Photos


Sa huling bahagi ng bilateral meeting ng Pilipinas at Estados Unidos sa Washington, D.C., mas pinalawig pa ang ugnayan ng dalawang bansa sa kooperasyon sa seguridad at pagprotekta sa kalikasan, kalakalan, enerhiya, at food security. Binigyang-diin din nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at U.S. President Joe Biden ang mahahalagang hakbang laban sa karahasan sa mga komunidad, kababaihan, kabataan, at marginalized sector.
Matapos ang kaniyang pakikipagpulong kay President Joe Biden, naging produktibo rin ang bilateral meeting ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng delegasyon ng Pilipinas sa mga pangunahing kalihim ng U.S government sa Washington, D.C. Bukod sa pagpapatibay ng alyansa, nagpahayag din ng suporta ang key cabinet members ng Estados Unidos sa Pilipinas sa pamumuhunan, pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa, at sa iba pang economic priorities ng pamahalaan. Magpapadala rin ang U.S. government ng isang trade and investment mission sa Pilipinas.
Muling nakaharap at nakausap sa ikalawang pagkakataon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si U.S. President Joe Biden sa isang bilateral meeting sa Washington, D.C. upang itaguyod ang mas matibay na alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos. Sa kaniyang mensahe, inihayag ng Pangulo ang usaping pangkapayapaan sa rehiyon at kahalagahan ng kooperasyon sa pagpapanatili nito, kabilang ang matatag na alyansa ng Pilipinas at U.S. sa mga nagdaang dekada. Nagpahayag naman ng malalim na suporta si President Biden sa larangan ng pamumuhunan sa bansa at sa economic development priorities ng Marcos-Duterte administration, gayundin sa military modernization program ng bansa.
President Ferdinand R. Marcos Jr. and US President Joseph Biden on Monday renewed their commitment to elevate Manila and Washington’s alliance during the two leaders’ bilateral meeting in Washington.
The Philippines and the United States have agreed to set a ministerial team on agricultural cooperation as the Marcos administration puts focus on food efficiency and security.
President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday witnessed the signing of a memorandum of agreement (MOA) between Integrated Micro-Electronics Inc. of the Ayala Group and California-based Zero Motorcycles on a partnership to manufacture electric motorcycles.
A top nuclear energy firm based in the United States on Monday expressed interest to invest in the Philippines after a meeting with President Ferdinand R. Marcos Jr. in Washington D.C.
PBBM arrives in Washington, D.C., at the Andrews Air Force Base for a five-day working visit to the US
Patungo na ngayong araw si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Estados Unidos para sa kaniyang official visit kasama ang delegasyon ng Pilipinas. Inihayag ng Pangulo na bukod sa pagpapalakas ng alyansa ng dalawang bansa, nakatuon din ang kaniyang pagbisita sa pagsusulong ng socioeconomic at development priorities ng pamahalaan kabilang ang kalakalan at pamumuhunan. Kasama din ang iba pang usapin tulad ng food at energy security, climate change adaptation, at digital transformation. Plano rin ni PBBM na makipagpulong sa mga pangunahing negosyante sa Washington D.C. at kumustahin ang mga kababayan natin rito.