Photos


Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy ang pagbibigay prayoridad at pagpoprotekta ng administrasyong Marcos-Duterte sa mga manggagawang Pilipino sa kanyang talumpati para sa ika-121 na selebrasyon ng Araw ng Paggawa. Bago magsimula ang programa, tiningnan ng Pangulo ang mga job, business, at livelihood fairs na isinagawa para sa ating mga kababayan. Nakiisa din si PBBM sa pagbabahagi ng tulong mula sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan para sa mahigit 1,400 na benepisyaryo.
Trabaho at murang pagkain ang hatid ng job fair at Kadiwa ng Pangulo Para sa Manggagawa na binuksan ngayong araw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. May 150 na business owners ang lumahok sa aktibidad upang makapagbenta ng mura at dekalidad na mga produkto sa ating mga kababayan.
Nanumpa sa katungkulan ngayong araw, ang mga bagong-talagang opisyal ng Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Itinalaga bilang gobernador ng Maguindanao del Norte si Abdulraof Abdul Macacua. Katuwang niya bilang bise gobernador si Bai Fatima Ainee Limbano Sinsuat. Magiging miyembro naman ng Sangguniang Panlalawigan sina Datu Sharifudin Tucao Panga Mastura, Mashur Ampatuan Biruar, Alexa Ashley Pembayabaya Tomawis, Datu Romeel Seismundo Sinsuat, at Abdulnasser Maliga Abas. Sa Maguindanao del Sur naman, mamumuno sina Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu at Vice Governor Nathaneil Sangacala Midtimbang. Itinalaga naman bilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sina Bobby Bondula Midtimbang, Ahmil Hussein Ampatuan Macapendeg, Yussef Abubakar Musali Paglas, at Alonto Jr. Montawal Bangkulit.
Kasabay ng paghahanda para sa gaganapin na FIBA Basketball World Cup (FBWC) sa Agosto, malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga miyembro ng FIBA Central Board kasama ang delegado mula sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ngayong araw, ika-28 ng Abril. Sa isang talumpati, inihayag ng Pangulo na ang isports ay isa sa larangang binibigyang-pansin ng administrasyong Marcos-Duterte, kaya't sa pagdaraos ng FBWC sa bansa ay maaasahan ng organisasyon ang buong suporta ng pamahalaan. Ginanap ang huling FBWC sa bansa noong 1978 sa panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.
Sa pagdiriwang ng ika-50 na anibersaryo ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy na itataguyod ng pamahalaan ang kalayaan at karapatan ng mga mamamahayag upang magampanan nila ng buong-husay ang kanilang prosesyon. Kinilala rin ng Pangulo ang mahalagang papel ng media sa pagbibigay impormasyon sa mamamayan, pagpapakalat ng balita, at paghimok sa mga Pilipino na kumilos tungo sa pagbabago.
President Ferdinand R. Marcos Jr. directed the Department of Tourism (DOT) to assess non-operating tourism zones under the Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) to boost the Philippine tourism industry.
Pinangunahan nina Presidential Communications Office Secretary Cheloy Velicaria-Garafil at Usec. Cherbett Karen Maralit ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng SETAP o Samahan ng mga Empleyado sa Tanggapang Pampahayagan ngayong araw, 27 Abril 2023. Itinatag ang SETAP noong 1989 bilang pangunahing samahan ng mga empleyado ng PCO.
Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na buo at tuloy-tuloy na ang implementasyon ng North-South Commuter Railway (NSCR) system matapos isapinal ang Contract Packages S-02 at S-03B, ngayong araw ika-27 ng Abril. Ito ang hudyat ng ikatlong yugto ng implementasyon ng South Commuter Railway Project (SCRP) na may haba na 14 kilometro. Ito ay dadaan sa Metro Manila at bahagi na magkokonekta sa northern at southern leg ng NSCR system. Ipinangako naman ng Pangulo na pakikinabangan ito ng halos 800,000 na pasahero kapag nakumpleto na ang 147.26 kilometro na NSCR system bukod sa libo-libong trabaho na magagawa nito para sa sambayanang Pilipino.
Nasaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ginanap na Combined Joint Littoral Live Fire Exercise ng Philippines-United States of America (USA) armed forces sa San Antonio, Zambales nitong Miyerkules. Ang pagsasanay ay nilahukan ng 1,400 na mga sundalo na nagpapakita nang matatag na relasyon ng Pilipinas at Amerika. Ito din ay naglalayong pagtibayin ang kakayanan ng militar ng dalawang bansa para sa anumang hamon ng seguridad sa rehiyon. Ang Balikatan Exercise ay nagsimula noong Abril 11 at magtatapos sa darating na Abril 28, 2023.