Photos

Print media will remain relevant – PCO Chief
Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Cesar Chavez on Monday underscored the enduring importance of print media in the era of mass digitalization and artificial intelligence. In a speech delivered by PCO Senior Undersecretary Emerald Anne Ridao during the UPMGPhils Tinta Print Media Conference 2024, Chavez emphasized the relevance of print media in the years and decades to come.
Read more here

Sa miting na pinagunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ibinahagi ng Maritime Industry Authority (MARINA) at Commission on Higher Education(CHED) na patuloy ang mga hakbang ng pamahalaan para sa pagsunod ng bansa ukol sa International Convention on Standards of Training, and Watchkeeping for Seafarers (STCW). Inilahad din sa pulong ang plano ng Department of Transportation - Philippines na matapos ang pagsasaayos ng 18 na paliparan sa bansa sa darating na Hunyo.

Ngayong selebrasyon ng ika-81 na anibersaryo ng Araw ng Kagitingan, nagbigay ng talumpati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang pasalamatan ang mga sundalong beterano ng bansa at hikayatin ang publiko na patuloy na ipakita ang kabayanihan ng Pilipino sa kanilang paglilikod sa bayan.
Ibinihagi ng Pangulo ang kanyang mensahe sa Mount Samat National Shrine sa Pilar, Bataan na itinayo noong panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos para alalahanin ang mga sundalong Pilipino at Amerikano na lumaban sa Fall of Bataan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panunumpa ni Abdulraof A. Macacua bilang officer-in-charge ng Maguindanao Del Norte, isa sa bagong probinsya na nasa ilalim ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa isang sectoral miting, ipinag-utos ng Pangulo na pag-aralan pa ang organizational chart ng executive branch upang matukoy ang mga "redundant positions" at kung may mga tungkulin na maaring pagsamahin para sa mas epektibong serbisyo ng opisina.

Nagsagawa ang Presidential Communications Office ng isang seminar na pinamagatang "Rayuma: Rehabilitasyon ang Solusyon" nitong Biyernes, Marso 31, sa Times Building Plaza sa Ermita, Maynila.
Ito ay ang bahagi ng community outreach at information campaign program ng PCO patungkol sa Osteoarthritis katuwang ang Philippine Academy of Rehabilitation Medicine, isang samahan mga doktor na nagsusulong ng physiatry sa bansa.
Bukod sa workshop, nagkaroon din ng libreng physical at rehabilitation medicine consultations na nilahukan ng mga kawani at opisyal ng PCO.

Personal na binista ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang puwersa ng Philippine Air Force sa Clark Air Base, Pampanga upang magpaabot ng taos-pusong pasasalamat para sa kanilang pagtaguyod sa seguridad at kapayapaan sa bansa. Ipinangako ni PBBM ang kanyang buong suporta sa modernization program ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police bilang bahagi ng integrated approach ng pamahalaan sa pagtugon sa iba't ibang kinakaharap ng unipormadong serbisyo.

Nagsagawa ng inspeksiyon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa C130T Aircraft na may mga Tail Number na 5011 at 5040, at nagmasid ng demonstrasyon ng kakayahan ng Hermes 900 Unmanned Aerial Vehicle at ng C208B Grand Caravan EX nitong Biyernes Sa kanyang talumpati, binigyang-diin niya na mahalagang magkaroon ng mga air asset ang bansa upang matiyak na magiging mabilis ang pagpapadala ng impormasyon, tulong, at mga responders sa mga apektadong lugar sa oras ng mga natural na kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at pagsabog ng bulkan.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang milestones ceremony ng Bataan-Cavite Interlink Bridge (BCIB) nitong Biyernes, Marso 31. Naniniwala ang Pangulo na malaki ang maitutulong ng proyekto sa pagbubukas ng mga bagong oportunidad sa pagpapaunlad ng kalakalan at pagnenegosyo sa rehiyon. Target na matapos ang BCIB sa 2025 na may kabuuang pondo na Php 175.6 bilyon at inaasahang mapapaikli nito ang biyahe sa pagitan ng Bataan at Cavite mula mahigit limang oras hanggang 45 na minuto.

Sa inagurasyon ng Battery Energy Storage System (BESS) ng San Miguel Global Power, hinimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapakabit ng Energy Storage Systems (ESS) sa kabuuang energy infrastructure ng bansa. Ang BESS ay magbibigay ng malaking benepisyo sa bansa tulad ng pagkakaroon ng maaasahan at malinis na enerhiya, pagpapababa ng presyo ng kuryente, at pagbibigay ng "green jobs."