Photos

PBBM holds a bilateral meeting with key cabinet members of the U.S. government in Washington, D.C.
Matapos ang kaniyang pakikipagpulong kay President Joe Biden, naging produktibo rin ang bilateral meeting ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng delegasyon ng Pilipinas sa mga pangunahing kalihim ng U.S government sa Washington, D.C. Bukod sa pagpapatibay ng alyansa, nagpahayag din ng suporta ang key cabinet members ng Estados Unidos sa Pilipinas sa pamumuhunan, pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa, at sa iba pang economic priorities ng pamahalaan. Magpapadala rin ang U.S. government ng isang trade and investment mission sa Pilipinas.

President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday witnessed the signing of a memorandum of agreement (MOA) between Integrated Micro-Electronics Inc. of the Ayala Group and California-based Zero Motorcycles on a partnership to manufacture electric motorcycles.

A top nuclear energy firm based in the United States on Monday expressed interest to invest in the Philippines after a meeting with President Ferdinand R. Marcos Jr. in Washington D.C.

PBBM arrives in Washington, D.C., at the Andrews Air Force Base for a five-day working visit to the US

Patungo na ngayong araw si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Estados Unidos para sa kaniyang official visit kasama ang delegasyon ng Pilipinas.
Inihayag ng Pangulo na bukod sa pagpapalakas ng alyansa ng dalawang bansa, nakatuon din ang kaniyang pagbisita sa pagsusulong ng socioeconomic at development priorities ng pamahalaan kabilang ang kalakalan at pamumuhunan. Kasama din ang iba pang usapin tulad ng food at energy security, climate change adaptation, at digital transformation.
Plano rin ni PBBM na makipagpulong sa mga pangunahing negosyante sa Washington D.C. at kumustahin ang mga kababayan natin rito.

Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy ang pagbibigay prayoridad at pagpoprotekta ng administrasyong Marcos-Duterte sa mga manggagawang Pilipino sa kanyang talumpati para sa ika-121 na selebrasyon ng Araw ng Paggawa.
Bago magsimula ang programa, tiningnan ng Pangulo ang mga job, business, at livelihood fairs na isinagawa para sa ating mga kababayan. Nakiisa din si PBBM sa pagbabahagi ng tulong mula sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan para sa mahigit 1,400 na benepisyaryo.

Trabaho at murang pagkain ang hatid ng job fair at Kadiwa ng Pangulo Para sa Manggagawa na binuksan ngayong araw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
May 150 na business owners ang lumahok sa aktibidad upang makapagbenta ng mura at dekalidad na mga produkto sa ating mga kababayan.

Nanumpa sa katungkulan ngayong araw, ang mga bagong-talagang opisyal ng Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Itinalaga bilang gobernador ng Maguindanao del Norte si Abdulraof Abdul Macacua. Katuwang niya bilang bise gobernador si Bai Fatima Ainee Limbano Sinsuat. Magiging miyembro naman ng Sangguniang Panlalawigan sina Datu Sharifudin Tucao Panga Mastura, Mashur Ampatuan Biruar, Alexa Ashley Pembayabaya Tomawis, Datu Romeel Seismundo Sinsuat, at Abdulnasser Maliga Abas. Sa Maguindanao del Sur naman, mamumuno sina Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu at Vice Governor Nathaneil Sangacala Midtimbang. Itinalaga naman bilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sina Bobby Bondula Midtimbang, Ahmil Hussein Ampatuan Macapendeg, Yussef Abubakar Musali Paglas, at Alonto Jr. Montawal Bangkulit.

Kasabay ng paghahanda para sa gaganapin na FIBA Basketball World Cup (FBWC) sa Agosto, malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga miyembro ng FIBA Central Board kasama ang delegado mula sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ngayong araw, ika-28 ng Abril. Sa isang talumpati, inihayag ng Pangulo na ang isports ay isa sa larangang binibigyang-pansin ng administrasyong Marcos-Duterte, kaya't sa pagdaraos ng FBWC sa bansa ay maaasahan ng organisasyon ang buong suporta ng pamahalaan. Ginanap ang huling FBWC sa bansa noong 1978 sa panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.

Sa pagdiriwang ng ika-50 na anibersaryo ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy na itataguyod ng pamahalaan ang kalayaan at karapatan ng mga mamamahayag upang magampanan nila ng buong-husay ang kanilang prosesyon. Kinilala rin ng Pangulo ang mahalagang papel ng media sa pagbibigay impormasyon sa mamamayan, pagpapakalat ng balita, at paghimok sa mga Pilipino na kumilos tungo sa pagbabago.