Photos

Sa inagurasyon ng Battery Energy Storage System (BESS) ng San Miguel Global Power, hinimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapakabit ng Energy Storage Systems (ESS) sa kabuuang energy infrastructure ng bansa. Ang BESS ay magbibigay ng malaking benepisyo sa bansa tulad ng pagkakaroon ng maaasahan at malinis na enerhiya, pagpapababa ng presyo ng kuryente, at pagbibigay ng "green jobs."
Bumisita si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bataan ngayong Biyernes, upang mamahagi ng iba't ibang uri ng tulong mula sa pamahalaan. Sa kanyang talumpati, ipinangako ng Pangulo na magpapatuloy sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programang magbibigay ng pangmatagalang benepisyo at trabaho sa mga tao ng Bataan ang pamahalaan. Kasama sa pagbabahagi ng tulong ang mga kawani ng Department of Agriculture (DA), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at Department of Trade and Industry (DTI).
Inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Kadiwa ng Pangulo (KNP) sa Bataan nitong Biyernes, bilang bahagi ng mga pagsisikap ng administrasyon na isulong ang abot-kayang presyo. Ipinahayag ni PBBM ang kahalagahan ng pag-suporta sa mga magsasaka, mangingisda, at mga maliliit na negosyo, na kritikal sa food supply chain ng bayan. Dagdag pa ng Pangulo na mas pararamihin pa ng pamahalaan ang KNP sa bansa para mas marami kababayan natin ang makinabang sa programang ito.
Iginawad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Global Tourism Ambassador Award kay Filipino-American actress na si Bb. Vanessa Anne Hudgens sa isang courtesy call sa Palasyo ngayong araw. Ang parangal ay ibinigay sa aktres bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan upang ipakilala ang Pilipinas bilang pangunahing pandaigdigang destinasyon para sa pamumuhunan at turismo. Kasama sa pagtitipon sina Presidential Adviser on Creative Communications (OPACC) Paul Soriano at Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco.

Idinaos ang paggawad ng parangal para sa 2022 Ten Outstanding Young Men of the Philippines sa Palasyo kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga awardees na makadaupang-palad si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa seremonya, nagbigay ng isang talumpati si Executive Secretary Lucas Bersamin bilang representante ng Pangulo kung saan hinikayat niya ang mga awardees na ipagpatuloy ang kanilang mabuting sinumulan sa sektor na kanilang kinabibilangan.

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw, Marso 29, sa mga miyembro ng Private Sector Advisory Council upang pag-usapan ang kalagayan ng sektor ng kalusugan sa bansa. Kabilang sa mga tinalakay ay ang mga hakbang na isinasagawa para sa pagpapataas ng lokal na produksyon ng gamot, pagtugon sa kakulangan sa mga nurse at pagpapabuti ng sahod ng mga healthcare worker. Inatasan naman ang PSAC na pag-aralan ang pagkuha ng bagong medical technology at ang pagtatag ng remote diagnostics centers para sa mga malalayo sa pagamutan.
Sa paglulunsad ng Philippine Multi-Sectoral Nutrition Project ngayong araw, binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng kooperasyon ng lahat para sa pagkamit ng malusog, masigasig, at malakas na sambayanang Pilipino. Naaayon sa tema ng aktibidad na “Sa Healthy Pilipinas, Lahat Malakas! Converging Governance and Empowering Communities Against Maternal and Child Malnutrition,” inihayag ng Pangulo na mahalagang tugunan ang malnutrisyon dahil isa itong balakid sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.
Ibinahagi ni Department of Finance Secretary Benjamin Diokno ang ilan sa mga napag-usapan sa isang sectoral meeting kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kahapon ika-28 ng Marso. Kabilang sa mga natalakay ay ang panukalang pag-iisa ng Land Bank of the Philippines at Development Bank at ang paglalatag ng mga reporma para sa pension ng mga militar at uniformed personnel.
Nagbigay ng talumpati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isinagawang Pag-IBIG Fund Chairman's Report nitong Martes.