Photos

PBBM orders 24/7 deployment of BOC, DA teams for continuous PH shipment process
President Ferdinand R. Marcos Jr. ordered on Wednesday the round-the-clock deployment of teams from the Bureau of Customs (BOC) and the Department of Agriculture (DA) to ensure uninterrupted shipment process nationwide.
Read more here

Nasaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ginanap na Combined Joint Littoral Live Fire Exercise ng Philippines-United States of America (USA) armed forces sa San Antonio, Zambales nitong Miyerkules. Ang pagsasanay ay nilahukan ng 1,400 na mga sundalo na nagpapakita nang matatag na relasyon ng Pilipinas at Amerika. Ito din ay naglalayong pagtibayin ang kakayanan ng militar ng dalawang bansa para sa anumang hamon ng seguridad sa rehiyon. Ang Balikatan Exercise ay nagsimula noong Abril 11 at magtatapos sa darating na Abril 28, 2023.

Nanguna si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpupulong kasama ang mga kinatawan ng pribadong sektor upang talakayin ang mga update sa Kapatid Angat Lahat for Agricultural Program (KALAP) kahapon, ika-25 ng Abril 2023. Sa pagpupulong, inilahad ni PBBM ang kanyang kagustuhang magbigay ng mas maayos na paraan upang matugunan ang mga mahahalagang isyu sa aspeto ng ekonomiya, sosyal, at pangkapaligiran sa sektor ng agrikultura. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng Public-Private Partnership sa pagkamit ng sustainable development at pagbabago sa sektor ng agrikultura. Nagbigay naman ang pribadong sektor ng iba't ibang rekomendasyon upang mapabuti ang sektor ng agrikultura sa bansa. Kasama sa mga rekomendasyon ang pagpapabuti ng programa sa pautang at pagpapautang sa mga magsasaka, tamang implementasyon ng mga batas sa Agri-Agra, teknikal na pagsasanay para sa mga magsasaka, at pagkakaroon ng mas maraming post-harvest facilities sa bansa.

Ipinresenta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang credentials ni His Excellency Santiago Javier Chavez Pareja, Non-Resident Ambassador ng Republic of Ecuador ngayong Martes.

Humarap sa media ngayong araw si Department of Information and Communications Technology - DICT Secretary Ivan John Uy at Department of Migrant Workers Secretary Susan "Toots" Ople sa press briefing na inorganisa ng Presidential Communications Office hinggil sa pagpapalawig ng deadline ng sim card registration at repatriation program ng pamahalaan sa mga OFW na naipit sa gulo sa Sudan.

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagkakaroon ng 90-day extension period para sa SIM registration pagkatapos ng deadline sa Abril 26, 2023.Inaasahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na aabot sa 15-18 milyon na Pilipino ang magpaparehistro pa sa loob ng nasabing extension period. Sa pinakahuling ulat, higit sa 82 milyong SIM o 49.31% ng kabuuang aktibong SIM noong Disyembre 2022 ang nakapagrehistro na.

Some 107 million Filipinos will be cheering the Philippines’ 840-strong delegation as it competes in the 32nd Southeast Asian (SEA) Games in Cambodia, President Ferdinand R. Marcos Jr. said Monday, emphasizing the country has high hopes for the Filipino athletes in the regional sporting event.

President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday made a renewed commitment to develop the Philippine agriculture sector to boost the economy and ensure food security, saying the sector has been at the forefront of his overall development agenda.

Sa Change of Command ng Philippine National Police ngayong araw, ipinakilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si PGen. Benjamin Acorda bilang bagong hepe ng PNP. Pinasalamatan din PBBM si outgoing PNP chief, PGen. Rodolfo Azurin Jr. sa kaniyang serbisyo bilang unang hepe ng pulisya ng kaniyang pamumuno sa loob ng walong buwan. Sa kanyang talumpati, inihayag ng Pangulo ang suporta ng kaniyang administrasyon sa pulisya tungo sa maayos at ligtas na mga komunidad mula sa mga krimen at karahasan.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang unang Konsyerto sa Palasyo (KSP) na handog para sa ating Sandatahang Lakas, na ginanap kahapon ika-22 ng Abril. Ito din ay isang aktibidad upang bigyan ng entablado ang ating mga talentandong local artist.
Tampok sa unang KSP ang Samiweng Singers ng Ilocos Norte, Musical Director Jeddi Cris Celeste ng Iloilo City, at ang mag-amang harpists na sina Benedicto Costaños Sr. at Benedicto Costaños Jr. ng Cebu.
Nagtanghal din para sa AFP sina Poppert Bernadas ng Davao, Princess Vire ng Quezon City, Limuel Llanes ng Quezon Province; Rappers Marco Paolo Revidiso ng Parañaque City, A.K. Fella, Glnn, at MC Julyo ng Cavite, at Spoken Word Artist Kenli Marc Sibayan ng Ilocos Norte.