Photos

PBBM holds a meeting with the Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) officials, headed by Secretary Mark Llandro Mendoza, to discuss the President’s legislative priorities and its updates at the State Dining Room in Malacañan Palace
Inalam ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw, Enero 24, ang estado ng legislative priorities ng administrasyon sa isang pagpupulong kasama ang pamunuan ng Presidential Legislative Liaison Office.

Pinamunuan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw ang sanib-pwersang hakbang ng mga ahensya ng pamahalaan upang maibalik sa normal ang pamumuhay ng mga komunidad na lubhang naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro.
140,728 na food packs mula sa Department of Social Welfare and Development ang naipamahagi sa mga apektadong pamilya, habang nagbigay din ng tulong ang Department of Agriculture sa ilalim ng Survival and Recovery Assistance Program nito.
Pinangunahan naman ng Department of Labor and Employment - DOLE, Department of Agriculture - Philippines, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, at DTI Philippines
ang pag-alalay sa paghahanapbuhay ng mga residente.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang situational briefing patungkol sa epekto ng oil spill sa Oriental Mindoro kasama ang mga opisyal ng mga kaugnay na ahensya at lokal na gobyerno ng probinsya.
Inilahad ng mga kawani ng Department of Social Welfare and Development na 140,728 family packs na ang naibahagi nito. Dagdag pa ng ahensya, mahigit 25,000 na pamilya sa 14 na baryo ang bahagi ng cash-for-work program nito kasama ang Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ibinahagi din ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na nagsagawa na ito ng pagsusuri sa tubig at mga lamang dagat at nagkaroon na din ng mga programang pangkabuhayan. Patuloy din ang paglilinis sa mga coastal areas ng probinsya.

Personal na nagsagawa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng isang aerial inspection, ngayong araw, ika-15 ng Abril, sa mga lugar na naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Tiningnan ng Pangulo ang mga baybayin sa probinsya, kasama ang ilang opisyal ng Philippine Coast Guard at ng lokal na pamahalaan ng Oriental Mindoro upang makita ang kabuuang pinsala at mailatag ng mabuti ang kauukulang aksyon para sa pagtugon sa paglilinis ng katubigan at pag-abot ng tulong sa mga naapektuhang residente.

Nakipagpulong ngayong araw si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kawani ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) upang pag-usapan at tiyakin ang sapat na suplay at tamang presyo ng bigas sa merkado.
Bilang kawani ng DA, ibinahagi ni PBBM na pinagpaplanuhan pa ang pag-aangkat ng bigas at sisigurihin ang pagpaparami ng buffer stock ng NFA.

Malugod na pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagdalaw at pakikipagpulong ng Temasek Holdings Inc. ng Singapore ngayong araw, Abril 13, sa Malacañan Palace. Ibinahagi ng Temasek Holdings Inc. ang intensiyon nitong makibahagi sa hangarin ng pamahalaan na mas mapaganda pa ang sektor ng agrikultura ng bansa, gayundin ang aksyon na ginagawa sa usapin ng climate change, at patuloy na pag-unlad ng bansa.

Sa miting na pinagunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ibinahagi ng Maritime Industry Authority (MARINA) at Commission on Higher Education(CHED) na patuloy ang mga hakbang ng pamahalaan para sa pagsunod ng bansa ukol sa International Convention on Standards of Training, and Watchkeeping for Seafarers (STCW). Inilahad din sa pulong ang plano ng Department of Transportation - Philippines na matapos ang pagsasaayos ng 18 na paliparan sa bansa sa darating na Hunyo.

Ngayong selebrasyon ng ika-81 na anibersaryo ng Araw ng Kagitingan, nagbigay ng talumpati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang pasalamatan ang mga sundalong beterano ng bansa at hikayatin ang publiko na patuloy na ipakita ang kabayanihan ng Pilipino sa kanilang paglilikod sa bayan.
Ibinihagi ng Pangulo ang kanyang mensahe sa Mount Samat National Shrine sa Pilar, Bataan na itinayo noong panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos para alalahanin ang mga sundalong Pilipino at Amerikano na lumaban sa Fall of Bataan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panunumpa ni Abdulraof A. Macacua bilang officer-in-charge ng Maguindanao Del Norte, isa sa bagong probinsya na nasa ilalim ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa isang sectoral miting, ipinag-utos ng Pangulo na pag-aralan pa ang organizational chart ng executive branch upang matukoy ang mga "redundant positions" at kung may mga tungkulin na maaring pagsamahin para sa mas epektibong serbisyo ng opisina.