Photos

PBBM orders 24/7 deployment of BOC, DA teams for continuous PH shipment process
President Ferdinand R. Marcos Jr. ordered on Wednesday the round-the-clock deployment of teams from the Bureau of Customs (BOC) and the Department of Agriculture (DA) to ensure uninterrupted shipment process nationwide.
Read more here

Nagpapatuloy ang proyekto ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) sa paglutas ng kakulangan sa pabahay sa bansa. Nitong Miyerkules, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar ang magkakasabay na groundbreaking ceremony ng anim na 4PH Project sites sa Bulacan. Ginanap ang seremonya sa Heroes Ville sa Barangay Gaya-Gaya, San Jose del Monte City. Kabilang sa mga lugar na kasama sa 4PH program ay ang Rising City Residential Project sa CSJDM, Pandi Terraces sa Barangay Bagong Barrio, Pandi, Municipal Government of Guiguinto Employees Housing sa Barangay Sta. Cruz, Guiguinto, at Pambansang Pabahay Para sa Maloleño Program 2023-2025 sa Barangay Santor, Malolos City.

Pinamunuan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng iba't ibang uri ng tulong sa mga residente ng San Jose del Monte City, Bulacan ngayong Miyerkules. Inihayag ni PBBM na maghahanap ang gobyerno ng mga paraan upang maipagpatuloy ang tulong sa mga Pilipinong nangangailangan dahil sa naging epekto ng pandemya. Binigyang-diin ng Pangulo na ang tulong at suporta na ibinibigay ng iba't ibang ahensya ng gobyerno ay upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Idinagdag din niya na nakatuon ang administrasyon sa paglikha ng mga disente at de-kalidad na trabaho para sa mga Pilipino.

Malugod na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbubukas ng Kadiwa ng Pangulo (KNP) sa San Jose del Monte City, Bulacan. Ayon sa Pangulo, layunin ng pamahalaan na pagtibayin ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay suporta sa mga maliliit na negosyo. Ibinahagi din ni PBBM na patuloy ang suplay ng mga produktong ibinibenta sa KNP para makapamili ang lahat. Sa ngayon, mayroon nang mahigit Php 415 milyon na kita ang nasabing proyekto na napapakinabangan na ng lagpas 1 milyon na magsasaka at 26,000 na mga mangingisda.

Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa unang Joint National Peace & Order Council - Regional Peace and Order Council (NPOC-RPOC) meeting na ginanap sa Palasyo ngayong araw, ika-18 ng Abril.

Nagpatawag ng isang sectoral meeting si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw, Abril 18, upang ilatag ang 'whole-of-government' approach' sa pagtugon sa epekto ng tag-init at tagtuyot o ang El Niño phenomenon sa bansa lalo na sa sektor ng agrikultura. Ipinag-utos ng Pangulo sa piling mga ahensya na bumuo ng isang public awareness campaign sa pagtitipid ng tubig at enerhiya, upang maibsan ang epekto ng El Niño phenomenon sa mga komunidad. Kasama sa pagpupulong ang mga punong kawani ng Department of National Defense (DND), Department of Energy (DOE), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Science and Technology (DOST), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Department of Agriculture (DA), Department of Health (DOH), National Irrigation Administration (NIA), National Water Resources Board (NWRB), at Metropolitan Waterworks and Sewerage Systems (MWSS).

President Ferdinand R. Marcos Jr. launched on Monday the “KAIBIGAN-PŘATELÉ: Czech-Philippine Cultural and Diplomatic Dialogue,” which was timed with the official visit of Czech Prime Minister Petr Fiala.

Pagkatapos ng kanilang bilateral meeting, nagkaroon ng joint press statement sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Czech Prime Minister Petr Fiala upang ibahagi ang talakayan tungkol sa pagpapatibay ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Czech Republic.
Ayon sa Pangulo, naging pagkakataon din ito para mapag-usapan ang mga isyung pang-rehiyonal at internasyonal, tulad ng West Philippine Sea, Cross Strait Relations, at Russia-Ukraine Conflict.

Nakasentro sa pagpapalakas ng ekonomiya at pagpapanatili ng kapayapaan ang naging bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Czech Prime Minister Petr Fiala nitong Lunes, ika-17 ng Abril.
Tinalakay ng dalawang lider ang iba't ibang paksa, kabilang ang pagtutulungan sa depensa, kalakalan at pamumuhunan, university-to-university linkages, pati na rin ang justice at labor cooperation.

Magiliw na sinalubong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Czech Prime Minister Petr Fiala ngayong Lunes para sa tatlong araw na opisyal na pagbisita nito sa bansa.
Pumirma si Prime Minister Fiala sa guest book ng Palasyo, tanda ng kanyang pasasalamat para sa mainit na pagtanggap ng Pangulo sa kanya at sa buong delegasyon ng Czech Republic.