Photos

PBBM orders 24/7 deployment of BOC, DA teams for continuous PH shipment process
President Ferdinand R. Marcos Jr. ordered on Wednesday the round-the-clock deployment of teams from the Bureau of Customs (BOC) and the Department of Agriculture (DA) to ensure uninterrupted shipment process nationwide.
Read more here

Ibinahagi ni Department of Finance Secretary Benjamin Diokno ang ilan sa mga napag-usapan sa isang sectoral meeting kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kahapon ika-28 ng Marso. Kabilang sa mga natalakay ay ang panukalang pag-iisa ng Land Bank of the Philippines at Development Bank at ang paglalatag ng mga reporma para sa pension ng mga militar at uniformed personnel.

Nagbigay ng talumpati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isinagawang Pag-IBIG Fund Chairman's Report nitong Martes.

Ibinahagi ni Department of Finance Secretary Benjamin Diokno ang mga mahahalagang panukala ng economic development team kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw, Marso 28. Napag-usapan sa pagpupulong ang panukalang pag-iisa ng dalawang bangko ng pamahalaan, ang Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines upang mas mapaganda at mapalawak pa ang government banking services para sa mga Pilipino. Tinalakay rin sa pagpupulong ang paglalatag ng mga komprehensibong reporma sa Military and Uniformed Personnel Retirement and Pension System na bahagi ng welfare provision ng pamahalaan sa mga retiradong sundalo, pulis, at iba pang sangay ng unipormadong serbisyo.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ceremonial turnover ng St. Gregory Homes Project sa Malabon City, na magbibigay ng mga kalidad at ligtas na pabahay para sa mga informal settlers at sa mga naapektuhan ng proyekto ng gobyerno. Ayon kay PBBM, prayoridad ng kanyang administrasyon na tugunan ang mga pangangailangan ng bansa sa pabahay, na naglalayong magtayo ng mga disente at abot-kayang tahanan para sa bawat pamilyang Pilipino. Binubuo ng mahigit sa 20 na gusali na mayroong 1,380 na mga yunit ang nasabing proyekto.

Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa groundbreaking ng Disiplina Village Arkong Bato sa Valenzuela City, ang ika-apat na Disiplina Village sa lungsod. Nagpasalamat ang Pangulo sa lahat ng tumulong upang maipatayo ang mga bahay para sa mga pamilyang naninirahan sa peligrosong mga lugar at naapektuhan ng mga proyekto ng gobyerno. Layunin ng proyektong ito na magbigay ng pabahay para sa 1,200 pamilya na naninirahan sa tabi ng Tullahan River at Manila Bay.

PBBM graces the inauguration of the North Luzon Expressway (NLEX) Connector from Caloocan to España.
Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang bagong-tayong Caloocan-España Section ng North Luzon Expressway (NLEX) Connector ngayong ika-27 ng Marso 2023. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Pangulong Marcos na ang positibong epekto ng proyektong ito ay magpapabilis sa paggalaw at transaksyon, at magpapalakas sa ekonomiya ng bansa. Kapag natapos na ang NLEX Connector, magbibigay ito ng alternatibong ruta na magpapabilis ng biyahe para sa mga motorista, at magpapadali sa paglipat ng mga kargamento at kalakal mula sa hilaga hanggang sa timog, lalo na ang mga galing sa Port of Manila.

Malugod na tinanggap ngayong araw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang credentials nina H.E. Alvaro Domingo Jara Bucarey - Chilean Ambassador, H.E. Ahmed Saad Nasser Abdullah Al-Hamidi - Qatarian Ambassador, H.E. Dato’ Abdul Malik Melvin Castelino bin Anthony - Malaysian Ambassador, at H.E. Megawati Dato Paduka Haji Manan - Bruneian Ambassador.
Hangad ng Pangulo na patibayin ang relasyon ng Pilipinas sa pagitan ng Chile at Qatar sa disaster-response, climate change, energy security, at pagtutulungan ng pambubliko at pribadong sektor. Pinasalamatan din ni PBBM ang Malaysia at Brunei sa patuloy nitong pagtulong sa pagtaguyod ng kapayapaan sa Mindanao.

Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ika-33 na Biennial Convention ng Federation of the Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc.

Sa kanyang pagdalo sa 6th Edition of Water Philippines Conference and Exposition, binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng tubig sa pang-araw-araw na buhay at ang pangangailangan ng kolektibong aksyon upang matiyak ang seguridad ng tubig sa Pilipinas.