ni Ambassador Sediva ay ang paglunsad ng librong 'Kaibigan – Pratele: Czech – Philippine Cultural and Diplomatic Dialogue’ na isang selebrasyon ng pagkakaibigan ng dalawang nasyon. Sa darating na Oktubre, ipagdiriwang ng Pilipinas at Czech Republic ang 50 na taon ng diplomatikong ugnayan.
Humarap muli sa media ang bagong itinalaga na kalihim ng Department of National Defense Gilberto Teodoro Jr. ngayong araw sa press briefing na inorganisa ng Presidential Communications Office. Ibinahagi ni Secretary Teodoro na patuloy na pag-aaralan ng DND ang usapin sa military at uniformed personnel (MUP) pension system at paglalatag ng mga hakbang ng organizational development buong ahensya. Sinagot din ng bagong DND chief ang ilan sa mga katanungan hinggil sa pagrerebyu ulit ng DND-UP accord, pag-aksyon sa mga sigalot sa mga rehiyon, at ilang mga reporma sa ahensya tulad ng modernisasyon nito.
President Ferdinand R. Marcos Jr. on Wednesday called on Filipino ambassadors to continuously look for so-called ‘non-traditional’ partners in terms of trade, and security and defense requirements of the country.