Photos

Nakipagpulong ngayong araw si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kawani ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) upang pag-usapan at tiyakin ang sapat na suplay at tamang presyo ng bigas sa merkado. Bilang kawani ng DA, ibinahagi ni PBBM na pinagpaplanuhan pa ang pag-aangkat ng bigas at sisigurihin ang pagpaparami ng buffer stock ng NFA.

Malugod na pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagdalaw at pakikipagpulong ng Temasek Holdings Inc. ng Singapore ngayong araw, Abril 13, sa MalacaƱan Palace. Ibinahagi ng Temasek Holdings Inc. ang intensiyon nitong makibahagi sa hangarin ng pamahalaan na mas mapaganda pa ang sektor ng agrikultura ng bansa, gayundin ang aksyon na ginagawa sa usapin ng climate change, at patuloy na pag-unlad ng bansa.
Sa miting na pinagunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ibinahagi ng Maritime Industry Authority (MARINA) at Commission on Higher Education(CHED) na patuloy ang mga hakbang ng pamahalaan para sa pagsunod ng bansa ukol sa International Convention on Standards of Training, and Watchkeeping for Seafarers (STCW). Inilahad din sa pulong ang plano ng Department of Transportation - Philippines na matapos ang pagsasaayos ng 18 na paliparan sa bansa sa darating na Hunyo.
Ngayong selebrasyon ng ika-81 na anibersaryo ng Araw ng Kagitingan, nagbigay ng talumpati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang pasalamatan ang mga sundalong beterano ng bansa at hikayatin ang publiko na patuloy na ipakita ang kabayanihan ng Pilipino sa kanilang paglilikod sa bayan. Ibinihagi ng Pangulo ang kanyang mensahe sa Mount Samat National Shrine sa Pilar, Bataan na itinayo noong panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos para alalahanin ang mga sundalong Pilipino at Amerikano na lumaban sa Fall of Bataan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panunumpa ni Abdulraof A. Macacua bilang officer-in-charge ng Maguindanao Del Norte, isa sa bagong probinsya na nasa ilalim ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa isang sectoral miting, ipinag-utos ng Pangulo na pag-aralan pa ang organizational chart ng executive branch upang matukoy ang mga "redundant positions" at kung may mga tungkulin na maaring pagsamahin para sa mas epektibong serbisyo ng opisina.
Nagsagawa ang Presidential Communications Office ng isang seminar na pinamagatang "Rayuma: Rehabilitasyon ang Solusyon" nitong Biyernes, Marso 31, sa Times Building Plaza sa Ermita, Maynila. Ito ay ang bahagi ng community outreach at information campaign program ng PCO patungkol sa Osteoarthritis katuwang ang Philippine Academy of Rehabilitation Medicine, isang samahan mga doktor na nagsusulong ng physiatry sa bansa. Bukod sa workshop, nagkaroon din ng libreng physical at rehabilitation medicine consultations na nilahukan ng mga kawani at opisyal ng PCO.
Personal na binista ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang puwersa ng Philippine Air Force sa Clark Air Base, Pampanga upang magpaabot ng taos-pusong pasasalamat para sa kanilang pagtaguyod sa seguridad at kapayapaan sa bansa. Ipinangako ni PBBM ang kanyang buong suporta sa modernization program ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police bilang bahagi ng integrated approach ng pamahalaan sa pagtugon sa iba't ibang kinakaharap ng unipormadong serbisyo.
Nagsagawa ng inspeksiyon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa C130T Aircraft na may mga Tail Number na 5011 at 5040, at nagmasid ng demonstrasyon ng kakayahan ng Hermes 900 Unmanned Aerial Vehicle at ng C208B Grand Caravan EX nitong Biyernes Sa kanyang talumpati, binigyang-diin niya na mahalagang magkaroon ng mga air asset ang bansa upang matiyak na magiging mabilis ang pagpapadala ng impormasyon, tulong, at mga responders sa mga apektadong lugar sa oras ng mga natural na kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at pagsabog ng bulkan.