Photos

PBBM orders 24/7 deployment of BOC, DA teams for continuous PH shipment process
President Ferdinand R. Marcos Jr. ordered on Wednesday the round-the-clock deployment of teams from the Bureau of Customs (BOC) and the Department of Agriculture (DA) to ensure uninterrupted shipment process nationwide.
Read more here

Isang groundbreaking ceremony rin ang isinagawa sa Barangay Balatas, Naga City, Camarines Sur para sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) Program kung saan dinaluhan ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama si Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar. Ang proyekto ay binubuo ng pitong gusali na may kabuuang 1,100 na mga yunit ng pabahay, at magkakaroon din ito ng mga pasilidad tulad ng mga pamilihan, paaralan, at ospital.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang groundbreaking ceremony para sa proyektong Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) sa Panganiban Drive, Naga City, Camarines Sur ngayong araw, ika-16 ng Marso 2023. Binigyang-diin ng Pangulo na ang okasyong ito ay nagpapakita ng mahalagang hakbang tungo sa pangarap na magbigay ng abot-kayang pabahay para sa mga Pilipino. Kumpiyansa si PBBM na ang pagpapatayo ng limang residential towers na may mahigit 11,800 units, kasama ng apat na commercial building ay magbibigay ng kaginhawahan sa mga benipisyaryo ng nasabing proyekto.

Opisyal nang kinumpirma ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Atty. Cheloy Velicaria-Garafil bilang Kalihim ng Presidential Communications Office (PCO) kahapon, Marso 15. Nangako si Sec. Garafil na isusulong ang pagpapalaganap ng tamang impormasyon sa publiko. Inilahad din niya ang planong programa ng ahensya, kung saan layong itaguyod ang media literacy sa grassroots level.

Inilunsad ngayong araw, sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang Kadiwa ng Pangulo sa Pili, Camarines Sur. Ipinagpapatuloy ng programa ang mga naunang inisyatiba na Kadiwa Store, Kadiwa Pop-up Store, at Kadiwa on Wheels, na naglalayong tulungan ang mga magsasaka, mangingisda, kooperatiba, at maliliit na negosyante sa pagtinda ng kanilang mga produkto. Ang Kadiwa ng Pangulo ay inilunsad din para makapagbigay ng mas murang alternatibo para sa mga mamimili sa gitna ng pandaigdigang pagtaas ng presyo ng bilihin.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI)

Sa isinagawang press briefing ngayong Martes, inihayag ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na nakatakda ang ahensya na magpatupad ng mahigit sa 70,000 proyekto sa buong bansa na may kabuuang budget na humigit-kumulang na PHP890-bilyon. Aniya, may mga proyektong nakalinya na para sa groundbreaking at inaugurasyon bago ang State-of-the-Nation Address ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. sa Hunyo. Ito ang ng NLEX-SLEX connector at ang isang bahagi ng Cavite-Laguna Expressway. Dagdag ng kalihim na sa unang anim na buwang panunungkulan ni PBBM, naipatupad ng DPWH ang pagpapaganda at pagpapabuti ng mga pampublikong kalsada at mga tulay sa buong bansa, na umaabot sa halos 1,500 kilometro. Naipagawa rin ang 161 na mga tulay sa mga pampublikong kalsada at iba pang lokal na mga kalsada sa panahon na ito.

Nagkaroon ng isang sectoral miting sa pagitan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong araw, Marso 14. Sa miting, inihayag ng Pangulo na nais nitong makapagpatayo ang gobyerno ng ilang cold storage facilities sa iba't-ibang fish ports sa bansa bilang tugon sa mabilis na pagkasira ng mga nahuhuling isda ng mga mangingisda. Inilahad din ni DPWH Secretary Manuel Bonoan ang mga proyektong natapos na ng ahensya mula Hulyo hanggang Disyembre at mga proyektong nakatakdang pasinayaan bago ang State of the Nation Address ng Pangulo ngayong taon.

The Marcos administration has been carrying out programs aimed at educating and improving the skills of Filipino women on information and communications technology (ICT) as a way of empowering them, the country’s representative to the 67th session of the United Nations Commission on the Status of Women (CSW67) in New York said on Monday.

President Ferdinand R. Marcos Jr. has directed the Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) and the Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) to step up and harmonize government and private sector efforts in combating human trafficking, which he said, could compromise the country’s economy and national security.