Photos

PBBM orders 24/7 deployment of BOC, DA teams for continuous PH shipment process
President Ferdinand R. Marcos Jr. ordered on Wednesday the round-the-clock deployment of teams from the Bureau of Customs (BOC) and the Department of Agriculture (DA) to ensure uninterrupted shipment process nationwide.
Read more here

Magiliw na sinalubong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Czech Prime Minister Petr Fiala ngayong Lunes para sa tatlong araw na opisyal na pagbisita nito sa bansa.
Pumirma si Prime Minister Fiala sa guest book ng Palasyo, tanda ng kanyang pasasalamat para sa mainit na pagtanggap ng Pangulo sa kanya at sa buong delegasyon ng Czech Republic.

Nanumpa noong ika-14 ng Abril kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Velicaria-Garafil ang mga bagong opisyal ng PCO na sina Asec. Karen Alvarez, Dir. Jonathan Ian Gonzales, at Dir. Jonathan Jalbuna.

Itinalaga ngayong araw, ika-17 ng Abril, si G. Hilario Bringas Paredes bilang Acting Member, Board of Directors ng Bases Conversion and Development Authority at si G. Dale Brian Tee Go naman bilang Acting Member, Board of Trustees ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System. Pinangunahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang panunumpa ng dalawang bagong opisyal.

Pinamunuan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw ang sanib-pwersang hakbang ng mga ahensya ng pamahalaan upang maibalik sa normal ang pamumuhay ng mga komunidad na lubhang naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro.
140,728 na food packs mula sa Department of Social Welfare and Development ang naipamahagi sa mga apektadong pamilya, habang nagbigay din ng tulong ang Department of Agriculture sa ilalim ng Survival and Recovery Assistance Program nito.
Pinangunahan naman ng Department of Labor and Employment - DOLE, Department of Agriculture - Philippines, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, at DTI Philippines
ang pag-alalay sa paghahanapbuhay ng mga residente.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang situational briefing patungkol sa epekto ng oil spill sa Oriental Mindoro kasama ang mga opisyal ng mga kaugnay na ahensya at lokal na gobyerno ng probinsya.
Inilahad ng mga kawani ng Department of Social Welfare and Development na 140,728 family packs na ang naibahagi nito. Dagdag pa ng ahensya, mahigit 25,000 na pamilya sa 14 na baryo ang bahagi ng cash-for-work program nito kasama ang Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ibinahagi din ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na nagsagawa na ito ng pagsusuri sa tubig at mga lamang dagat at nagkaroon na din ng mga programang pangkabuhayan. Patuloy din ang paglilinis sa mga coastal areas ng probinsya.

Personal na nagsagawa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng isang aerial inspection, ngayong araw, ika-15 ng Abril, sa mga lugar na naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Tiningnan ng Pangulo ang mga baybayin sa probinsya, kasama ang ilang opisyal ng Philippine Coast Guard at ng lokal na pamahalaan ng Oriental Mindoro upang makita ang kabuuang pinsala at mailatag ng mabuti ang kauukulang aksyon para sa pagtugon sa paglilinis ng katubigan at pag-abot ng tulong sa mga naapektuhang residente.

Nakipagpulong ngayong araw si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kawani ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) upang pag-usapan at tiyakin ang sapat na suplay at tamang presyo ng bigas sa merkado.
Bilang kawani ng DA, ibinahagi ni PBBM na pinagpaplanuhan pa ang pag-aangkat ng bigas at sisigurihin ang pagpaparami ng buffer stock ng NFA.

Malugod na pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagdalaw at pakikipagpulong ng Temasek Holdings Inc. ng Singapore ngayong araw, Abril 13, sa MalacaƱan Palace. Ibinahagi ng Temasek Holdings Inc. ang intensiyon nitong makibahagi sa hangarin ng pamahalaan na mas mapaganda pa ang sektor ng agrikultura ng bansa, gayundin ang aksyon na ginagawa sa usapin ng climate change, at patuloy na pag-unlad ng bansa.

Sa miting na pinagunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ibinahagi ng Maritime Industry Authority (MARINA) at Commission on Higher Education(CHED) na patuloy ang mga hakbang ng pamahalaan para sa pagsunod ng bansa ukol sa International Convention on Standards of Training, and Watchkeeping for Seafarers (STCW). Inilahad din sa pulong ang plano ng Department of Transportation - Philippines na matapos ang pagsasaayos ng 18 na paliparan sa bansa sa darating na Hunyo.