Photos


President Ferdinand R. Marcos Jr. has directed the Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) and the Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) to step up and harmonize government and private sector efforts in combating human trafficking, which he said, could compromise the country’s economy and national security.
PBBM witnesses the signing of a Memorandum of Understanding (MOU) between the National Intelligence Coordinating Agency (NICA) and National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)
Sa kanyang pagdalo sa 2023 Annual Scientific Conference, hinimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga eksperto sa sektor ng siyensya na patuloy na magpalawak ng kanilang kaalaman, makipagtulungan sa ibang dalubhasa, at maging modelo sa kabataang Pilipino na magtagumpay sa larangan ng siyensiya at teknolohiya. Pinuri rin ng Pangulo ang mga siyentipiko sa kanilang paglikha ng mga solusyon gamit ang kanilang mga imbensyon, pananaliksik, at mga katibayan upang labanan ang negatibong epekto ng mga hamon sa lipunan at sa kapaligiran.
Dumalo bilang pangunahing tagapagsalita si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagtatapos ng 2023 National Election Summit ngayong Biyernes, Marso 10. Binigyang-diin ng Pangulo na mahalaga ang mga naging resulta ng mga preparatory consultations na isinagawa sa iba't ibang stakeholder sa pampubliko at pribadong sektor, at kinakailangang agarang kumilos at magpatupad ng konkretong hakbang upang maisakatuparan ang mga plano. Kinilala rin ng Pangulo ang mahalagang papel ng COMELEC bilang mga tagapangalaga ng pambansang soberanya upang matiyak ang integridad ng proseso ng eleksyon. Sa temang "Pagtutulungan sa Makabagong Halalan," ang 2023 National Election Summit ay naglalayong magbigay ng plataporma para sa pambansang talakayan ng mga election stakeholders upang mapabuti ang proseso ng halalan ng bansa. Ito ay ginanap mula ika-08 hanggang ika-10 ng Marso 2023.
Sa unang pagkakataon bilang Punong Ehekutibo, dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw sa ika-44 na Commencement Exercises ng “MASIDTALAK” (MAaasahang tagapagSIlbi ng inang bayan na may Dangal at TAlino na ang LAyunin ay Kapayapaan) Class of 2023 ng Philippine National Police Academy. Nakaangkla ang tema ngayong taon sa “Kapulisan na May Malasakit at Integridad, Sandigan ng Kaayusan ng Sambayanan" na binigyang-diin ng Pangulo bilang inspirasyon sa mga bagong tagapagpatupad ng batas at mamumuno sa PNP sa darating na mga panahon.Isang honorary member ng PNPA TAGAPAGBUKLOD Class of 1989 ang Pangulo at kinilala niya ang husay at pagpupursige ng institusyon sa pagtataguyod ng mga bagong lider ng pulisya.
Nagsilbing panauhing pandangal si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw, March 9, sa pagbubukas ng 2023 National Convention ng Philippine Councilor’s League (PCL) sa World Trade Center sa Pasay City. Sa kaniyang mensahe, naniniwala si PBBM na mahalaga ang suporta ng lokal na pamahalaan sa ilang layunin at hangarin ng kaniyang administrasyon tulad ng pagsasabatas ng E-Governance Act, pag-amiyenda sa Build-Operate-Transfer Law, at pagpapasa ng National Land Use Act, at iba pa. Mahalaga rin aniya ang papel ng LGUs sa pagpapaabot ng tulong sa mga komunidad. Bilang bahagi ng opening ceremony, pinangunahan din ng Pangulo ang panunumpa ng mga bagong halal na PCL national officers at island officers.
Nagsilbing panauhing pandangal si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw, March 9, sa pagbubukas ng 2023 National Convention ng Philippine Councilor’s League (PCL) sa World Trade Center sa Pasay City. Sa kaniyang mensahe, naniniwala si PBBM na mahalaga ang suporta ng lokal na pamahalaan sa ilang layunin at hangarin ng kaniyang administrasyon tulad ng pagsasabatas ng E-Governance Act, pag-amiyenda sa Build-Operate-Transfer Law, at pagpapasa ng National Land Use Act, at iba pa. Mahalaga rin aniya ang papel ng LGUs sa pagpapaabot ng tulong sa mga komunidad. Bilang bahagi ng opening ceremony, pinangunahan din ng Pangulo ang panunumpa ng mga bagong halal na PCL national officers at island officers.
Nakiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ang mga tanggapan ng pamahalaan sa ginanap na 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngNational Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Huwebes ng hapon. Ang NSED ay taunang aktibidad ng pamahalaan na may layuning mapabuti ang kahandaan ng mga Pilipino sa mga posibleng lindol na maaaring mangyari sa bansa.
Nakisa ang delegasyon ng Pilipinas sa pagdiriwang ng International Women's Day sa United Nations (UN) headquarters sa New York City. Pinanguhan ni Ambassador Antonio Lagdameo ang delegasyon ng Pilipinas. Nilahukan din ito ng mga lider at tagapagtaguyod mula sa iba't ibang panig ng mundo, kung saan tinalakay ang mga isyu na nakaaapekto sa mga kababaihan at mga batang babae, lalo na sa larangang digital gender equality.
Ibinahagi ni National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan sa press briefing ngayong araw na inorganisa ng Presidential Communications Office ang pag-apruba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa dalawang mahalagaang inisyatibo ng pamahalaan sa infrastructure sector ng bansa. Ito ay ang pagpapalawig ng listahan ng 194 na flagship infrastructure projects sa ilalim ng Build Better More program at ang pagbabago sa 2013 NEDA Joint Venture guidelines para sa mas madaling pagpoproseso ng mga kasunduan sa ilalim ng Public-Private-Partnership.