Photos

PBBM orders 24/7 deployment of BOC, DA teams for continuous PH shipment process
President Ferdinand R. Marcos Jr. ordered on Wednesday the round-the-clock deployment of teams from the Bureau of Customs (BOC) and the Department of Agriculture (DA) to ensure uninterrupted shipment process nationwide.
Read more here

President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday made a renewed commitment to develop the Philippine agriculture sector to boost the economy and ensure food security, saying the sector has been at the forefront of his overall development agenda.

Sa Change of Command ng Philippine National Police ngayong araw, ipinakilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si PGen. Benjamin Acorda bilang bagong hepe ng PNP. Pinasalamatan din PBBM si outgoing PNP chief, PGen. Rodolfo Azurin Jr. sa kaniyang serbisyo bilang unang hepe ng pulisya ng kaniyang pamumuno sa loob ng walong buwan. Sa kanyang talumpati, inihayag ng Pangulo ang suporta ng kaniyang administrasyon sa pulisya tungo sa maayos at ligtas na mga komunidad mula sa mga krimen at karahasan.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang unang Konsyerto sa Palasyo (KSP) na handog para sa ating Sandatahang Lakas, na ginanap kahapon ika-22 ng Abril. Ito din ay isang aktibidad upang bigyan ng entablado ang ating mga talentandong local artist.
Tampok sa unang KSP ang Samiweng Singers ng Ilocos Norte, Musical Director Jeddi Cris Celeste ng Iloilo City, at ang mag-amang harpists na sina Benedicto Costaños Sr. at Benedicto Costaños Jr. ng Cebu.
Nagtanghal din para sa AFP sina Poppert Bernadas ng Davao, Princess Vire ng Quezon City, Limuel Llanes ng Quezon Province; Rappers Marco Paolo Revidiso ng Parañaque City, A.K. Fella, Glnn, at MC Julyo ng Cavite, at Spoken Word Artist Kenli Marc Sibayan ng Ilocos Norte.

Malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang courtesy call si Chinese Foreign Minister Qin Gang kung saan kanilang pinag-usapan ang kooperasyon ng Pilipinas at China sa larangan ng edukasyon, kultura, ekononomiya, at iba pa.
Napagkasunduan sa pulong na magtatag ng iba pang komunikasyon para sa maayos na pagresolba ng mga isyu na namamagitan sa dalawang bansa sa West Philippine Sea.

President Ferdinand R. Marcos Jr. on Thursday congratulated Filipino artists and athletes who competed and won in various international events, thanking them for putting the country on the global map anew.

Sa ika-5 na meeting ng NEDA Board na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., suportado nito ang paglalabas ng isang executive order tungkol sa pagpapatupad ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) at Social Protection Floor ng pamahalaan. Kalakip nito, inatasan ng Pangulo ang mga ahensya ng gobyerno na magsagawa ng isang kampanya upang ipaalam sa publiko ang magandang benepisyo ng RCEP sa bansa. Tinalakay rin ng Social Development Committee ang mga hakbang hinggil sa social protection tulad ng institusyonalisasyon ng mga programa, mga estratehiya sa ilalim ng Philippine Development Plan, at pagsunod sa mga social security standards na kinikilala ng International Labour Organization.

Si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang namuno sa groundbreaking ceremony para sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Project sa San Rafael, Bulacan nitong Miyerkules. Layunin ng proyekto na magbigay ng disente at abot-kayang pabahay sa libu-libong Pilipino na nangangailangan. Sa kanyang talumpati, inihayag ng Pangulo na kasama sa proyekto sa San Rafael ang 15 na gusali na mayroong halos 4,000 na unit. Idinagdag din niya na hindi lamang ito magbibigay ng mga bahay kundi magiging isang komunidad na mayroong mga mahahalagang pasilidad tulad ng pang-edukasyon at pangkalusugan.

Pagtataguyod ng karapatan ng mga kababaihan at mga bata sa sapat na serbisyong pangkalusugan ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa groundbreaking ceremony ng St. Bernadette Children and Maternity Hospital nitong Miyerkules. Ayon sa Pangulo, ang St. Bernadette Children and Maternity Hospital ay isang mahalagang pamumuhunan sa kalusugan at kabutihan ng komunidad at inaasahan na magpapabuti sa pagkakaroon ng dekalidad na serbisyo lng medikal para sa mga residente ng San Jose del Monte City, Bulacan.

Sa groundbreaking ceremony ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Project sa Pulilan, Bulacan, tiwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makakamit ng gobyerno ang layunin nitong magbigay ng tahanan para sa lahat.
Sa kanyang talumpati, hinikayat niya ang mga lokal na opisyal na patuloy na makipagtulungan sa gobyerno sa pagbibigay ng serbisyo sa kanilang mga nasasakupan, lalo na sa paglaan ng lupa at tulong pinansiyal para sa housing projects.Ang proyekto ay naglalayong magtayo ng 13 low-rise buildings, bawat gusali ay may tatlong palapag, na may iba't ibang pasilidad para sa komunidad. Magkakaroon ito ng 1,044 na mga unit ng pabahay.