Photos


President Ferdinand R. Marcos Jr. on Thursday congratulated Filipino artists and athletes who competed and won in various international events, thanking them for putting the country on the global map anew.
Sa ika-5 na meeting ng NEDA Board na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., suportado nito ang paglalabas ng isang executive order tungkol sa pagpapatupad ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) at Social Protection Floor ng pamahalaan. Kalakip nito, inatasan ng Pangulo ang mga ahensya ng gobyerno na magsagawa ng isang kampanya upang ipaalam sa publiko ang magandang benepisyo ng RCEP sa bansa. Tinalakay rin ng Social Development Committee ang mga hakbang hinggil sa social protection tulad ng institusyonalisasyon ng mga programa, mga estratehiya sa ilalim ng Philippine Development Plan, at pagsunod sa mga social security standards na kinikilala ng International Labour Organization.
Si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang namuno sa groundbreaking ceremony para sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Project sa San Rafael, Bulacan nitong Miyerkules. Layunin ng proyekto na magbigay ng disente at abot-kayang pabahay sa libu-libong Pilipino na nangangailangan. Sa kanyang talumpati, inihayag ng Pangulo na kasama sa proyekto sa San Rafael ang 15 na gusali na mayroong halos 4,000 na unit. Idinagdag din niya na hindi lamang ito magbibigay ng mga bahay kundi magiging isang komunidad na mayroong mga mahahalagang pasilidad tulad ng pang-edukasyon at pangkalusugan.
Pagtataguyod ng karapatan ng mga kababaihan at mga bata sa sapat na serbisyong pangkalusugan ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa groundbreaking ceremony ng St. Bernadette Children and Maternity Hospital nitong Miyerkules. Ayon sa Pangulo, ang St. Bernadette Children and Maternity Hospital ay isang mahalagang pamumuhunan sa kalusugan at kabutihan ng komunidad at inaasahan na magpapabuti sa pagkakaroon ng dekalidad na serbisyo lng medikal para sa mga residente ng San Jose del Monte City, Bulacan.
Sa groundbreaking ceremony ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Project sa Pulilan, Bulacan, tiwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makakamit ng gobyerno ang layunin nitong magbigay ng tahanan para sa lahat. Sa kanyang talumpati, hinikayat niya ang mga lokal na opisyal na patuloy na makipagtulungan sa gobyerno sa pagbibigay ng serbisyo sa kanilang mga nasasakupan, lalo na sa paglaan ng lupa at tulong pinansiyal para sa housing projects.Ang proyekto ay naglalayong magtayo ng 13 low-rise buildings, bawat gusali ay may tatlong palapag, na may iba't ibang pasilidad para sa komunidad. Magkakaroon ito ng 1,044 na mga unit ng pabahay.
Nagpapatuloy ang proyekto ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) sa paglutas ng kakulangan sa pabahay sa bansa. Nitong Miyerkules, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar ang magkakasabay na groundbreaking ceremony ng anim na 4PH Project sites sa Bulacan. Ginanap ang seremonya sa Heroes Ville sa Barangay Gaya-Gaya, San Jose del Monte City. Kabilang sa mga lugar na kasama sa 4PH program ay ang Rising City Residential Project sa CSJDM, Pandi Terraces sa Barangay Bagong Barrio, Pandi, Municipal Government of Guiguinto Employees Housing sa Barangay Sta. Cruz, Guiguinto, at Pambansang Pabahay Para sa Maloleño Program 2023-2025 sa Barangay Santor, Malolos City.
Pinamunuan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng iba't ibang uri ng tulong sa mga residente ng San Jose del Monte City, Bulacan ngayong Miyerkules. Inihayag ni PBBM na maghahanap ang gobyerno ng mga paraan upang maipagpatuloy ang tulong sa mga Pilipinong nangangailangan dahil sa naging epekto ng pandemya. Binigyang-diin ng Pangulo na ang tulong at suporta na ibinibigay ng iba't ibang ahensya ng gobyerno ay upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Idinagdag din niya na nakatuon ang administrasyon sa paglikha ng mga disente at de-kalidad na trabaho para sa mga Pilipino.
Malugod na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbubukas ng Kadiwa ng Pangulo (KNP) sa San Jose del Monte City, Bulacan. Ayon sa Pangulo, layunin ng pamahalaan na pagtibayin ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay suporta sa mga maliliit na negosyo. Ibinahagi din ni PBBM na patuloy ang suplay ng mga produktong ibinibenta sa KNP para makapamili ang lahat. Sa ngayon, mayroon nang mahigit Php 415 milyon na kita ang nasabing proyekto na napapakinabangan na ng lagpas 1 milyon na magsasaka at 26,000 na mga mangingisda.
Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa unang Joint National Peace & Order Council - Regional Peace and Order Council (NPOC-RPOC) meeting na ginanap sa Palasyo ngayong araw, ika-18 ng Abril.